Chapter 41

2.4K 58 0
                                    


Chapter 41: Selos

*****

Raven's Pov

I just stay for a little while, sa lugar na 'to lang ako napapanatag. Fresh air, trees and plants are everywhere. Dinig na dinig ko din hanggang dito ang alon ng dagat. Feeling ko pag nandito ako sa gitna ng gubat ay mas ligtas ako. Ligtas sa mga taong gusto manakit sa'kin pati na din sa mga taong gusto ako'ng patayin, at ligtas sa taong pwedeng ikadurog pa lalo ng puso ko. Masyado bang madrama?

Beep!

Kinuha ko ang cellphone ko ng marinig ko ang sunod-sunod na tunog nito, nakita ko ang pangalan nila ate erin, kuya johannes at sir alexander. Wag niyo na itanong kung paano ko nakuha phone ko. Binigay 'to ni archer bago siya umalis.

Ate Erin:
0956*******

Where are you? Kakain na tayo.

_________

Kuya Johannes:
0936*******

I saw what happened earlier. Where are you?

_________

Alexander Montefiore:
0999******

Saan ka? Miss na kita.

O-okay? Naiintindihan ko sila kuya at ate pero bakit may nasingit na ganito kay alexander? Oo hinahanap nila ko, pero bakit may pa I miss you 'to kulugo na 'to?

Hindi ko na lang sila nireplayan at tumayo na, pinagpag ko yung suot kong oversized t'shirt ko, remember? Naka bikini pa din ako, pinatungan lang ako ni archer ng t'shirt ko.

Naglakad na ko pabalik sa hotel, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako, gusto ko matakot pero ibang takot ang nararamdaman ko ngayon. Simula ng nainlove talaga ako sa lalaking yun kung ano-ano na lang naiisip at nararamdaman ko. Parang napaka weird ko na, hindi naman ako ganito dati.

When I reached the hotel I saw some people at the lobby, and that people are familiar. Lumingon sa gawi ko sila mama, together with my father, uncle, auntie and sila alexander at aisaac, nakasimangot si aisaac sa hindi ko malaman na dahilan, sa harap nila ay sila seira at archer na nakayakap sa bewang ng girlfriend niya. Naramdaman ko sa sarili kong parang naging slow-mo ang paglalakad ko ng makita ko yun.

Alam niyo yung feeling na gusto mong tumakbo kahit alam mo sa sarili mong walang hahabol sayo? Yung feeling na gusto mo mag move on kahit alam mo sa sarili mong hindi naman naging kayo? Yung feeling na gusto mong magwala pero alam mo sa sarili mong wag na lang pala kasi wala namang may pakialam? Eh, yung feeling na gusto mong magselos pero wala ka namang karapatan?

Gusto ko lahat gawin yan, pero alam ko sa sarili kong kahit isa dyan wala akong karapatan. Para akong nalulunod sa sarili kong pag iisip. Isinantabi ko muna ang iniisip ko at lumapit sa kanila, tinatawag din kasi ako ng parents ko. Lumapit ako sa kanila at minentain ko ang expression na nakasanayan na nila. The cold and emotionless girl. Sa panahon ngayon sarili ko lang ang makakatulong ko, pero minsan nararamdaman kong pati sarili ko sinusukuan din ako.

"Raven, you know seira? She is von's cousin, we also invite them" Sabi ni mom pero tumango lang ako.

Hinanap ng mata ko si von pero sabi ni seira ay kinailangan nitong pumunta ng america dahil nagkaro'n ng konting problema sa sales nila doon.

May mga tinatanong sila sa'kin pero puro pag tango at pag iling lang ang ginagawa ko. Nakaramdam siguro sila ng wala ako sa mood makipag usap. Nawalan kasi talaga ako ng gana.
Naramdaman kong may pumulupot na robe sa katawan ko.

Protecting The CEO's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon