Chapter 60

3.2K 66 12
                                    


Another update for you guys!

Third Person's Pov

Nagpatuloy ang kasiyahan ng buong grupo, nakahanda na ang lamesa pati ang mga pagkain. Magkatabi si Raven at sa kanan niya si Hugo, habang si Byron ay sa kaliwa niya.

Halos hindi na hiwalayan ni Byron si Raven simula ng malaman nito na gagawin niya ang lahat maprotektahan lang ang dalaga.

Wala ang magpipinsan na Elizalde ang sabi ay puro nagpapahinga daw ang mga 'to samantalang si Jenna at Erin ay pumunta sa hospital to check on something.

Kumuha si Raven ng pagkain sa plato, binigyan naman ni Hugo si Raven ng mangga at nagpa salamat lang 'to. Nagsimula na silang kumain ng marinig ni Raven ang nakakairitang boses ni Seira.

"Archer babe, pwede bang subuan mo ko" Napalingon ang lahat sa kanila.

Napangiwi sila Bella at Veoli sa inarte ng babaeng 'to, samantalang ang mga lalaki ay napailing na lang.

"Kaartehan" Sabi ni Alexander kaya napalingon sa kanya si Carly at James na tumatawa at nag apir pa.

Nakatanggap lang sila ng irap galing kay Seira, walang nagawa si Archer at para mag tigil na lang din ay sinubuan niya 'to. Halos nakayuko lang si Raven at hindi tumitingin sa gawi nila dahil kahit hindi man niya ipakita ay grabe ang sakit na nararamdaman niya.

"Posible kaya na sinusubuan mo ang babaeng kasama mo pero sa ibang babae ka nakatingin." Sabi ni Byron at ngumisi.

Napakunot ang noo ni Raven kaya umangat ang tingin niya at hindi sinasadyang nakita niyang nakatitig sa kanya si Archer.

"Posible nga" Sabi ni Byron at tumawa pa sa gilid niya.

Nagbaba na lang ulit siya ng tingin pagkatapos ng titigan na yun, siya na unang bumawi dahil mukang walang balak alisin ni Archer ang tingin niya sa dalaga.

Nagulat si Raven ng may humawi ng buhok niya and it's Hugo, tumayo ito sa likod niya para ayusin ang buhok nito na tumatabing sa muka niya. Ilang minuto lang din ay nakatali na ng maayos ang buhok niya.

She was about to continue eating ng maramdaman ni Raven na may malambot sa leeg niya, ramdam niya ito dahil medyo nakalihis pababa ang kimono na suot niya, exposing her neck up until her right shoulder. She stiff for a moment when she realize what is it.

Hugo is still at Raven's back he leaned to the girl's neck ang balak lang sana ni Hugo ay bumulong pero nakita niya ang mga tingin ni Archer sa kanila na akala mo papatay na, so instead he kissed Raven's neck.

"Ohmygeez!" Impit na tili ni Arabella at halos ang iba naman ay gulat sa ginawa.

"Thank me later Elizalde" Bulong ng binata at naramdaman pa ni Raven na ngumisi ito sa leeg niya.

Hindi niya alam pero natulala siya ng ilang minuto sa ginawa ng binata, nagising lang siya sa pagkatulala when someone pull her up from her sit at nakita niyang bumagsak sa buhanginan si Hugo.

Lalapitan pa sana niya si Hugo para tulungan ng marinig niya ang nakakatakot na boses ni Archer sa gilid niya, napatingin siya dito pati na sa pulsuhan niya na hawak ng binata.

"Don't try come near her again you bastard! She's mine!" Gigil na gigil na sabi ni Archer at mabilis niyang hinila paalis ang dalaga sa lugar na iyon.

Hawak lang ni Archer si Raven hanggang sa makarating sila sa tabing dagat na halos silang dalawa lang ang tao. Binitawan ni Archer si Raven at huminga ito ng malalim, halata mong pinapakalma niya ang sarili niya.

Protecting The CEO's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon