Chapter 40

2.7K 51 0
                                    


Chapter 40: Love or Infatuation?

(A/N: Play the music in the multimedia... Lego House by Ed Sheeran)
*****

Third Person's Pov

Halos pabalik-balik siya ng lakad at hindi mapakali, tila ba pag huminto siya sa paglalakad at titigil din ang utak niya sa pagiisip. Kanina pa siya hindi mapakali ng malaman niyang nag out of town ang mga montefiore kasama ang mga elizalde. Naiinis siya na hindi niya maintindihan, puno ng galit ang puso niya at gusto niyang patayin ang babaeng nag ngangalang raven elizalde.

"Bwiset ka talaga sa buhay ko raven! Lagi ka na lang isang malaking epal!" Inis na sigaw niya at ginulo pa niya ang buhok niya.

Pag tinignan mo siya ay para siyang isang babaeng nababaliw. Iiyak, tatawa at bigla na lang magagalit. Ganyan siya. Simula ng malaman niyang umalis nga ang elizalde at montefiore.

"Ano ba naman yan itsura mo? Ayusin mo nga ang sarili mo. Do you really think na gugustuhin ka pa din niya pag nakita ka niyang ganyan?" Iritang sabi sa kanya ng lalaki at sumimsim ito sa kopita niyang may laman na brandy.

Natauhan naman siya sa sinabi ng lalaki at pinahid niya ang umalpas na luha sa mga mata niya at tumayo sa pagkakasalampak sa sahig. Lumapit siya sa inuupuan nito. Tindig pa lang ng dalaga ay halata ang karangyaan sa buhay nito. Maganda at makinis na kutis, kumpletong orihinal na alahas sa katawan, mamahaling damit at sapatos. At ang kanyang muka ay aakalain mong anghel sa ganda. Ngunit may itinatagong kasamaan.

"Ano ng gagawin natin? Anong silbi ng mga tauhan mo at hindi nila mahanap kung nasaan sila pumunta?" Nagtitimping tanong niya sa lalaking prente lang na nakaupo sa sofa habang nasisiyahan sa iniinom niyang alak.

"Would you please calm down!? Naiirita ako sa boses mo. Maghintay ka lang at mahahanap din natin sila" Sabi niya at pinagpatuloy lang ang paginom. This guy has really a manly aura. Kahit sinong babae ay itatapon ang sarili sa kanya pag siya'y nasilayan. His perfect features and masculine built. Hindi din maitatanggi ang kagwapuhang taglay nito.

Maya-maya lang ay biglang nag ring ang telepono ng binata, he answered it immediately at pagkatapos niyang makipagusap ay walang mapaglagyan ang tuwa niya. He hung up the call at tumingin sa dalagang kanina pa naguguluhan sa reaksyon niya.

"I told you, mahahanap sila" Sabi niya at tumayo. He walk pass by on the girl's side, pero bago pa siya tuluyang makaalis ay nagsalita siya na lubos din na ikinasaya ng dalaga.

"Fix yourself, aalis tayo. Let's have a vacation sa aklan" Sabi niya at nakangising nilisan ang receiving area ng mansion nila.

*****

Naghiwalay ang labi nila raven at archer pero nanatiling nakadikit ang noo nila sa isa't isa. Archer is still holding unto her waist. Parehas mabilis ang tibok ng puso nila, siguro kung may speaker nga lang ito ay rinig na rinig na nila ito.

Lumipat ang isang kamay ni archer sa kanang pisnge ng dalaga, hindi niya maintindihan ang sarili niya, eversince he saw raven at their mansion alam niyang may iba siyang naramdaman para sa dalaga. He denies it everytime, halos hindi na nga niya ipakita ang emosyon niya sa iba maski sa dalaga para lang hindi niya ito mapansin vice versa. Nagsungit siya, nagalit, hindi namansin pero sa huli ay siya din pala ang susuko.

He never thought na magmamahal ulit siya. Sinubukan niya ng ilang beses sa ibang babae pero walang nangyari, but when raven came into his life. Everything has changed. Wala pa man ginagawa ang dalaga ay bumibilis na ang tibok ng puso niya.

Protecting The CEO's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon