Chapter 12

3.7K 94 11
                                    


Chapter 12: Hot&Cold

*****

Ilang linggo na din simula ng hindi magpansinan sila raven at archer, pikon na pikon kasi talaga siya sa ugali ng binata. She admitted that she's rude in her own way, but she still have her manners. Pero ang boss niya ay sukdulan ang pagka pilosopo at pagkasama ng ugali, minsan iniisip niya kung may mental disorder ba 'to dahil daig pa ang isang mental patient sa pagpapalit ng mood.

Hindi naman nakakatakas sa iba ang pagiging mailap ng dalawa sa isa't isa, minsan nga ay naiisip nila kung ano ba ang nangyayari sa dalawa at iba ang trato at pakikipag usap. Dinaig pa nila ang mag bf/gf sa inaakto nila ngayon.

"Ano bang problema ng dalawang yan?" Tanong ni alexander habang pumipirma ng mga papeles for their sales nila ngayong taon.

Kahit papano ay nabawasan ang kunsomisyon ni raven sa apat dahil hindi na madalas tumakas ang mga ito, ilang beses na kasi silang napapahamak pag ginagawa nila, idagdag mo pa na sa mansion na sila ng mga elizalde nakatira, minsan pumapasok din sa isip nila na baka itong mga 'to na ang kumalabit ng gantsilyo pag napikon ang mga ito sa ginagawa nila.

"I don't know? No'ng isang linggo pa sila ganyan e. One question is equivalent to one word silang dalawa." Sagot naman ni austine.

"Oo nga, nagco contest ata sa pabahuan ng hininga at patipiran ng laway" sabi ni aisaac na nagbabasa ng libro sa gilid.

Napailing silang tatlo, simula ng hindi magpansinan sila raven at archer ay hindi din nila makausap ng maayos ang mga ito, kung ano ang tinanong mo, yun lang din ang sasagutin nila, Pag nagtanong ka ng oo o hindi lang ang sagot ay tatango lang sila.

"I'm just going to pretend that I'm not here and I'm able to hear your noises." Malamig na sabi ni archer habang nakatanaw sa labas ng overview nilang bintana.

Napairap sila ng sabay-sabay, kahit kelan ay mahirap kausapin ang pinsan nila lalo na pag hindi naman tungkol sa opisina, pero minsan pag walang topak ay nakikisama naman ito.

Maya-maya lang ay may narinig silang kumatok sa pinto ng opisina nila, they saw raven standing at the entrance without any emotion plastered on her face. It's just plain.

"You have a visitors young masters" sabi niya at binigyan ng daan ang dalawang babaeng kanina pa gustong pumasok.

Yung isa ay gusto ng pumasok dahil gusto ng makita ang apat, habang ang isa naman ay nakabusangot at gusto ng pumasok dahil hindi niya matagalan ang babaeng kasama niya.

"Miss me guys?" Tanong ng babaeng halos kinulang na sa tela ang suot at may nakapaskil sa bibig niya na isang mapang akit na ngiti.

"I-irene?" Gulat na tanong nila.

"Ako nga" ngiting sabi niya. Sinarado naman kaagad ni raven ang pinto at dumiretso ulit sa couch para bumalik sa trabaho niya.

She's also working on her business while doing her job as a personal bodyguard. Hindi niya pinapabayaan ang trabaho niya, she's like a girl version of archer. Masyado din workaholic.

Nainis nanaman tuloy siya kung paano siya utos utusan ng babaeng yun kanina para sabihin sa apat na lalaki ang pagdating niya. Nakita naman niya na sa muka ni bella ay hindi ito payag sa inaasal nito at ayaw niyang nandito ang dalagang nag ngangalang irene.

You read it right guys, the other girl is arabella, sinamahan niya lang ang babae dito dahil wala naman siyang choice. Hindi niya alam pero ayaw niya sa babae, hindi lang sa pananamit at pananalita, basta ayaw niya lang talaga dito.

Protecting The CEO's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon