Chapter 55

2.9K 64 9
                                    


Third Person's Pov

Dahil sa narinig ay nagngitngit sa sobrang galit si Raven, nanginginig ang kamay niya sa sobrang galit. Nakita nanaman niya ang kaawa-awang muka ng kaibigan, ang maputla nitong muka na naka ngiti sa kanya bago ito bawian ng buhay.

Kung nadudurog lang ang brass knuckles ng ganun kadali, siguro pira-piraso na 'to, namamanhid ang buong katawan ni Raven, nakayuko lang siya at mabilis din ang paghinga niya.

"Kawawang kaibigan at halos hindi man lang nasilayan ang kasintahan sa huling pagkakataon. Hindi ba't tama lang na mamamatay ka na din ngayon dahil sayo namatay siya."Sabi nito at tumakbo papunta kay Raven na nakayuko lang.

Sa kabilang banda naman ay may sumugod na tatlong lalaki kung saan nagtatago sila Maic, napamura siya at kwarto pa naman niya 'to.

Pinagtago niya sa CR sila madame Montefiore, Alveoli, Arabella at Seira. Samantalang ang mga lalaki naman ay lumaban din. Babarilin sana ng isang kalaban si Austin ng maunahan ito ni Maic it binaril sa may dibdib ng dalawang beses.

Halos nasa state of shocked pa din si Austin dahil sa nangyari, Maic decided to bring the Montefiore's downstairs dahil hindi na safe dito. Nasa baba ang mga magulang nila.

Pagkababa nila ay nakasarado ang pinto dahil utos ito ng mga matatandang Elizalde at ang mga empleyado naman ay nakadapa lang sa sahig para hindi tamaan ng mga ligaw na bala.

"What the heck is she doing?" Bulong ni Aisaac sa sarili, pero narinig naman ng iba.

Aaminin niyang galit pa din siya kay Raven dahil konekatado pala siya sa taong dahilan kung bakit naging miserable ang pinsan, pero hindi pa din niya napigilan na magalala dito.

Nakita nilang dumudugo ang kamay nito dahil na din sa higpit ng pakakayukom nito sa brass knuckles. Nagulat si Maic ng hindi man lang gumagalaw ang pinsan.

Halos murahin na paulit ulit ng buong Alpha team, Hugo, Elizalde at maski ang mga Montefiore ang lalaki ng naging dahilan ng pagtalsik ni Raven sa isa sa mga sasakyan.

Halos basag ang harap ng salamin ng sasakyan dahil sa nangyari, napatulala si Archer sa nakita, kahit ipakita niyang galit siya sa dalaga ay halos mamatay siya sa sobrang galit ngayon dahil sa nangyari. Nagwala naman si Alexander at gustong lumabas ng awatin siya ni Maic.

"Hindi ka lalabas! Mas lalong malalagay sa kapahamakan ang lahat pag nakita nilang isang Montefiore ang lumabas sa pintong 'to!" Malamig na sabi ni Maic kay Alexander.

"Hayaan mo 'kong lumabas Maic, hindi deserve ni Raven 'to! Bitawan mo ko!" Sigaw naman ni Alexander pero hindi pa din nagpatinag si Maic.

"Bakit ba hindi na lang natin hayaan mamatay yan si Raven, trabaho naman niya yan, tsaka deserve niya yan dahil pinatay niya si Kate" Sagot ni Seira.

Narinig naman ito ni Jensen na galing sa likod ng hotel para I double check ang lock. Halos magpanting ang tenga niya sa narinig.

"What the f*ck did you said?!" Sobrang lamig ng boses nito na halos lahat ng tao sa paligid ay kabahan.

"Bakit?! Totoo naman she needs to die!" Sigaw ni Seira.

Dahil dito ay hindi nag dalawang isip si Jensen na hugutin ang kutsilyo sa tagiliran niya at sugatan ang pisngi ni Seira. Halos gulat ang lahat at walang gustong umawat, hindi pa siya nakuntento at sinakal si Seira hanggang sa hindi na 'to makahinga. Binitawan niya lang 'to ng lumapit si Jenna sa kanya at inawat ito.

Halos habol hininga naman si Seira sa nangyari, nilapitan ni Devon ang pinsan at pinanlisikan niya ng mata si Jensen pero nginisihan lang siya ng binatang Elizalde.

Protecting The CEO's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon