Chapter 38

2.4K 59 0
                                    


Chapter 38: Outing Part 2

*****

Raven's Pov

Nakabit ko na lahat ng bug cameras na baon ko sa mga kwarto nila, should i say thank you to my acting skills? Napangisi ako pag naalala ko. I pretend that I'm sleeping earlier ng mag aya silang mamasyal, automatic na kasi yun na pag nagpabook ka sa hotel na 'to, itu-tour kana kaagad nila kahit kadadating mo pa lang. May time limit kasi, even the owners are following the rules. Saan ka pa. Kahit saang hotel naman e.

Ayaw daw sumama kanina ng mga montefiore pero no choice sila dahil nandito ang lola nila kaya hindi pwede yung pag arte nila. Sa huli ay wala silang nagawa kung hindi ang Iwan ako. Tsaka kaya ko din naman mag sight seeing ng mag isa, besides this place is not new to me at all. Kabisado ko na ang lugar na 'to. We used to stay here during vacation dahil isa talaga 'to sa mga property namin na sobrang ganda.

We're now eating our lunch at maingay ang mesa. Nagsama-sama ba naman ang mga isip bata at matatanda. I'm just poking the steak using my fork when someone kick my feet slightly under the table. Napalingon ako sa taong gumawa nun. I saw archer na katabi ko at nginuso ang pinggan ko. I raised my eyebrow to him para itanong kung bakit?

"Eat don't play with your food" Natahimik ang lahat ng marinig nilang magsalita si archer. His voice is very cold and full of authority. I don't know pero kinilabutan ako at napasunod niya ko this time. What's with him? Gusto ko sana siyang sagutin at itanong kung sino ba siya para utusan ako pero, walang lumalabas na salita sa bibig ko.

Naalis na sa amin ang atensyon at nagpatuloy lang sila sa pagkain, when ate erin speak. She's on the fourth chair sa harap ko, I look at her dahil ako ang tinatanong niya.

"Raven? You're going to rome after this right?" May plano akong umalis ng bansa after ng mga kailangan kong ayusin at mission ko dito. Sabi kasi ni tito drake there's a big possibility na do'n ako ma base for awhile pero sabi niya baka for good na din.

"Yes" Maikling tugon ko at sumubo ulit ng steak at isinawsaw ito sa sauce niya. I'm not really sure kung ano ba 'tong sauce niya pero masarap din e. Ang chef namin dito sa resort ay isa sa mga sikat na chef sa Italy and Paris. He's known for his golden hands in cooking. Which is actually true.

"Are you going to stay there for good?" Tanong ni ate jenna. Nakita kong sa'kin na sila lahat nakatingin. Ano bang meron? Tsaka parang curious na curious naman sila? Even the four highness are silent.

"I still don't know, tito drake and I haven't talk about this as of now. But maybe or maybe not." I said at natahimik nanaman sila. Bakit parang mas gusto kong mag ingay na lang sila ngayon? Nabibinge kasi ako sa katahimikan nila. Is that really possible? Nabibinge ka kasi tahimik? Minsan napapaisip na din ako sa mga sinasabi ko e.

Natapos ang lunch at talagang pinanindigan nila ang katahimikan, even the elders. Bumalik kami sa mga kwarto namin. I'm just looking at my laptop at hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at binuksan ko ang mga cameras sa mga rooms.

Gusto ko sanang tignan ang kwarto ng mga magulang ko at mga tito't tita ko. But for sure malalaman nilang someone's spying them, at baka bigla na lang akong sugudin ng mga yun dito. Kaya wag na lang.

I saw madame montefiore's arranging her things from the closet. Hindi naman ako ganun nag aalala dahil this place is highly secured. Lalo na't nandito din kami. There's a lots of securities all over the place but they're also socializing with other people. Hindi halatang isa silang agents or some guards from our agencies.

I saw the girls are talking, in a short period of time I can see na close na kaagad sila, specially irene is being nice, hindi ko naman nakikitang may binabalak siyang masama, all I can see is pureness. Totoo na lahat ang pinapakita niya unlike before that she's really have an attitude problem. Sobrang layo niya dun ngayon. Even my cousins are comfortable with her. Kasi kung hindi baka kanina pa nila nasabunutan yan. Bella and veoli is looking at the mirror while they're wearing their own swimsuits, actually lahat sila.

Napadako naman ang tingin ko sa kwarto ng buong team ko. They're just playing and doing their usual stuffs, nakita kong naghahanda din silang lumabas. How? Imposibleng hindi, susko nasa beach kami where shrimps are everywhere, este--girls are everywhere. Sorry naman! Alam ko na sasabihin niyo ang harsh ko at judgemental. Ganyan naman kayo e.

I saw my cousins room at ang apat na loko ay tulog, yung totoo? Hindi ko alam kung bakit laging pagod ang mga 'to, samantalang nasa bahay lang ang mga yan, iba na talaga panahon ngayon. Kung sino nasa bahay sila pa yung laging pagod. Oy hindi ko nilalahat ha. Mga pinsan ko lang. Baka I bash niyo kaagad ako e.

Tinignan ko ang ginagawa ng dalawang abnormal na montefiore, sino pa ba? Edi si walking AIDS and walking cavities. Napansin ko ang pagbuka ng bibig nila at mukang seryoso ang pinaguusapan. I got curious that's why in-on ko ang mic ng mga bug cameras sa loob ng kwarto nila. Yes! May mic ang mga cameras ko kaya anytime ay pwede kong marinig ang pinaguusapan nila. I'm not being nosy, I'm just curious.

"Hindi nga?! Totoo ba talaga sinasabi mo kuya austine? Hindi ka nanggagag*?" Curious na tanong ni aisaac kay austine.

"Hindi nga! Tingin mo sasayangin ko oras ko sa panloloko?" Medyo iritable na tanong ni austine kay aisaac. Ano ba pinaguusapan ng dalawang ugok na 'to?

"Kung panloloko lang ang pag uusapan natin, aba'y oo naman. Pro ka kaya diyan, siguro kung meron lang award araw-araw nahakot mo na lahat" sagot ni austine at ngumisi. Well...totoo naman sinasabi ni aisaac.

"G*g*! Seryoso nga kasi ako! Hindi ko alam kung paano nangyari, all I know is I realized it that day" sagot ni austine habang nakangiti pa.

Io-off ko na sana ang mic para tignan yung dalawa pa ng marinig ko ang sinabi ni aisaac. Hindi ko alam pero nasamid ata ako sa sarili kong laway.

"Hindi lang kasi ako makapaniwala na after what happened, kayo pa din pala talaga ni irene ang magkakatuluyan. Should i say it's very cliché. Ang dating walking AIDS ika nga ni raven ay isa ng dakilang gentleman ngayon pero sa girlfriend lang niya" Sabi ni aisaac at sinabayan niya ito ng tawa.

"Oy! T*r*n*a*d* ka! Gentleman ako matagal na, hindi lang talaga halata." Sabi ni austine at nagkulitan na sila.

I turn off the mic at dinigest ko ang mga narinig ko. Hindi talaga sila nagbibiro.

Don't worry, I already have a boyfriend and I love him so much.

And in just a snap I remember what Irene told me this morning. So sila na nga talaga? Interesting. Pinilig ko na lang ang ulo ko at tinignan pa ang dalawang natitirang lalaki. Alexander is also sleeping kaya inexit ko na ang sa kanya.

Tumutok naman ako kay archer, hindi ko alam basta curious ako lagi sa kanya which is nakakainis.
Nakita ko siyang naglalakad sa loob, habang tumatagal I just notice na hindi lang simpleng lakad ang ginagawa niya, it's like he's thinking of something and he's facing back and forth, para siyang hindi matae na hindi mo maintindihan. And lastly umupo siya sa may dulo ng kama niya while his hands are on his face. Muka talaga siyang problemado, at hindi ko maiwasang hindi mag alala. He's mumbling something.

I was about to press the on for the mic ng biglang may sunod-sunod na katok akong narinig mula sa labas ng kwarto ko. I turn off my laptop at naglakad papalapit dito para buksan. Kung sino man 'to isa siyang malaking bwiset.

When i open the door. I saw the girls who's smiling from ear to ear. At here's the fact guys, ayoko ng ngiti nila. Yung ngiti nila parang hindi gagawa ng maganda. I am an agent, a strong and firm agent, pero bakit natatakot ako ngayon?

Magsasalita pa lang sana ako ng bigla nila akong itulak papasok ng kwarto ko... What the heck!

"Ano bang ginagawa niyo?!" Naiinis na tanong ko.

"OPLAN, raven's makeover!" Sabay na irit nila bella at ate erin. What the hell! Ano daw? Makeover?! Oh sh*t! Someone save me please!

Protecting The CEO's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon