Chapter 37

2.6K 59 0
                                    


Chapter 37: Outing

*****

Third Person's Pov

Lahat sila ay nakasakay sa magkakaibang van. Binabagtas nila ang daan papuntang airport, Gagamitin nila ang private jet na pagmamay ari ng pamilya Elizalde. Sa isang van ay ang mga elders (their parents and Mrs.Montefiore) Sa isang van ay sina Jaime, Carly, Keith, Caezar, Anton, Gavin at si Jem, Sa isang van ay sila Maic, Jameson, Jensen, Johannes, Erin, Arabella, Aleveoli, Irene at Jenna. Sa huling van naman ay si Raven, Austine, Aisaac, Alexander at Archer. Masyadong maarte ang apat na lalaki, dito sana sasakay si veoli at bella ng biglang pagbagsakan ni austine ng pinto ang dalawa. Kahit maputol ang daliri kanina ng dalawa ay walang ni isa ang nagbukas. Raven has no idea dahil naka maximum ang volume ng music niya and she's closing her eyes.

Gusto sanang pumwesto ni raven sa likod pero hindi siya mapakali sa gulo ng apat, paano ba naman kasi. Uupo siya tapos tatabihan siya ni aisaac sa kabila si austine, maya-maya magugulat na lang siya iba na katabi niya si alexander at archer na. Dahil sa sobrang kabwisitan ay lumipat siya sa tabi ng driver. Baka kasi hindi niya mapigilan ang sarili niya at masampolan pa niya ang apat.

Hanggang ngayon ay occupied pa din siya sa dami ng iniisip niya, ngayon sana niya pwedeng maasikaso ang pinaiimbestigahan niya pero dahil biglang dumating ang pamilya niya mula sa ibang bansa ay nabulilyaso naman ito kaagad. She can't think straight kung bakit ba ito ginagawa ng pamilya niya. "Ang weird talaga" she said in her mind.

Oo nga at malapit na ang birthday niya pero it's too early to celebrate, usually nagce-celebrate kasi sila ng birthday niya tuwing last minute na.

Pagkarating nila sa Montefiore Airlines ay nagsibabaan na sila. Masama pa din ang tingin nila veoli at bella sa apat na lalaki, pero mukang wala silang pakialam.

Pagpasok pa lang sa private jet ay pumwesto kaagad sa pinakahuli si raven, she's peacefully sleeping when she feel someone sit beside her, she open her eyes only to find out na katabi niya si archer dito. Her forehead automatically creased because of that.

"Why are you here?" She asked archer. The guy is just looking at her emotionless.

"There's no vacant" Sagot ni archer sa kanya. Mas lalo siyang nagtaka sa sinabi nito. Tumayo siya at tinignan kung totoo ba ang sinasabi ng binata.

"Hoy! Ginagago mo ba ko montefiore?!" Mahinang at gigil na tanong niya dito.

"What?" Maang na tanong nito sa dalaga.

"Gusto mong isubsob kita sa napakaraming upuan na yan ha?! Ang daming bakante tapos sasabihin mo wala na?" Hindi niya alam pero nag iinit talaga siya sa galit dito sa lalaking katabi niya.

"And so what if I lied and sit here? Tsaka bakit ba parang galit na galit ka sa'kin elizalde? Tell me...why?" Dahil dun ay natahimik siya. May punto nga naman ang lalaki, ano bang ikinagagalit niya, nakikiupo lang naman? Ano nga ba ang pinuputok ng butsi niya at sobra ang galit niya ngayon dito?

Nanahimik na lang siya at umupo. She put her earphones at max the volume. Humarap siya sa may bintana at pumikit. Para sa kanya mas  mabuti ng matulog buong byahe kesa kausapin si archer, dahil baka hindi niya mapigilang mapikon lang dito.

Si archer naman ay walang kibong nakatingin sa kanya but he's thinking kung bakit nga ba nagagalit ngayon sa kanya ang dalaga?

Lumipas ang oras at nakarating din sila sa destinasyon nila, naglanding ang sinasakyan nila sa helipad ng ibabaw ng hotel na pagmamay ari ng mga elizalse. Naiwan na lang sila archer at raven dahil nakatulog ang dalaga sa balikat ng binata. Kanina pa siya nakatingin sa dalagang nasa balikat niya, ayaw niya itong gisingin o kahit magalaw man lang habang tulog.

Nasisiyahan siya sa pagtitig lang sa dalaga, hindi niya alam sa sarili niya pero ganito ang naramdaman niya kay katerina no'ng unang kita pa lamang niya dito, Pero alam niyang mas grabe ang nararamdaman niya ngayon kesa no'ng una, alam niya din na hindi na pwede dahil meron na siyang babae sa buhay niya.

Hindi din niya malaman kung paano nga ba naging sila ng pinsan ni von, basta ang alam lang niya ay nadala siya sa kanyang emosyon ng kausap niya ang dalaga. Inalis niya ang ilang hibla ng buhok sa muka ni raven. He can't help but to smile, kuntento na siyang tinitignan ang dalaga no'ng una, pero mas tumindi ang nais niyang mapasa kanya si raven ng maalala niya ang nangyaring eksena sa dining area kanina.

Out of nowhere ay bigla na lang niyang hinalikan ang noo ng dalaga, kasabay nito ang pag galaw at pagmulat ni raven. Nagkatinginan sila at parehas nilang hindi maintindihan ang nararamdaman nila. Their heartbeats are so fast and anytime tingin nila ay lalabas ito sa dibdib nila. Nag iwas ng tingin si archer at tumayo na

"Let's go, Tayo na lang ang natira dito" Kinuha niya ang gamit niya at walang kibong naglakad na ito papalabas ng jetplane.

Naguguluhan man si raven sa inaakto ng binata pati na din sa nararamdaman niya ay isinantabi na lang niya muna ito, she stand up from her seat at kinuha ang backpack niya tsaka lumabas, narinig naman niyang tinutupok ng asar si archer pero wala ka makikitang bakas ng emosyon sa muka niya. Tila ba parang wala nanaman mga taong nage-exist sa harap niya.

Nabaling sa kanya ang atensyon ng magsalita si caezar.

"Akala ko gumawa na kayo ng pamangkin namin captain e, ang tagal niyong bumaba e" asar nito na sinabayan pa ng iba. Tinignan na lang niya ito ng masama at umalis.

Sumunod naman ang iba at nakarating sila sa lobby ng hotel. Hindi maipagaakila ang ganda ng hotel, sumisigaw ito ng karangyaan dahil sa interior pa lang ay halatang nagkakahalaga na ng milyon, chandeliers are everywhere, White sofa couch that place around the waiting area of the lobby, centralized aircon and a wood and glass windows, overlooking din dito ang napakagandang asul na tubig mula sa dagat.

Naghihintay naman ang mga matatanda sa kanila sa lobby para kausapin ang mga stuffs, kalaunan din ay inassist na sila sa mga kwartong gagamitin nila.

Nagsama-sama sila jaime, caezar, carly, gavin, jem, keith and anton sa isang malaking kwarto na may dalawang king size bed and a couch.

Magkasama naman sila james at maik sa isang kwarto na may dalawang single bed pero malaki pa din, same as jensen and johannes. Since naging close din kaagad ang mga babae na sila irene, bella, veoli, jenna and erin ay nagsama-sama sila sa iisang kwarto. Except raven na gustong mapagisa. Ayaw niyang sumama sa mga pinsan nito at sa tatlo pa na babae dahil paniguradong hindi siya makakapag pahinga ng maayos. The four montefiore highness ay mga nagsarili din ng kwarto except austine and aisaac na magkasama.

Halos magkakatabi lang din ang kwarto nilang lahat. Sa bandang dulo ang kwarto ni raven, pero napapagitnaan siya ng kwarto ng dalawang montefiore sa kaliwang kwarto ay si alexander at sa kanan naman niya ay si archer. Kaharap naman ng kwarto niya ang dalawang montefiore. Kaya talagang mababantayan din niya ng maayos ang apat.

She arranged her things at binuksan niya ang luggage niya, hindi ang mga damit niya, kundi ang mga gamit niyang may spy cameras at mga baril na kailngan niya. Sinced umalis sila ng mansion ay hindi na talaga maganda ang kutob niya. Kinuha niya ang mga bug cameras at isinalansan ito sa kama niya. Nasa mahigit singkwenta ang mga ito. All she have to do is to arrange this hindi lang sa kwarto ng apat, kung hindi pati na din sa kwarto ng iba. Gusto lang niya mapanatili ang kaligtasan ng mga kasama niya, lalo na ang apat niyang subject.

Dahil once na nakaramdam siya ng kakaiba, alam na alam niya sa sarili niyang may hindi magandang mangyayari.

Protecting The CEO's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon