CHAPTER 4

41 5 0
                                        

VIANNIARA

Nagising ako ng ala sais ng umaga. Nag ayos lang ako at bumaba na ako para sana tulungan si manang mag- asikaso ng agahan, pero napatingin ako sa art room ko. Pagkapasok ko pa lang ay nakita ko na ang mga paintings ko na hindi ko pa natatapos.

I decided na tapusin ang isa sa mga paintings na matagal ng hindi natatapos. Lagi ko kasing sinasabi sa sarili ko na dapat planado ang bawat paintings, dapat may magandang blending, dapat perfect.

Sabi ng mga nakakakita sa mga paintings ko ay magaganda raw. Maganda naman talaga lahat ng paintings ko halos kasi lahat ng paintings ko ay nakabase sa mood ko.

Pero everytime na may matatapos akong painting parang may kulang, i can't explain pero may kulang.

I'm painting a boquet of flowers under the shining night sky and i can say that it is beautiful. I really love stars. I believe na lahat ng taong namamatay ay nasa stars lang at pinapanood ang mga taong mahalaga para sa kanila. Fascinated kasi ako sa stars, when i was a kid my Uncle always tell me the story,meaning and the importance of the stars.

Kaya nung mamatay si Uncle ay lagi na akong nakatingin sa mga bituin sa langit dahil alam kong nandoon lang si Uncle.

Maraming nagsasabi na magaganda daw ang mga paintings ko.Well maraming nagsasabi sakin na kaysa naman itabi ko lahat ng paintings ko bakit hindi ko na lang ibenta.

Kahit anong pangungumbinsi nila hindi parin ako pumapayag. Why? Mas gusto ko kasing makatulong sa mahihirap kaysa payamanin ang sarili ko. Selfless isn't?

Hindi naman kasi ako maluhong tao. Kung ibebenta ko ang mga paintings ko saan ko naman gagamitin yung pera well, maybe i dodonate ko lang sa mga charities o kaya pang tulong sa mga patients sa hospital.

Kaya mas gusto kong i-entry sa mga exhibits na may layunin na makatulong sa mga batang may sakit ang mga paintings ko.

I smile nung makita kong maganda ang kinalabasan ng
na-paint ko. Pero parang may kulang....malaking pagkukulang na hindi ko kayang punan. Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing magpipinta ako parang kahit anong ganda nung painting hindi ko alam pero parang may mali.

Until now hinahanap ko pa rin yung pagkukulang na yun. I wonder, maybe because i paint not for myself but to please someone. I wish i could know what's wrong.

I was brought up with my thought nung mag kumatok sa pinto ng kwarto ko. It was Manang Elvie ang nag-iisang taong kakampi ko dito sa mansyon. She is like a mother to me. Mas naging nanay ko pa nga siya kaysa kay mommy.

"Viann,anak,tinatawag ka na ng mama at papa mo." sabi ni manang Elvie na may matamis na ngiti sa labi.

"Sige po manang, susunod na po ako." i said with a smile on my face.

I let out a deep sigh.Ano na naman kayang sasabihin nila mama? Tsh ano na namang panlalait ang matatanggap ko mula sa mga magulang ko?

My eyes welled up with tears. Lagi na lang ganito.Every day, papasabayin nila kong kumain sa kanila para lang may masabi o kaya may mapintas sa akin.

Mabilis kong pinunasan ang mga luhang nagbabadya ng tumulo.Nakakapagod pala yung ganito.Almost araw-araw na lang na palihim na tumutulo tong mga martir kong luha.

Mabilis akong nagtungo sa kusina upang sumabay sa kanila.

Nandito pala si Ate Chesie. My spoiled brat sister. Mas matanda siya sakin ng limang taon. Laging siya yung pinapaboran nila mama at papa. Lagi na lang siya yung mabait, yung matalino.

I even graduated my grade school and High school with honors.

Never silang umatend ng mga graduations ko. Kahit nung graduation ko for my Medicine course.

Paint my LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon