CHAPTER 6

40 5 0
                                        

VIANNIARA

Matapos ang rounds ko ay dumeretso na ko sa office ko para tingnan ang mga data ng pasyente na nakatakdang operahan sa mga susunod pang mga araw.

Alas nuebe na ng umaga ng makauwi ako. Ramdam ko ang sobrang pagod galing sa trabaho. Mabuti na lang at hindi ako naka duty sa ER kung hindi mas malala pa dito ang mararamdaman kong pagod.

Dahil sa sobrang pagod ko ay dire-diretso akong naglakad papaakyat ng hagdan. Nakita ko si Manang na nag aayos ng mga gamit, ngunit dahil sa pagod ay ningitian ko na lamang siya.

Napadaan ako sa pinto ng kwarto nila mommy. Nasaan kaya sila? Bakit parang wala sila ngayon dito sa bahay? Gustong gusto kong maramdaman na kakamustahin nila ako galing trabaho at ganon rin naman ako sa kanila. Pero imposible yata yon. Si ate lang kasi ang tinatrato nila ng ganon.

Isang modelo si ate, minsan ay pumupunta siya overseas para sa mga fashion shows niya. And everytime na uuwi siya ng bahay ay palagi siyang kinukumusta nila daddy.

Kung sana nandito lang siya.

Napahinga ako ng malalim. Bukod kay manang Elvie ay may isang tao dito sa mansyon na kinukumusta ako parati. Pero noon yon. Hindi na ngayon.

Dati-rati ay tuwing uuwi ako galing trabaho ay tatanungin niya ako kung kumusta ang araw ko, kung napagod ba ako. Pero wala na, siya ang pangalawang tao na hindi ko inaasahang iiwan din ako sa huli. Si Uncle noon akala ko ay hindi ako iiwan pero iniwan niya ako. At siya, yung kaisa-isang tao na akala ko ay dadamayan ako.

Namimiss ko na si Kuya.

Nasa States siya ngayon. Siya ang nag aasikaso ng business namin. Sabi niya ay kahit nasa ibang bansa na siya ay palagi niya akong tatawagan pero hindi nangyari yon. Makalipas ang dalawang buwang pananatili niya ron ay nawala na rin ang komunikasyon namin.

Nangingilid ang luhang pumasok ako sa aking silid. Nag ayos ako ng sarili tsaka humiga na agad sa kama.

Totoong napagod ako. Normal lang naman na mapagod pero kakaiba ang pagod na ito. Maka ilang ulit ko ng naramdaman ang ganito. Para bang hindi ko na kayang bumangon pa sa kama dahil sobrang sakit ng aking mga kasu-kasuan.

Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganitong uri ng pagod. Isa akong doktor at hindi lingid sa kaalaman kong hindi ito normal.

Imbes na mag isip ay minabuti ko na lang na matulog na. Nakakapagod ang araw na ito kaya kailangan ko ng magpahinga.

Nagising ako sa kalagitnaan ng mahimbing na pagtulog. Ramdam ko ang pawis na tumutulo sa aking ulo hanggang sa aking leeg. Sleep sweating. Sobrang tindi ng pawis ko. Para bang tumakbo ako ng ilang kilometro dahil sa tagaktak na pawis. Nakabukas naman ang aircon, and totoo ay nilalamig ako pero pinagpapawisan ako.

Weird.

Tinignan ko ang orasan sa bed side table at nakita kong ala una na ng hapon. Nagpalit ako ng damit dahil ayaw kong matuyuan ng pawis. Sinubukan kong matulog ulit ngunit nahirapan ako. Mahigit trenta minutos ng makatulog ulit ako.

Nagising ako dahil sa tawag ni manang. Sinubukan kong bumangon ngunit ang bigat bigat ng aking katawan. Pinagpapawisan parin ako. At mas nakakagulat pa ng kapain ko ang aking leeg ay naramdaman kong mainit init ang aking temperatura.

Paint my LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon