Chapter 19

3.1K 83 1
                                    


Chapter 19: Worried Sick

*****

Halos buong gabing gising ang kuya ni raven dahil sa pag aalala, hanggang ngayon ay wala pa din ang pinsan nila. Nanonood ng t.v ngayon si james at kumakain naman yung iba. Sila austine, aisaac, alexander at archer ay nag uumagahan din.

Napatingin sila sa apat na halatang pagod at wala pa'ng mga tulog. Tumayo si aisaac na dala-dala ang mangko niya'ng may cereal at tumabi kay james habang nanonood ng t.v

"Kuya james, bakit mukang mga pagod at wala kayong tulog? May ginawa ba kayo?" Tanong nito kay james na malalim ang iniisip.

Nakuha naman kaagad ni aisaac ang atensyon ni james kaya napatingin ito sa kanya, nakatanggap ng tipid na ngiti si aisaac galing kay james bago ito magsalita.

"Raven is not home yet since yesterday" nagaalalang sabi nito.

Natigil ang pagsubo ni aisaac sa kinakain niya at tinignan si james kung nagbibiro ba 'to. Pero wala ka makikitang ngiti o bakas ng pagbibiro sa muka ng binata.

Narinig yun ng tatlo at napatingin ito kila maic na kasabay nilang kumakain sa hapag kainan.

"What happened?" Nagtatakang tanong ni austine sa mga ito.

Nagkatinginan pa ang mag pipinsan kung sasabihin ba nila ito sa tatlo pero wala naman silang choice dahil alam naman nila kung ano sila.

"Yesterday, raven received an emergency call from the agency, our tito said they completed the mission but the things is hindi namin alam kung nasaan siya pati ang buong grupo niya" paliwanag ni johannes.

"We already asked our uncle if she's in the headquarters but he said no. Hindi pa daw ulit nagre-report sa kanya isa man sa walo." Sagot din ni jensen.

"And the worst part is we can't track or contact them, also the best teams in my own department cant tell where they're. Hindi namin alam kung nasira ba ang mga gamit nila o sila mismo ang nagpatay ng mga ito." Dugtong pa ni maic.

Hindi naman maiwasang mapaisip ng tatlo kung nasaan nga ang mga bodyguards nila. Bakit bigla 'tong nawala o naglaho? Bakit hindi man lang sila matawagan o mahanap?

Pumasok sa loob ng dining si james para gumawa ng kape dahil aminin man niya o hindi ay inaantok na siya at medyo pagod na. Inikot kasi nila ang buong siyudad kagabi ng malaman ang balita galing sa tito nila.

"Kuyaaaaaaaas!" Narinig nila ang sigaw ni aisaac mula sa sala kaya tumakbo sila papunta sa receiving area.

"Bakit?" Tanong ng mga 'to sa kanya. Hindi siya nagsalita pero tinuro niya ang t.v sa harap nila.

Breaking News! Isang underground  transaksyon ang napabalitang naganap sa isang abandonadong building sa may acropolis square. May mga nakalap pa'ng mga armas na sinasabi ng mga pulis na hindi ito legal, may mga natagpuan din na milyong milyong pera na naitabi sa loob ng isang silver vault sa loob ng building. Isinagawa din kaagad ang DNA para sa mga taong nasawi sa nasabing arson. Nakilala din dito ang tatlong negosyante na napapabalitang mga drug lords.

Pasintabi sa mga kumakain sa kanilang mga tahanan dahil maselan ang parte ng balitang ito. Natagpuang patay ang tatlong kilalang negosyante sa isang kwarto ngunit pira-piraso ang mga katawan ng mga ito. Pero isang malaking katanungan ang nabubuo sa isipan nating lahat. Sino ang may pakana sa nangyaring arson at murder sa tatlong nasabing drug lords? KC Chan nag uulat!

Protecting The CEO's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon