CHAPTER 25

30 2 0
                                    

VIANNIARA

“Mag-ayos ka na. Jayden’s on his way here. Sige na, anak.” Dad kissed me one more time before standing up.

I gaped his hands and pinched it a little. I smiled warmly at him with genuine tears in my eyes. Isang beses ko pang tinignan at nginitian si Mommy.

“Thank you, Dad. Thank you, Mom.”

They just smiled emotionally at me. Lumapit sa akin si Mommy habang nagpupunas ng luha.

“Let me help you clean up. Hmm?” Napatitig ako sa kaniya dahil halatang pinipigil niya ang nararamdaman niya.

Anyhow, I’m happy that she’s doing her best to stop me from feeling guilty. I guess it’s the hidden talent of parents. They tend to understand their children even without a word coming from them. ‘Yong tipong sasabihin mo pa lang ang hinaing mo, alam na agad nila kung ano.

I smiled at her before nodding. She helped me clean up the dirt from the paints. I saw her glancing on my canvas multiple times. She’ll just look away when I saw her. After that, she helped me changing my clothes.

Maya-maya lang ay dumating na si Jayden. He is now on comfy clothes.  I smiled at him when I saw him coming near my bed. May dala-dala siyang wheelchair, it’s one of the protocols of the hospital. Tanggihan ko man, alam kong hindi pwede dahil hindi ako makalalabas kung hindi naka-wheelchair.

“Are you ready?” Excited akong tumango nang magkakasunod. Sabik akong tumanyo mula sa kama upang makalipat na sa wheelchair. Bigla tuloy silang napaalalay sa akin ni Daddy ng gawin ko iyon.

My parents don’t really have to tell Jayden on what to do but they just really can’t help it.

“Take care of our daughter, hijo, please?” Si Mommy.

“You know what to do Jayden.” Si Dad.

Jayden answered them politely. While me, hindi na ako mapakali sa upuan ko dahil sa sobrang pananabik. Tumingala ako kay Jayden nang simulan niyang itulak ang wheelchair. Tuloy, hindi nakaligtas sa paningin ko ang makahulugang tinginan nila ni Dadd. Sumulyap sa akin si Daddy at nginitian bago ako tanguan. I smiled at them bilang pagpapaalam.

Halos humagikhik ako nang matanaw ko na ang exit ng hospital. I can feel JD’s stares at me. Sinulyapan ko siya. Napanguso ako nang makita kung gaano kaseryoso ang mukha niya habang nakatuon ang pansin sa daan.

Nagbaba siya ng tingin sa akin at saka lang ngumiti. Matamis akong ngumiti sa kaniya bago muli itinuon ang paningin sa harapan.

Napahinga ako ng malalim dahil sa pananabik nang makalabas kami ng ospital. Kung tutuusin ay sakop pa rin ito ng hospital. Playground ito na naging park na rin para sa mga batang nais maglaro habang naka-confine.

Jayden pushed me towards a vacant bench. He adjusted my wheels before sitting on the bench. Nilingon niya ako at pinagmasdan. Nanatili akong nakatanaw sa kalangitan. Ang tagal na kasi nang huli akong nakalabas. The atmosphere inside the hospital is sometimes suffocating that’s why this is a fresh page for me.

Hapon na kaya hindi gaanong masakit sa mata ang sinag ng araw. Ilang beses akong bumuntong hininnga bago nilingon si Jayden.

“Thank you for accompanying me,” malaki ang ngiti kong ani.

“No problem.” Ginantihan niya ang ngiti ko. Sabay kaming nag-iwas ng tingin sa isa’t isa upang muling tumanaw sa kalangitan.

“How’s your day?” Matunog akong napangiti sa tanong niya dahil muling sumagi sa isipan ko ang ipinipinta ko.

Paint my LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon