Chapter 24

3.1K 88 3
                                    


Chapter 24: Raven is back

Minhyuk (Monsta X) as Aisaac Montefiore
*****

Madaling araw pa lang ay umalis na sila raven sa agency na walang nakakakita, sinadya niya ito upang walang makapansin sa kanila sa paglabas lalo na't kasama pa nila si aisaac.

Mabilis na pinatakbo ni gavin ang sasakyan para maaga din silang makarating sa mansion. Nakarating sila eksaktong alas sais ng umaga at tulog pa ang lahat.

Nagulat ang guwardiya nila ng makita si raven na  kasama sila gavin. Pagpasok naman nila ng mansion ay halos lahat ng kasambahay nila ay nagulat ng makita si raven, ang mayordoma pa nila ay muntik ng magsisisigaw ng makita ang dalaga, mabuti na lang at napigilan kaagad ito ni raven.

Nagpaalam muna si gavin na babalik sa agency dahil pinapatawag ito ng tito niya kaya hinayaan na lang niya, si aisaac naman ay umakyat muna sa kanyang kwarto upang makapag pahinga, ang mga kasambahay naman nila ay bumalik na sa ginagawa nila.

"Iha naku! Abot abot ang kaba namin ng dalawang linggo ka'ng hindi nakauwi, ano ba ang nangyari sayo pati sa mga kaibigan mo?" Tanong ni manang ising dito.

"Naku manang, mahabang kwento po. Ang mahalaga ay maayos na kami at nakauwi na ulit ako." Naka ngiting sabi niya sa matanda. Dito lang talaga siya nakaka ngiti ng hindi peke.

"Hays! O siya sige, ipagluluto na lang kita ng makakain mo, baka bumaba na din ang mga yun." Sabi ni manang.

Tumalikod na ito ng may naisip siya, pinigilan niya si manang sa pagluluto at sinabing siya na lang daw ang gagawa. Nag agawan pa sila ni manang ng chopping board pero sa huli ay sumuko na din ang matanda sa ginagawa ni raven.

Pinusod niya ang buhok niya at inangat ang sleeves ng damit niya. Sinuot niya din ang apron na nakahanda na sa gilid lang.

"Let's do this" Sabi niya at kinuha na niya ang mga lulutuin.

It's just a typical breakfast with a twist, dahil imbis na sa dining niya papakainin ang mga lalaki ay dadalhin niya ito sa kwarto ng mga ito.

Habang inaayos niya ang bawat tray ng walo ay napapa ngiti siya. It's been a long time sinced i did this kind of thing.

Nang matapos siya ay nagpatulong siya sa ilang kasambahay nila para buhatin ang mga ito paakyat.

Inuna niyang dalhan ang kuya maic niya na ngayon ay nakikita niyang mahimbing pa din sa pagtulog. Nilagay niya sa bedside table nito ang tray ng pagkain niya.

Tinapik niya ito ng marahan. "Wake up, breakfast is ready" nang makita niyang naalimpungatan na ito ay mabilis siyang lumabas sa kwarto ng kuya niya. Kilala niya ang kuya maic niya baka kahit namiss siya nito ay batuhin siya ng maraming kutsilyo dahil sa ginawa niyang pag gising dito.

Sumunod naman ay si johannes at jensen magkasama kasi ang dalawa sa kwarto, ito ang pinakamalaking kwarto sa buong mansion dahil dalawang tao din ang umookupa. Hindi man halata pero close na close kasi talaga ang dalawa sa isa't isa.

She open the door and close it, she got shocked when someone threw her a pillow, buti na lamang ay mabilis niya itong nailagan kung hindi ay matatapon ang hawak niyang tray na may pagkain.

"What the hell kuya jensen! Matatapon yung hawak ko sa ginagawa mo!" Inis na usal niya.

Nanlaki naman ang mata ni jensen ng makita niyang harapan ang pinsan niyang dalawang linggo ng nawawala. Napabalikwas naman ng bangon si johannes ng marinig ang boses ng dalaga.

Nilapag niya ang pagkain sa bedside table ng dalawa which is napapagitnaan ng kama ng mga kuya niya. She snap out her finger infront of the two boys. Doon lang nila na realize na hindi imahinasyon ang dalagang nasa harap nila.

Protecting The CEO's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon