VIANNIARA
Walang namutawing salita sa pagitan namin ni Jayden habang nakaupo sa labas ng waiting room ng Lab.
Abalang-abala sa pag-iisip kung tama ba ang naiisip namin. Alam kong may naiisip na rin siyang posibleng sakit ko. Mula sa mga pagkahilo, pamumutla, doon pa lang ay meron ka ng mahihinuha na sagot.
Jayden is an Oncologist, doctors who study and fight against blood cancers. Specialty niya 'yon. Jayden is a great doctor. Isa siyang magaling na doctor. Kilala siya sa Ospital na pinagtatrabahuhan namin. Hindi lang kasi siya magaling na doctor, isa rin siya sa pinaka gwapo hindi lang sa department nila, maging sa buong Hospital.
Heart-throb ika nga nila. Maraming nurses na nagkakagusto sa kaniya. Kahit nga ang mga kapwa namin doctor ay may lihim na pagtingin din sa kaniya.
Kung siguro sa kaniya ako unang nagkagusto ay sobrang swerte ko. Kahit kasi nilinaw ko sa kaniya na hanggang kaibigan lang talaga kami ay hindi ko maiwasang isipin na sobrang swerte ko. Sobrang swerte ko dahil kahit na binasted ko na siya, ay wala siyang naging girlfriend, nasa akin lang ang paningin niya.
Maalaga siyang tao. Lagi niya akong hinahatiran ng pagkain sa office. Ang totoo ay pakiramdam ko ay parang mas naging boyfriend ko pa nga siya kaysa kay Gavin.
Si Gavin...
Kumusta na kaya siya? Kakatwang hindi man lang siya nag text sa akin ng mahigit kumulang dalawang linggo. Ang huli namin pag uusap ay yung nahimatay ako dalawang linggo na ang nakakaraan.
Ang totoo ay nagpapanggap lang ako na walang pakialam pero sa tuwing maririnig ko na may out of town appointments siya ay gusto ko siyang tawagan.
Napukaw ako sa malalim na pag iisip ng biglang tumunog ang telepono ko. Napalingon ako kay Jayden ngunit sinulyapan niya lang ang cellphone ko na parang sinasabing sagutin ko ang tawag.
Tiningnan ko kung sino ang caller, at nakita ko si Fanny na tumatawag. Agad kong sinagot ang tawag.
" Hello, Fann?" sabi ko.
" Viann mag papaalam lang ako, i have a fashion show sa New York. Tomorrow night na yung flight ko." sabi niya. Hindi na yata talaga mawawala yung ganitong ugali namin sa isa't isa. Sa tuwing aalis o di naman kaya ay may gagawin ay tinatawagan agad namin ang isa' isa. Isa sa mga bagay na ipinagmamalaki ko sa mga kaibigan ko.
" Okay Fann, take care ha? 'Wag kang magpapagutom." sabi ko na para bang ako yung nanay niya.
" Ofcourse, Haha, by the way tinawagan ko na rin sina Aer." Fanny said.
" Good, take care, Gummy Bear!" i said with a giggle. Meron kaming kaniya-kaniyang tawag sa isa't isa. Ang bansag nila sa akin ay Sweetie pie. Si Cassy naman ay Honey pie. Si Arie ay Cutie Bear at si Fanny ay Gummy Bear. Mahilig kaming apat sa matatamis. Bonding namin ang pagkain ng sweets. Hindi ko alam pero parang destiny na pare-pareho kami na may sweet tooth.
Ibinaba ko na ang tawag at nagulat ako ng biglang tumayo si Jayden. Mayamaya lang ay tinawag na kami ng nurse.
Si Jayden ang nag assist sa akin. Kinuhaan niya ako ng blood samples to identify and to confirm kung ano ang sakit ko. Nakatitig lang ako sa karayom na nakaturok sa balat ko. Amg totoo ay kinakabahan ako, natatakot ako na malaman ang totoo. Natatakot ako na malaman na may sakit ako, typical na pakiramdam ng isang taong may nararamdamang karamdaman.
![](https://img.wattpad.com/cover/170209452-288-k944209.jpg)