Chapter 27

3.1K 81 3
                                    


Chapter 27: What's Happening Heart

*****

Third Person's Pov

Kinaumagahan ay walang nagawa si raven kung hindi sumama kay archer na diretso lang ang tingin sa harap habang nagmamaneho. Ayaw man pumayag ni raven na ito ang mag drive ay wala siyang nagawa. Wala siya sa mood makipag sagutan sa lalaking kasama niya dahil hindi naman talaga niya forte ang makipag away ng ganun. Napikon lang talaga siya kagabi kaya nagawa niya yun.

Medyo may kalayuan pa ang tinatahak nilang daan papuntang Batangas, napagpasyahan din nila na wag na lang magkibuan dahil baka mapatay lang nila ang isa't isa. Hindi niya talaga alam kung bakit ba ito pikon na pikon sa kanya simula pa lang, samantalang ang mga pinsan nito ay kahit papano bumait na sa kanya. Alam niyang trabaho lang 'to pero hindi niya Lubos maisip kung bakit hinahaluan niya ito ng personal na bagay minsan.

Wala siyang balak sumama kanina at si gavin na lang sana ang pasasamahin ng biglang tumawag ang tito niya, saying na siya na lang ang sumama dahil kinakabahan daw ito parang may hindi magandang mangyayari, lalo na't nalaman nito na aalis ang isa sa mga binata.

Napangiwi siya ng maisip nanaman yun, kung paano pa siya pagalitan ng tiyuhin niya. Kabahan ka talaga tito, dahil baka ako pa ang pumatay dito pag hindi siya umayos ng ugali niya.

Napatingin siya kay archer na nakatingin lang sa harap, hindi niya alam pero parang may kakaiba dito ngayon, he looks so gloomy. Kahit paru-paro ay matatakot siyang lapitan. His aura is dark, she can see that this guy beside him his clenching his jaw.

Nagiwas na lang siya ng tingin ayaw niya ng away, may baril pa naman siyang dala ngayon. She extended her hand at bubuksan sana ang stereo when she also felt his hand. Nagulat siya at naramdaman niya ang milyon-milyong boltahe na gumapang sa katawan niya. Binawi niya ang kamay niya at tumingin na lang sa labas.

Narinig niyang tumunog ang stereo at napapikit na lang siya dahil sa kanta, hindi niya alam kung bakit may impact at nalalagyan niya ng meaning. Simpleng kanta lang ito na napapakinggan niya din sa isang kotse kasama ang buong team niya, pero hindi tumitibok ang puso niya ng ganito kabilis. Daig niya pa ang sumali sa marathon.

"Are you hungry? Do you want something to eat?" Napatingin siya dahil hindi galit ang boses nito. Ang totoo nga ay parang napakabait nito sa malumanay nitong boses habang nagtatanong.

Wala sa sariling napatango siya, huminto sila sa isang fast food chain at nag drive thru na lang, habang umoorder 'to ay napatingin siya sa lalaki.

We stop to get something to drink
My mind clouds and I can't think
Scared to death to say i love her
Then a moon peeks from the clouds
Hear my heart that beats so loud
Try to tell her simply.

Napahawak siya sa kaliwang parte ng dibdib niya at pinakiramdaman niya ito. Ang bilis ng pagtibok nito at napapikit siya ng mariin.

Nakita ni archer ang ginagawa niya, nakapikit ang dalaga kaya malaya siyang napagmamasdan ni archer. Hindi niya pwedeng itanggi na napakaganda ng babae sa harap niya.

Her perfect eyebrows, her eyes, her pointed nose, her fluffy cheeks and her reddish lips--aish! Archer ano bang ginagawa mo!

"Ano bang ginagawa mo? Nagbabayang magiliw ka ba? Wala dito yung bandila kaya itigil mo yan" Sabi ni archer kaya napadilat agad si raven at napasimangot.

Hindi niya alam sa sarili niya kung sisinghalan niya ba 'to, pero kalaunan ay napangiti na lang siya ng tipid. Iniwasan niya ang mga tingin nito at dumungaw na lang ulit sa labas.

Protecting The CEO's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon