Vianniara
"V-Viann," natitigilang ani Aerie. Nilingon ko silang muli bago sila matamis na nginitian at saka binalik sa obra ang aking paningin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang nakatitig doon dahil masyado'ng marami. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako dahil sa nilalaman ng painting na iyon o magiging masaya ba dahil muli akong ibinalik ng obra na iyon sa nakaraan, nakakaloko.
Ilang sandali ko pang tinitigan iyon bago napag-desisyonan na ilagay sa isang tabi habang nagpapag ng kamay. Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid nang may ngiti sa aking labi. This is my comfort zone. My haven when I need to be sheltered, and I will definitely miss spending my time here.
"Are you sure na ito lang ang ititira mo?" biglang basag ni Cassandra sa katahimikan kaya muli akong napatingin sa kanila.
"Mm," tango ko. "I will leave it here for mom and dad."
Tinignan ko ang orasan kaya taka akong napasulyap sa kanilang tatlo.
"Wala ba kayong trabaho?" nakataas ang kilay kong tanong.
"Wala, nag-day off kami," maangas na sabi ni Fanny kaya napataas pa lalo ang kilay ko.
"May day off ka pala?" nakangisi ko'ng biro.
"Di mo 'ko makikita dito kung wala," sarkastiko niyang sambit kaya natawa na lang ako.
"Do you, guys, want to eat? Okay naman na dito, tara." yaya ko sa kanila bago nanguna sa paglalakad.
Naabutan namin si Manang sa kusina na naghahanda ng miryenda. Malayo palang ay kita ko na ang nagtatakang titig sa akin ni Manang kaya hinanda ko na ang sarili ko."Mag-miryenda muna kayo," alok ni Manang.
"Of course, Manang E! Thank you po!" magiliw na sabi ni Ae kaya natawa kaming lahat.
Nagsimula kaming kumain ngunit hindi umalis si Manang sa aming tabi. Nanatili ang kaniyang mapanuring tingin sa akin kaya bahagya akong nailang. Tumikhim muna ako bago nagsalita.
"Manang, paki sabi na lang po kay Kuya Lando na sila na lang po ang bahala na maglabas nung mga paintings sa studio. Bukas na po kasi 'yon kukuhanin," pangunguna ko. Nakita ko naman siyang tumango ngunit hindi talaga maalis sa hitsura niya ang pagtataka.
"Sige," huminga siya ng malalim bago pinasadahan ng tingin ang lamesa kasunod ng kabuoan ko. "Hindi ka ba kakain, Vianniara?" puna niya kaya naman napagtingin din ako sa nakahain sa mesa. May ube cream cheese cupcake doon at juice, ngunit wala akong gana. Wala akong mahitang maski katiting na panglasa sa ngayon. Batid kong epekto ito ng mga gamot na iniinom ko kaya naman mahinhin akong umiling kay Manang.
"Busog pa po ako, Manang," nakangiti kong tanggi.
"Psh! Ang daming arte!" singit ni Fanny kaya napatingin ako sa kaniya at inirapan siya. Nakita ko naman si Aerie na mukhang sarap na sarap sa kinakain niya habang si Cassandra na nakatingin sa cellphone niya.
"Bakit nga pala biglaan ang pagbibigay mo ng painting doon sa gallery, anak?" tanong ni Manang matapos niyang bumuntong-hininga.
"I'm p-planning to leave po k-kasi..." pahina hina kong sabi na ikinagulat niya. Napansin ko naman ang pagtuon ng atensyon sa amin ng mga kaibigan ko.
"A-Ano?!... B-Bakit?!" gulantang na tanong ni Manang kay alanganin kong sinulyapan ang mga kaibigan ko na nag-aabang din sa susunod kong sasabihin.
"I'm leaving, Manang." Mas malakas ang loob kong sabi kaya naman mas lalo siyang natigilan na parang nag-iisip ng sasabihin.
"H-Hindi ko alam ang sasabihin k-ko, Vianniara," pabuntong hininga niyang saad.
"It's okay, Manang. You don't have to say anything. Don't worry, I'm fine." I smiled to give her assurance that I'm okay but honestly, it's the opposite. Or maybe not? I want them to be fine but I also know myself, I won't be okay even if I already accepted my fate, it's not okay.
