Chapter 31

2.6K 73 3
                                    


Author's note: Guys I'm really sorry kung hindi tuloy-tuloy ang update. May mga bagay din kasi akong inaasikaso. Here's another update sana magustuhan niyo. ^.^

Chapter 31: Hurting

*****

Raven's Pov

Umuwi kami sa rest house ng makalabas ng ospital si seira, hanggang ngayon ay hindi pa din mag sink in sa'kin ang lahat ng nalaman ko about kay byron, I want to ask him pero hindi ko alam kung bakit parang may nakaharang na invisible barricade sa pagitan namin at nahihirapan akong magtanong. Hindi ko alam kung ano ba ang koneksyon ni byron kay von bukod sa pagiging magkapatid nila.

Hindi ko siya nakilala noon, I used to be there in their house always, pero ni anino niya ay hindi ko nakita. Hindi din naman siya nababanggit sa'kin nila von noon. And why did he change his name? Argh! Ang gulo!

--

Kinaumagahan ay nakita ko si von sa may dining area, von greeted me and i just smile at him. Napatingin ako sa paligid para hanapin ang dalawa pa naming kasama, only to find out na nasa labas sila nag uumagahan at masayang nag uusap. My heart squeeze and pin again a thousand times. Iwinaksi ko na lang ang mata ko bago pa nila makitang tinitignan ko sila.

Umupo ako sa katapat na upuan ni von, kaagad naman niya akong inasikaso kaya napangiti ako. He's also like this when we're still together back then, but everything changed.

"Thank you von" Sabi ko at ngumiti. He smiled back and continue eating. Minsan naman ay nag uusap kami about random things.

"Ven? When will you stop?" Tanong niya na nakapagpatigil sa'kin. I look at him in the eyes, nakipagtitigan siya pero siya din ang unang sumuko.

"You know the answer for that von, I'm not going to stop until i already have him/her" I can't stop. Not now. Masyadong marami na akong napagdaanan, konti na lang. Alam kong konti na lang ay matatapos na 'to.

"I know raven, can you just please consider this as a miracle? Just go down on your position and live your life with me. I miss you and i still... love you ven, I still love you and nothing's changed when it comes to my feelings for you" Sabi niya kaya napatingin kaagad ako sa kanya ng mabilis.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko, kung dati ay tumatakbo ng napakabilis ang puso ko when he's saying those words, ngayon? Wala akong nararamdaman, my heart is in its usual beats. It's normal. Pasimpleng kinapa ko ito at totoo nga, it's like a normal words for me and nothing more. Is it because... there's already someone who can make this heart of mine beats faster than its usual? Am i really falling for that guy?

"I'm sorry von, but no and... gosh! I'm really sorry." Nakatingin siya sa'kin at malungkot na ngumiti. Hindi slow si von at hindi din siya tanga para hindi makuha ang ibig kong sabihin sa mga salita kong yun.

Kung sana dati...pero ngayon? Marami ng nag iba. Mga bagay na hindi ko na din maintindihan ang nangyayari. Dahil maski ako ay naguguluhan na. But one things is for sure, I don't like nor love von more than as a friend anymore.

My head is automatically tilted where archer and seira's place. And swear to god! It's like my heart dropped on the floor and it's breaks into a thousand pieces. Damn! This is bad. I'm suffocating, It's like my own respiratory is malfunctioning and anytime can shut down.

They're kissing, not just kissing! It's a passionate one, kitang kita ko kung paano niya ito halikan na parang isang babasagin na bagay si seira, na kapag nagkamali siya ay maaari itong mawala sa kanya.

Alam ba nila na may tao ditong nasasaktan? Now i said it, yes I'm hurting because i love him. Damn! Why of all people bakit si archer pa? Pwedeng si von na lang ulit pero wala e. O kaya si alexander, si austine kahit playboy, o kaya si aisaac. Damn! Bakit siya pa?!

"Damn raven!" Napatingin ako kay von na papalapit na sa pwesto ko at yumuko siya para punasan ang mga luhang hindi ko namalayan na tumutulo na pala. Ganito ba ako ka occupied ngayon?

"I think i know already, you don't deserve him Ven, he's hurting you without his knowledge i know, but still if he's respecting the other people living here, he's not going to do that knowing that we're both here." Sabi niya habang pinapalis ang luha sa mga mata ko.

Bakit hindi na lang si von ulit? I don't know pero imbis na tumigil ang luha ko ay nagtuloy tuloy pa ito sa pagbuhos galing sa mata ko. Ang saya no? What a cliché, lagi na lang bang kailangan may masaktan? Why can it be fair? If you love a person he will love you back but most of the time if you love someone they're inlove with someone else. Wala na bang mas sasakit pa dito?

"Damn! Stop crying or else..." Pagbabanta niya pero hindi ko siya pinakinggan, akala ko iintindihin niya but f*ck you Devon!

"Put me down!!! Christian Devon Alonzo! Put.Me.Down!" Madiin kong sabi sa kanya pero tinawanan niya lang ako. Tangna! Feeling ko gusto ko isuka lahat ng kinain ko kahapon hanggang ngayon. Nahihilo na ako!

"Fine! Just put me down!" Sabi ko at sinunod naman kaagad niya ako, nakatanggap kaagad siya ng suntok mula sa'kin. Pero mahina lang naman.

Sino ba kasing matutuwa pag binuhat ka niya sa balikat niya ng pabaligtad?matutuwa ka ba? Kung oo wala akong pakialam!

"What's happening here?" Napalingon kami sa dalawang taong nagtanong. Sabay pa talaga sila. Tsk!

"Oh, couz! Wala naman, ito kasing si ven e." Sabi niya at inakbayan ako. He whispered to me na "makisakay ka na lang" kaya hindi na lang ako kumibo.

"Woah, what's with you von? It's like you're happy?" Tanong ni seira sa amin. Gusto ko siyang suntukin ng ubod ng lakas. Napipikon ako sa kaplastikan niya. -.-

"Bakit naman hindi? I'm enjoying my girl's company. Right mommy?" Napatigil ako sa endearment na binitawan niya. I can't help but to stare at him. He still remember it.

"Y-yeah! Ofcourse, daddy" Sabi ko at ngumiti sa kanya. I saw a spark in his eyes at tila natuwa siya ng marinig ang salitang yun sa'kin.

"OMG! really? We have something to say too, right babe?" Sabi ni seira kaya napatingin kami sa kanya.

I saw archer's facial expression, it's just blank but his aura is black, his teeth even i can't see it i know he's gritting it. Also his jawline is moving. Now what?

"Yeah" Sabi ni archer at parang nagulat naman si seira. Nag gagaguhan ba kami dito? Bakit may pag gulat effect pa siya?

"What is it seira? archer?" Tanong ni von. Unti-unting humihigpit ang hawak sa'kin ni von. Naramdaman ba niya na nanghihina ang tuhod ko?

I look at von at seryoso lang din siyang nakatingin sa dalawa, at nang magsalita si archer.





Dito ko na masasabing this is my downfall to a man's name Archer Montefiore... And I'm hurting. Pinilit kong ngumiti at batiin sila bago ako hilahin paalis ni von sa harap nilang dalawa.
















"Seira is my girlfriend now" Sabi niya at blangkong tumingin sa'kin.

Protecting The CEO's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon