CHAPTER 1

111 5 0
                                        

VIANNIARA

Napangiti ako ng makita ko ang painting ko. This is my anniversary gift for Gavin. Grabe five years na rin pala kaming mag girlfriend-boyfriend ni Gavin, parang kailan lang.

I paint our first date picture five years ago. Nakakatuwa lang isipin na kahit busy ako sa trabaho at siya rin ay humahanap pa rin kami ng panahon para sa isa't isa.

By the way, I'm Vianniara Leigh Samonte , I'm a doctor, neurologist specificaly.

As I stare on my painting parang may kulang. Hindi ko alam kung ano basta may kulang.

I avoided that thought dahil masisira lang ang mood ko. Biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag pala si Cass.

"Hey sweety pie! How are you? Tsh, you better get ready na for your date!" sabi ni Cassy na hindi man lang ako hinayaang mag salita.

"Tinatapos ko lang yung regalo ko kay Gavin, Cass " I said.

"Fine, as if naman mapagmamadali kitang mag-ayos diba? Mag-ayos ka na, sorry I'm not there to help you Viann." she said na para bang nanghihinayang talaga siya.

Everytime kasi na may mga occasions na ganito sila nila Fanny, and Aerie ang katulong ko.

"Its fine, ano ka ba? Maybe its my opportunity to dress on my own." pabiro ko pang sabi.

"Hahahaha bahala ka na nga sa buhay mo! Ayusin mo yang itsura mo kung hindi lagot ka talaga samin!" sabi niya na para bang desidido talaga siyang makita ang magiging itsura ko, na para bang papatayin niya ako kapag wala akong naipakitang picture sa kanila.

"Oo na, bye na." sabi ko.

"Okay bye na! Umayos ka Vianniara ahh!"

"Oo na nga!"

And with that namatay na yung phone call.

I'm so lucky to have friends like them. They are one of the reasons kung bakit until now I still manage to smile despite of everything.

A few minutes later, nag ayos na ko ng sarili ko. Grabe, buti tinuruan nila ako mag- ayos. I wear a sleeveless white dress with a pair of earings and necklace that made me look more elegant.

I texted Gavin and say paalis na ko ng bahay.

Pababa na ko ng hagdan ng makita ko sila mommy at ate sa may sala.

"Where are you going?" sabi ni mommy na kala mo tigre kung makatingin.

"May date po kami ni Gavin," sabi ko ng may pahina-hinang boses.

"Oh really? I wonder na napagtiisan ka ni Gavin ng ganon katagal. Your not even pretty as me, right mom?" sabi ni ate na wala ng ibang ginawa kundi ang pintasan ako.

"Yes ofcourse your right, sweety. Hayaan mo yang kapatid mo dahil iiwan din yan ng boyfriend niya." sabi ni mommy na para bang wala ako sa harap nila. Sinabi niya 'yon na para bang hindi niya ko anak.

Laging ganito ang sitwasyon ko sa bahay na'to. Laging ako yung kawawa. Laging ako yung masama. Lagi na lang ako yung mali.

My tears started to fall dahil sa mga pinagsasabi nila.

Paint my LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon