Chapter 25

3.1K 73 0
                                    


Chapter 25: Touchy

Kim jin-hwan/Jay (Ikon) as Austine Montefiore
*****

Raven's Pov

Nakayakap pa din siya sa akin at hindi ko alam kung tatanggalin ko ba 'to o hahayaan ko na lang. Pero kasi >.< Ano ba kasing naisipan nito at biglang nanyayakap!

"U-uhm, sir archer--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng mas humigpit pa lalo ang yakap niya sa'kin. >.<

"Let's just stay like this for 5 minutes please." Sabi niya. Narinig ko ang lambing sa boses niya kaya wala na din akong nagawa kung hindi ang hayaan siya.

I can feel his hot breathe at my nape, he's also sniffing my scent. To be honest I'm really uncomfortable right now. Hindi ako sanay na ganito siya. Mas gusto ko yung lagi kaming nagtatalo kesa ganito siya!

He let go of me after five minutes kaya napaharap na ako sa kanya, na sana hindi ko ginawa. Ano ba naman ang mga lalaking to! Aware naman sila na may babae sa bahay na to bakit ang hilig nilang ipangalandakan ang mga pandesal nila!

"Can you put your shirt on, c-cant you see there's a girl in this house" Sabi ko at pilit iniiwasan ang mga titig niya.

Ilang minuto siyang hindi gumalaw pero sa huli ay naglakad ito papunta sa walk in closet niya para kumuha ng damit. Salamat naman!

"What are you doing here anyways?" Yan nanaman ang tono niyang sobrang lamig. Halos kanina akala mo batang naagawan ng lollipop. Tsk

"Bakit bawal ba akong umuwi? Edi sige, aalis na ako ulit" Sabi ko at akmang lalabas na ng nahawakan niya ako sa braso. I can feel the electricity run down in my spine. What's this? Mabilis kong iwinaksi ang braso ko sa kanya.

"Stupid! I'm asking why are you here in my room" tignan mo na stupid pa ako siya nga hindi nililinaw ang sinasabi.

"Linawin mo kasi, nakakaloko ka naman kasi e." Sabi ko at sinamaan siya ng tingin at inirapan. Bwiset na lalaking 'to!

"Tsk!" I hear him say.

"I cooked a breakfast for all of you, I decided to deliver it to your rooms, peace offering na din dahil sa pag absent at pagaalala niyo." Sabi ko pero nakatingin lang siya sa'kin ng diretso. Ano ba naman 'tong lalaking to.

Tumango lang siya kaya napagpasyahan kong lumabas na at dumiresto sa kwarto ko. Bakit kahit natulog ako ng dalawang linggo hindi ko ma feel? Pagod na pagod pa din ako hanggang ngayon.

Kinuha ko ang tuwalya ko sa may rack at dumiretso sa cr, ililigo ko na lang 'to, I went straight to my bathroom at nagbabad lang ako sa bathtub. Akala ko mare-relax ako but no! A lots of thoughts is running down to my head.

Same initials lang ang nagpadala ng death threat sa'kin at kay aisaac, hindi ko alam kung ganun din sa iba. Pero ang pinagtataka ko. Anong nagawa ko sa kanya at pati ako my death threat? I mean hindi na 'to bago para sa'kin, pero iba ang pakiramdam ko sa mga sulat na pinakita sa'kin ni Isaac. And the thing here is who the hell is B.L.A?

Wala din ako'ng matandaan na ganun ang initials ng pangalan na kakilala o kaaway ko. Nakarinig ako ng katok mula sa pinto ng kwarto ko.

"Ma'am raven, baba daw po kayo pagkatapos niyo diyan" Sabi ni yaya feliz. Hindi na ako sumagot. Umahon na lang ako at dumiretso sa may shower para mag banlaw.

Natapos naman ako kaagad kaya dumiresto na ako sa walk in closet ko at nagbihis. I just wear a maong sexy short and a v-neck black shirt. Blinower ko lang ang buhok ko at bumaba na pagkatapos.

Protecting The CEO's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon