Chapter 58

2.8K 59 1
                                    


Raven's Pov

Dinala nila ko dito sa restaurant malapit lang sa hotel, ayaw naman din nila lumayo lalo na't may traydor na nasa hotel. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyayari, tanginang yan!

Naguusap sila Hugo at Byron tungkol sa naging mission nito, nag kamustahan din, nagtanong about sa grupo etc. Akala ko nga patay na 'to e.

"Here's your order ma'am, sir" Sabi ng waiter at umalis din kaagad pagkababa ng mga pagkain namin.

Wala ako'ng ganang kumain kaya nag kape lang ako samantalang yung dalawa ay umorder ng meal, Byron is eating a medium rare steak and mashed potatoes with green beans, while Hugo is eating a grilled ribeye steak with cheddar cauliflower and corn.

Hinayaan ko muna silang kumain. Narinig kong tumunog ang phone ko and when I check it it's Anton, he's asking if where am I and if I'm okay.

Sinabi ko naman na okay lang ako at may inaasikaso lang ako'ng importante. Nakita kong tapos ng kumain ang dalawa kaya tinago ko na ang phone ko.

"Now both of you tell me what is really happening? How did you and Kate became siblings Byron?" Tanong ko dito kaya napatigil siya sa pag punas ng bibig niya at huminga ng malalim at nag umpisang mag kwento.

_______________

Byron's Pov

"I was 10 years old back then when I found out the truth, I am an illegitimate child" Panimula ko at nakita ko ang gulat sa muka ni Raven. Alam ni Hugo ang kwento ng buhay ko.

Hindi naman sumagot si Raven kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Naging katulong ang nanay ko sa bahay ng mga Alonzo. Dahil sa kapos sa pera ay napilitang mamasukan ang aking ina, lumapit siya sa isang kaibigan niya na nagta trabaho din sa mansion ng mga Alonzo. Hindi naman siya nahirapan dahil nirekomenda siya nito, ilang araw siyang namamasukan at masasabi niyang mahirap pero para din ito sa pamilya niya. My mom is just 18 back then." Sabi ko at huminga ng malalim.

Sa tuwing naiisip ko ang nakaraan ng nanay ko ay gusto ko na lang patayin ang tatay ko, pero sabi nga ng nanay ko kahit anong mangyari ay tatay ko pa din 'to.

"Dalawang buwan ng namamalagi ang ina ko sa mansion ng makilala niya ang tatay ko'ng si Wilfredo Alonzo. My mom said she fell inlove with my father. For 18 years that she's living in this world yun lang din ang unang beses na nagmahal siya at hanggang sa mamatay siya." Sabi ko at napayuko kahit ilang taon ng patay ang nanay ko ay masakit pa din sa'kin.

"Mabait daw at maayos ang pakikitungo sa kanya ni Wilfredo until that night happened. Umuwing lasing si Wilfredo at may nangyari sa kanila, nagpaubaya ang ina ko sa kadahilanang mahal niya ang ama ko. But when they woke up the next day nahuli sila ng mga magulang at fiancée ng tatay ko na si Carmela Alonzo na asawa din niya ngayon. Ilang beses na nag deny ang tatay ko, sinabi niyang inakit lang daw siya ng nanay ko."

"Inakusahan at pinagbantaan ang nanay ko na pag hindi daw siya umalis ay tatawag sila ng pulis para ipadampot siya. Ano nga bang laban ng nanay ko? Wala siyang nagawa kung hindi umalis at umuwi sa kanila. After a month I came hindi niya inaasahan pero hindi siya nag dalawang isip na buhayin ako kahit pinalayas siya ng mga magulang niya."

"She's like a stray cat, homeless and nothing to eat. Hanggang sa napadpad siya sa isang kumbento, kinupkop siya ng mga madre, binihisan at pinakain hanggang sa manganak siya sa'kin. Binalikan ng nanay ko ang ama ko para sabihin na may anak sila pero pinagtabuyan lang siya ng ama ko."

"Until my 10th birthday came ang sabi ko sa nanay ko gusto ko lang makilala ang tatay ko but she's not a typical mom instead of lying she told me the truth, na anak lang ako sa labas at hindi kami tinanggap ng ama ko. Sobra ang galit ko sa ama ko, tumakbo ako palayo sa nanay ko habang umiiyak. Napadpad ako sa isang playground malapit sa simbahan at doon ko nakilala si Kate. She became my bestfriend at araw-araw kami nagkikita doon para maglaro."

"Until I've found out that we're siblings. I saw my mom crying one time and she showed a picture, a picture of a happy family. Isang babae at isang lalaki na kasing edad lang ng nanay ko at isang batang babae na halos ka edad ko lang din. My mom told me that girl is my sister halos isang araw lang ang pagitan ng pinanganak kami. And that girl is Kate. Sobrang tuwa ko ng malaman ko na may kapatid ako pero hindi ganun kadali. Dahil natunton kami ng ama ko at pinagbawalan ako'ng lumapit sa kapatid ko. Pag hindi ko siya sinunod ay sasaktan niya ang nanay ko. Sobrang sakit na hindi ka na kinilala bilang anak, inilayo ka pa sa kapatid mo at tinuturing mong bestfriend."

"Nakita ko kung paano umiyak araw-araw si Kate dahil hindi ko siya sinisipot pero hindi niya alam nasa malapit lang ako at sinusubaybayan siya. Hanggang sa nagka sakit ang nanay ko, she had breast cancer at halos wala akong magawa, sinubukan kong humingi ng tulong sa ama ko pero pinagsawalang bahala niya lang ako. Natuto ako'ng mamalimos para lang may maipambiling gamot ang nanay ko." Huminto ako sa pinunasan ang luha ko na masaganang tumutulo sa pisngi ko.

Inabutan ako ni Raven ng tissue na mabilis ko namang tinanggap.

"Natuto ako'ng maging kargador sa murang edad, that time nakilala ko si Hugo tinulungan niya ko makabili ng mga gamot para sa nanay ko. I also found out na siya nga ang heir ng clan nila, he became my friend at tinulungan pa nila ko ipa opera ang nanay ko nadugtungan ang buhay niya dahil sa tulong ng pamilya ni Hugo, pero pagkatapos ng ilang taon hindi na umepekto ang mga gamot. I was 14 years old when my mom died sabi ng doctor kung noong una pa lang daw sana ay nagamot na ang nanay ko sana daw ay naisalba pa ang buhay niya. She's already stage three when Hugo helped us for her medication, the cancer cells already spread on her body."

"Bumagsak ang mundo ko when the doctor declare that my mom already passed away. Hindi ko alam kung paano babangon, kung paano ngumiti ulit, kung paano huminga. Good thing that Hugo is there dinala niya ko sa bahay nila at kinupkop ako ng pamilya niya his parents treat me as their own. Inayos nila ang funeral ng nanay ko pati ang libing. And after that doon ako nagdesisyon na sumali sa grupong pamumunuan ni Hugo at sumumpa ako na itataya ko ang buhay ko sa lahat ng pagtulong na ginawa niya sa'kin."

"Hindi din ako pumalya sa pagbabantay kay Kate hanggang sa naging pulis siya at napasali sa grupo mo. Nakita ko kung paano namatay ang karamihan sa inyo lalo na ang kapatid ko, I was there to help but damn them! They killed my sister because of that Devon my sister died!" Sabi ko at nakuyom ko ang kamay ko.


"Neto ko na lang din nalaman na may kapatid si Kate, na may kapatid pa kaming isa. He was sent to US para mag training to handle the company, he's the Ace of the Alonzo clan kaya tinago siya at nalaman ko din na nandun siya ng gabing yun ng mamatay ang karamihan sa grupo mo pati na ang kapatid ko." Sabi ko at dahil dun nakita ko kung paano tumulo ang luha ng isang Raven Demi Elizalde.

I can say she's really hurt because of all these information, who wouldn't.

"How can you explain those threats? Those moves that you did na muntik na din mapahamak ang mga Montefiore?" Tanong niya sa'kin dahil doon ay napangisi ako.

"It's a glamour, an act Raven. Dahil may binabalak pa lang si Devon sayo pati sa mga spoiled brats na yun ay inuunahan ko na. Para lang maudlot ang gagawin ng grupo niya. Sinisigurado ko naman na kaya mong kontrahin ang gagawin ko. Nawala man ang kapatid ko hindi ako tumigil na subaybayan ka din. Besides hindi naman ako kilala ni Devon as his brother. He doesn't know na may kapatid siya sa labas." Sagot ko at napasabunot na lang siya ng buhok.




Hindi ko alam pero parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib ng nasabi ko 'to kay Raven. Kung hindi ko man naprotektahan ang kapatid ko, I'll make sure I'll protect Raven at any cost. Dahil sa kanya maraming beses nailigtas ang buhay ng kapatid ko.

Protecting The CEO's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon