Chapter 22

3K 87 2
                                    


Chapter 22: Gavin Alvarez

*****

Gavin's Pov

Papunta na kami sa mansion nila raven ngayon at tinotoo nga niya ang sinabing magi stay lang siya sa quarters namin, they are all sleeping habang ako nagmamaneho. Ang kakapal ng mga muka di ba?

Nang makarating kami sa loob ng mansion ay kanya-kanya ang baba namin, walang alam sila jensen na dadating kami, they will be surprised pag nalaman nilang nakabalik na kami. Isa sila sa mga taong kinokontak kami no'n. How did i know?

Pagbukas ko kasi ng cellphone ko ay nakatanggap ako ng sandamakmak na messages sa kanila at missed calls, tinatanong kung nasaan na ba kami/ ano ng nangyari sa amin and such.

Pagbukas namin ng pinto ay nakita namin sila sa receiving area na tahimik. Si austine, alexander at archer ay nagce cellphone. Si james at aisaac ay tulala lang. Si jensen at maic ay nagla laptop. Anong nangyari kay james at aisaac? Parang tinakasan na ng bait.

"Ehem! Good morning young masters and bosses" bati ni keith kaya nakuha namin ang atensyon nila.

Napatayo silang lahat dahil sa gulat at lumapit sa amin.

"Okay lang ba kayo? Nasaan si raven?" Nag aalalang tanong ni kuya james sa amin kaya nagkatinginan kami. Hindi nila alam ang isasagot samantalang ako ay tahimik lang sa gilid.

Nang walang balak magsalita sa mga bwiset kong kagrupo ay ako na ang nagsalita, akala mo naman mga pinutulan ng dila, sasabihin lang na nasuspend si raven ay hindi pa magawa.

"She's not here but she's okay. Na suspend siya ni captain drake because of what happened" Maikli kong sabi. Ang ayoko talaga sa lahat ay yung nagpapaliwanag. Tsk! -.-

"What?! Nasaan siya ngayon!?" Tanong ni kuya maic.

"Ayaw niya po ipasabi sa amin kung nasaan siya sir maic sorry, pero nasa mabuting lagay naman siya nagpapahinga lang. Hindi pa ata sapat yung dalawang linggo niyang pahinga" bulong ni caezar kaya nabatukan siya ni jaime. Rinig na rinig naman namin e. Gago talaga!

"Are you sure she's okay?" Tanong naman ni sir archer--wait! Si sir archer tinanong kung okay lang ba si raven? Weh?

Tinignan ko siya ng gulat dahil sa tinanong niya, malamig ang mga tingin niya, alam kong sa likod ng mga tingin na yan ay tinatago niya ang totoong emosyon niya. Wag ako archer hindi lang ikaw kilala kong ganyan. Napangisi bigla ako dahil dun.

"Yes, she's okay and breathing" malamig kong sagot kaya napatango naman silang lahat.

"Kelan daw siya babalik?" Tanong ni sir aisaac. Teka nga! Bakit parang biglang naging concern ata ang mga ito ngayon?

"After her suspension, sa ngayon kasi bawal siyang lumapit o pakialaman kayo since part yun ng mission, for a week hindi siya pwedeng sumabak sa mga misyon. Yun ang utos ni captain drake" paliwanag naman ni anton kaya napatango na lang sila.

Hindi na nagtanong ng explanation ang mga kuya niya at ang mahalaga daw ay okay lang kami. Hays buti naman. Hindi ko din kasi alam ang sasabihin ko pag nagkataon.

Hindi pumasok ang apat ngayon kaya nandito lang kami sa loob ng mansion, sila kuya maic, jensen, james at johannes ay umakyat sa mga kwarto nila para matulog, wala pa pala silang maayos na tulog kaya ganun ang mga itsura.

Tahimik lang kaming nanonood ng movie dito sa receiving area kasama si sir aisaac, si sir alexander at austine kasi ay nasa taas at nakikipag video call kay madame elizabeth.

Protecting The CEO's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon