CHAPTER 12

48 2 0
                                        

VIANNIARA

Susunduin ako ni Jayden sa bahay. Pinayuhan rin niya kasi ako na bawas-bawasan na ang pagmaneho ng sarili kong sasakyan dahil sa madalas na pagkawala ng aking malay. Pansin na rin and biglang pag bawas ng aking timbang.

Sa totoo lang natatakot akong malaman ng lahat na may sakit ako. Natatakot ako sa reaksyon nila. Ayaw kong malaman kasi ayaw 'kong masaktan. Iniisip ko ang parents ko. What if malaman nila? Would they comfort me? Would they encourage me to fight? Or, just like always, they will just ignore me.

Pagbaba ko ng hagdan ay nadatnan ko si Manang at ang iba pang maids na nag-lilinis sa sala. Nagpaalam lang ako saglit bago tumulak palabas kung na saan si Jayden.

"Hey, how are you?" salubong niya sa akin habang pinagbubuksan niya ako ng pintuan ng kotse. I sometimes wonder kung bakit hindi na lang si Jayden. Mabait, gwapo, mayaman, dedicated sa trabaho, lahat na. Full package.

I sighed. "Ayos lang. Kinakabahan ako." I said. Totoo yun. Mula ng malaman ko na may sakit ako ay wala na akong ibang inisip kung hindi ang treatment ko. Hindi naman ako ignorante. Alam ko ang pakiramdam kapag sumsailalim ng chemo therapy. I saw that a lot of times. I can only imagine their pain based on their faces.

Pero sino ba ang niloloko ko? Nakakabaliw isipin na nakikita mo lang noon, ikaw na ang daranas ngayon.

However, in my case, Chemo therapy na lang makaka tulong sa akin. Hindi man ako nito mapapagaling, atleast, mapapahaba nito ang buhay ko.

And i can say i am a fighter.

"You know, i advice that you should stay at the hospital. Para narin matutukan ka." He said habang nakatuon ang pansin sa kalsada. Oh no...

"I won't do that." agap ko sa isang malungkot na boses. Unti-unting nanlabo ang mga mata ko dahil sa mga luhang nagbabadyang tumulo.

Narinig ko ang malalim na paghinga niya kaya dinugtungan ko ang sinabi ko.

"I still want to enjoy this world. I still want to live a normal life even for the last time." tinitigan ko siya habang sinasabi 'yon para maramdaman niya kung gaano ako kadeterminado sa desisyon.

Unti-unti ay tumango siya saka ngumiti at dahan-dahan na tinapik ang ulo ko.

"Tigas ng ulo. Tsk." natatawa niyang sinabi. Napasimagot naman ako sa pagtapik niya sa ulo ko.

Hindi na 'ko sumagot pagkatapos no'n. Ngunit humirit na naman siya, na talaga namang ikinagulat ko.

"Then live your life the way you want it to be. I'll support you." seryoso niya na sinabi habang tutok sa pagmamaneho.

Matinding katahimikan ang nangyari sa sasakyan. Nagulat na lang ako ng isang iglap lang ay nasa ospital na kami.

Napangiti ako. Halos wala pa kasing isang linggo mula noong nag-resign ako. Natawa ako ng mahina habang bumababa ng sasakyan. Hinintay ko pa si Jayden sa lobby habang pinaparada niya ang sasakyan. Nakilala naman ako ng ibang receptionist pati ng guard. Konting kamustahan ang naganap bago ko nakita si Jayden na naglalakad na papasok ng ospital.

Paint my LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon