Chapter 26

3K 84 1
                                    


Chapter 26: Non-Stop Bickering

*****

Raven's Pov

Gulat pa din ako hanggang ngayon kung paano niya nalaman kung saan ako nakatira. I didn't tell him nor notify him about my personal life sinced that day happened. I already cut our connections with each other.

Flashback...

What is he doing here? Damn it!

"Anong ginagawa mo dito...von?" Tanong ko sa kanya pagka kita ko pa lang sa kanya dito sa labas ng gate namin.

"I want to talk to you raven" Walang pagdadalawang isip na sabi niya.

Nagdadalawang isip pa ako kung papayag ba ako o hindi, but in the end ay pumayag na lang ako. I know von, hindi naman siguro niya ako sasaktan dahil sa mga nangyari. I still trust him even he don't trust me anymore.

Nag hintay lang siya sa kotse niya habang nagbibihis ako, hindi na ako nag ayos at simpleng skinny jeans, sweatshirt at rubber lang ang sinuot ko, cellphone at wallet lang din ang dinala ko. Hindi na ako nagdala ng bag at masyadong hustle, mag uusap lang naman kami.

Dumiretso kami sa isang coffee shop sa may Dalton Ave. Tahimik lang kami habang hindi pa dumadating ang order namin. Nasa pinaka sulok kami ng coffee shop sa second floor. The aura is light pero hindi ako komportable. Hindi na ako sanay.

"So...uhm...how are you raven?" Panimula niya. Napatingin ako sa kanya and he's also looking at me. Matagal ko siyang tinignan pero ako din ang bumawi agad.

"So far, I'm doing good. How about you von? K-kamusta ka naman?" Hindi ko mapigilang hindi mag stutter habang tinatanong ko siya. Napakalaki mong tanga raven. Tingin mo okay lang siya?

"I'm good, busy sa iniwang business nila dad sa'kin. Nag migrate na kasi sila sa new york at ako na ang pinag handle nila ng empire." Sabi ni von kaya tumango lang ako.

Matagal kaming nanahimik hanggang sa basagin niya ang katahimikan na nagpaimik din sa'kin.

"You're still on your duty? Matagal na kitang sinabihan na umalis ka na sa trabaho mong yan di ba?" Napatingin ako sa kanya. This time ay iba ang sinasabi ng mga mata niya. Halo-halo ang emosyon na nandito. Hindi ko maintindihan.

"Yes. But I love my job von, hindi mo ko masisisi. Sinabi ko na din sayo di ba? Na hindi ako titigil hangga't hindi ko nahahanap ang taong yun" Sabi ko at nakita kong yumukom ang mga kamay niya dahil do'n.

"Masyadong delikado ang trabaho mo raven alam mo yun! Why are you still insisting it? Sinabi ko na din na ako ng bahala do'n tumigil ka lang sa ginagawa mo ngayon! You know it's not safe!" Tumaas na din ang boses niya. Buti na lang at nasa sulok kami at konti lang din ang tao dito sa second floor.

Ano bang problema niya? Napag usapan na namin to dati pa, kaya nga lumayo na din ako sa kanya at sa lahat. Alam kong malalaman niya ang plano ko pero wala akong balak magpa pigil sa kanya. Masyado ng malayo at malawak ang nalalaman ko. No one can stop me now.

"You know me devon, no one can stop me specially if my decision is already final" Sabi ko at tumayo na. Akala mo magiging maayos ang usapan namin pero hindi pala.

"Wait, where are you going?" Nagtatakang tanong niya. I stare at him with my blank face.

"I'm going home, have a safe drive" Sabi ko at lumabas na ng coffee shop. Narinig ko pa siyang tinawag niya ang pangalan ko pero hindi na ko lumingon pa.

Protecting The CEO's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon