CHAPTER 18

21 3 0
                                        

VIANNIARA

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga nang sa wakas ay makahiga ako sa kama. This day is so stressful. So draining... physically and emotionally draining.

Ipinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang sarili. Sobra ang pagod ko ngunit hindi man lang ako makarammdam ng antok. Ngayon ko lang napansin na wala nga palang laman ang tiyan ko simula kanina pang umaga. Ngunit ni hindi ako makaramdam ng gutom. Ang totoo, pakiramdam ko ay mas sasama lang ang pakiramdam ko kung magkakalaman ang aking tiyan.

I opened my eyes and it stop on my... bruised wrist. Mas inilapit ko pa iyon sa aking mukha upang matitigan ng maayos.

Malungkot akong ngumiti. Dahil habang mas tumatagal ay mas dumadami sila. I touched my hair softly, but still, some of the strands fall.

Maluha-luha akong tumingin at tumitig sa kisame. Is it really... happening? Hindi ako makapaniwalang nararanasan ko ito ngayon. Hindi ko gustong maniwala. Parang kapanipaniwala pero hindi.

Sino ng aba kasing maniniwalang nangyayari ito ngayon? Far from that achiever and professional I was. Who would have thought that the second daughter of the Samonte Industrial and Architecture Company, will be this pathetic.

I remember my conversation with Manang Elvie earlier. It made me more exhausted. So I tell her to just let me rest fo tonight.

"Para saan ang mga 'to, Vianniara?" she asked.

I feel nervous. I don't know what to say. Ramdam ko ang panlulumo sa loob ko kaya pagod ko siyang nginitian.

"C-Can we just... talk tomorrow, Manang? I'm exhausted." mahina kong sabi habang nakababa ang tingin.

"Palagi mong iniiwas ang usapan, Vianniara. Sabihin mo... A-Ano 'to?" naguguluhan ding sabi niya.

Sinara ko muna ang pinto ng kwarto saka pagod na umupo sa kama at tumungo. Ilang sandali pa akong nanatiling ganoon bago nag-angat ng tingin sa kaniya.

"I just came from the hospital, Manang." panimula ko.

"O-Ospital?! Bakit?" she panickly asked. Mariin akong tumitig sa kaniya bago nag-iwas muli ng tingin.

I wonder if my mom would react like that if she heard about it.

"Nagpapagamot po ako..." tumulo ang luha ko nang sabihin ko iyon.

Lumapit siya sa akin at nanginginig ang kamay na hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Sabihin mo sakin... may sakit ka ba?" malumanay na tanong niya habang pinapangiliran ng luha.

Tumango ako at yumakap ng mahigpit sa kaniya. She is my mother. Not by blood but by bond. So maybe... she won't mind if I break down on her shoulders...just for a little while.

Humikbi ako ng humikbi sa kaniyang balikat. Naramdaman ko kung paano niya hinaplos ang likod ko na para bang sa pamamagitan no'n ay mababawasan ang bigat na nararamdaman ko.

I stayed like that. Crying. But there's a hold stopping me from saying everything to her. At least not now. Not yet.

Humiwalay ako sa pagkakayakap niya at nanatiling nakatungo. Hindi ko magawang salubungin ang mga mata niya dahil masyado akong nauunahan ng takot.

Pinatahan at pinakalma ko ang sarili ko bago nagsalita.

"Manang, pagod po ako. Iwan niyo po muna ako, please..." pakiusap ko.

Umiling siya ngunit walang nagawa. Hinawakan niya akong muli sa magkabilang balikat at pilit hinarap sa kaniya. Nanatili pa rin akong nakatungo.

"Viann, nag-aalala ako..." pumiyok pa ang boses niya kaya mariin akong napapikit.

Paint my LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon