Prologue

9.1K 176 18
                                    


Third Person's Pov

Sa isang abandonadong building ay wala ka ibang maririnig kung hindi puro daing ng tao, putok ng baril at puro mura ng mga taong halatang nahihirapan na.

"Ugh! F*ck! Come in Agent Delgado, come in! we need more back ups! Mas marami sila sa inaasahan natin!" Daing ng isang sugatan na si Agent Chavez Isa din siya sa mga magaling na agent na pinadala sa misyon na ito.

"Copy! I'll contact the captain" Sabi naman nito.

It's a buy bust operation dahil napag alaman nilang dito isasagawa sa pilipinas ang transaction ng isa sa mga delikadong tao na nabubuhay sa mundong ibabaw, na si Don Almaez.

Kilala ang matanda bilang isang maimpluwensyang tao dahil na din sa mga naglalakihan nitong negosyo, pero hindi nila lubos maisip na isa pala ito sa mga taong halang din ang bituka. Kailan lang napagalaman ng agency nila ang pinag gagagawa nito kaya gumawa kaagad sila ng hakbang upang madakip ito.

"Captain Aragon come in! Captain come in!" Pag tawag ni Agent Delgado sa kabilang linya. Walkie talkie lang ang gamit nila but it can reach the headquarters.

"What's with fuss Agent Delgado?" Relax lang na tanong nito. Pero sa loob loob nito ay nag aalala din siya sa mga ito.

"Captain we're outnumbered, we need back ups! Masyado silang marami, halos sugatan na ang iba sa mga kasamahan namin" nanghihina na sabi din nito. Halos magta tatlong oras na din silang nakikipag sagupaan sa mga tauhan ni Don Almaez kaya grabe na lang ang pagod na nararamdaman nila.

"Okay, wait for the alpha team ipapadala ko sila" mabilis naman pinatawag ni Captain Aragon ang alpha team which is kalalabas lang sa isolation room dahil nag undergo sila ng bagong training about some explosive bombs.

Maya-maya lang ay nakarinig kaagad siya ng katok mula sa labas ng kanyang opisina. Sinabihan niya itong pumasok kaya naman pumasok agad ang isang taong tinitingala lahat ng kapwa comrades niya, dahil sa angking galing nito sa lahat ng bagay.

Nagbigay galang kaagad siya sa kaharap bago ito magsalita.

"Why did you call us captain?" Walang emosyong tanong nito sa kaharap niyang lalaki.

Huminga ito ng malalim tsaka sinabi ang sadya nito sa agent niya.

"There's an on-going buy bust operation at Solemn st. There's an abadoned building there, Don Almaez is here in the Philippines for his drug transaction with his chinese investors. The beta team is already there three hours past, but Agent Delgado radio me and said they need more people" paliwanag nito na kaagad naman niyang naintindihan ang ibig sabihin nito.

"Okay captain, we're going there" Sabi niya at nagbigay galang muna ito bago lumabas ng opisina ng kapitan nila.

Pumunta siya sa sarili nilang headquarters sa loob lang din ng main headquarters nila, doon naghihintay sa kanya ang iba niyang kasamahan.

"Yo captain! Balita? Bakit ka pinatawag ni captain aragon?" Tanong ni Jaime.

Hindi niya sinagot ito bagkus ay kinuha niya ang baril niya at pumunta sa cabinet where the ammos are at ni load ang baril niya. Nagbulsa din siya ng tatlong magazine at apat na kutsilyo.

"Get up boys! We have something to do, hurry up!" Hindi naman na nagtanong ang mga ito dahil kilala nila ito. Hindi basta-bastang mag uutos ito kung hindi seryoso ang gagawin nila.

Kanya kanya silang kuha ng mga kailangan nila bago dumiretso sa sarili nilang mga sasakyan. Ilan sa kanila ay nag convoy at ang iba ay sumakay sa van nila.

Protecting The CEO's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon