VIANNIARA
Nagising ako na puti ang aking unang nakita. Hindi ko alam kung nasaan ako ngunit dahil sa nay na ako sa amoy ng ospital, nasisiguro kong nasa ospital ako dahil sa namataan kong IV drops sa aking gilid.
Nagiging madalas ang aking pagkahilo, hindi ko alam kung bakit pero laging umiikot ang aking paningin. Lagi ring sumasakit ang aking mga kasu-kasuan. Hindi normal yun sa edad ko sapagkat masiyado pa akong bata para makaranas ng mga ganitong sakit.
Tatanggalin ko na sana ang Dextrose na nakakabit sa akin ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Jayden.
Nakakunot noo siyang lumapit sa akin, dahil sa pagtangka kong tanggalin ang IV na nakakabit sa akin.
Tinitigan niya ako ng maigi at sinipat ang kabuuan ng aking mukha.
Nakangiti siyang nag-angat ng tingin sa akin ngunit hundi no'n naitago ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.
" How are you feeling, Viann?" he said while showing his killer smile.
" I'm fine." i smile back at him.
" You look pale." he said at umupo sa tabi ko.
Napansin ko rin ang pamumutla ko. Pinagsawalang bahala ko lang yun dahil naisip ko na baka dahil lang sa stress, o kaya namam ay dahil sa madalas akong kulang sa tulog.
Kaya nagtake ako ng Vitamins kasi baka kulang lang ako dun.
Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. I always feel comfortable tuwing may gagawa sa akin nun.
" I think kailangan mo ng mag patest, Viann." he said.
Napatingin ako sa kaniya. Paano niya naman naisip na kailangan kong mag patest. Kalokohan.
" Why would i do that?" sabi ko na mag nakakunot na noo.
" Viann, listen. You look pale, and madalas ka ng mahimatay, don't you think na iba na yung nararamdaman mo?" he said with a worried face.
" Jayden, this is nothing. Believe me, masiyado lang akong maraming iniisip kaya ako nagkaganito, believe me, okay?" i said na pinapaintindi sa kaniya ang sitwasyon.
" Viann, please" sabi niya na nagmamakaawa.
" No, i won't do that" sabi ko with finality.
Huminga siya ng malalim na para bang ako yung may pinaka matigas na ulo na nakilala niya.
" Alright, pero kapag naulit pa'to ay mag papatest ka na okay?" he said na niyakap ako at hinalikan ang aking noo.
" Fine." niyakap ko rin siya pabalik.
Natinag na lang kami ng biglang bumukas ang pinto. Iniluwa no'n si Gavin na may nag-aalalang tingin. Nawala lang yun ng makita niya kami niya kami ni JD na magkayakap.
Humiwalay sa akin si Jayden at nginitian ako.
" I should go. May rounds pa ko." sabi niya na naglakad papalapit kay Gavin.
" Take care of her." sabi niya na nakatingin ng diretso sa mga mata ni Gavin.
Nang makalabas si Jayden naglakad papalapit sa akin si Gavin. Nagbaba na lang ako ng tingin ng makarating siya sa harap ko.
Hindi ko pa rin kayang harapin siya. Despite the fact that he doesn't know what i've heard, parang ang hirap niyang harapin.
If theres one thing na hindi ko kayang gawin yun ay ang magsinungaling. I don't know kung bakit ganoon ako. I always caught of guard tuwing may tinatago ako. I think thats one of my weakness.
Nag angat lang ako ng tingin kay Gavin nung hinawakan niya ang baba ko upang magtama ang aming mga paningin.
" Babe, please tell me what happened?" he said
Tinitigan ko siya. Yung paraang inaalam ko kung totoo ba ang pag-aalala niya para sa akin.
" A-ayos lang ako. Don't worry." sabi ko kasabay ng pagbaba ko sa hospital bed.
" Viann, wag ka munang bumaba, please." sabi niya at hinawakan ang aking kamay.
" Okay na'ko, meron pa akong pasyente na oobserbahan. Don't worry, magpapahinga ako pagkatapos." sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya.
Hindi ko parin pala kaya. Hindi ko siya kayang pakawalan. Mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang mawala siya sa akin.
Gustong gusto ko siyang tanungin tungkol doon sa narinig ko pero masakit. Alam kong masasaktan lang ako kapag nalaman ko ang totoo. I will never take tge risk. Sabihin na nating duwag ako, duwag akong mawala siya sa akin.
Tinitigan niya ako ng mataman. Parang sinusuri kung anong nangyari. Sunusuri kung maayos na ba talaga ang lagay ko.
" Babe, ayos lang ba tayo?" sabi niya na hinawakan pa ang pisngi ko.
Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko inaasahan na tatanungin niya ako ng ganoon. Gusto kong matawa dahil malakas ang loob niyang tanungin sa akin ang bagay na'yon.
Hindi ba dapat ako yung magtatanong noon?
" Ofcourse we're fine." sabi ko na nakangiti ng pilit sa kaniya.
Huminga siya ng malalim saka pilit din na ngumiti sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko at dahan dahang inilapit ang mga labi sa akin.
Nang maglapat na ang aming mga labi ay hindi ko mapigilang maluha. Hindi ko alam kung bakit pero, pakiramdam ko ay sobrang tagal na simula nung halikan niya ako ng ganito ka tamis.
Binitawan niya ang aking mga labi at pinagdikit ang aming noo. Nang idinilat ko ang aking mata ay nakatitig na siya sa akin.
" I'm sorry, Viann, i'm so sorry." sinabi niya 'yon na sobrang emosyonal. Puno ng emosyon at hindi ko alam kung bakit.
Alam ko ang pinupunto niya subalit nag maang-maangan ako.
" For what?" sabi ko na kunyari ay naguguluhan.
Pero totoong naguguluhan ako. Hindi ko alam kung para saan ang sorry na yun. Kung para ba sa panloloko niya sa akin o para sa pagsira niya sa relasyon namin.
Ngumiti siya sa akin, yung ngiting nakapagpahulog sa aking damdamin.
" Nothing, ihahatid na kita sa office mo." he said at iginaya ako papunta sa office ko.
Ilang saglit pa ay nagpaalam na siya sa akin. Sinabi niyang umalis lang siya sa meeting niya dahil tinawagan siya ni Jayden na nahimatay daw ako.
Habang sinusuot ko ang gown ko ay napaisip ako sa madalas kong pagkahilo at pag kahimatay. Ang totoo may parte sa akin na gusto na rin mag patest.
Nagdududa na rin ako sa kalagayan ko. Hindi naman ako dating ganito. Hindi nanghihina ang katawan ko sa tuwing puyat ako dahil sa trabaho pero ang pinagtataka ko ay kung bakit naging ganito.
Dumeretso ako sa nurse desk ng Department namin at tiningnan ang mga data ng mga pasyente.
Kasama ko si si Ron, isa sa mga Juniors ko. Siya ang nag-assist sa akin. Pagpasok namin sa kwarto ng pasyente ay tinignan na namin agad ang IV ng pasyente.
Nabigla ako ng hawakan ng pasyente ang aking kamay at nagnining ning ang mata na nginitian ako.
Isang bagay na minahal ko sa pagiging isang doctor, ay ang makita ang mga nagniningning na ngiti sa mga labi ng pasyente sa tuwing makikita nila ang mga doctor na nag linis ng mga sugat nila.
Because we, doctors, only clean wounds, but God heals them.