Chapter 54

2.7K 61 1
                                    


Third Person's Pov

Habang busy ang iba sa pagbabantay at ang iba naman ay nagpa pahinga hindi nila alam na meron nakahandang patibong sa kanila. They did it on purpose sinced wala ang babaeng pulis sa tabi nila.

"Make sure na may mapupuruhan sa gabing 'to, yan ang utos sa'tin nila boss." Sabi ng lalaking naka maskara ang buong muka. Halos lahat naman sila at balot din ang buong katawan nila.

Nagtatago sila sa likod ng malalaki at mahahabang damo. Higit kumulang nasa isangdaan silang lahat. Nakita nilang may papadating kaya nagtago sila.

Sumenyas ang isang lalaki at naghiwa-hiwalay sila para palibutan ang buong hotel.

Samantalang...

"It feels weird" Sabi ni Keith kay Jeremiah.

Napatingin sila sa paligid at ganun na lang ang pagtataka nila na parang may mali nga sa paligid. Their senses is excellent at active, kahit nga siguro tulog sila ay gumagana ito.

Nilabas ni Keith ang cellphone niya na para sa buong grupo. This is not an ordinary phone, naka personalized to at si Gavin ang gumawa, nasa speed dial ang number ng grupo. Ibig sabihin hindi lang isa ang mako-kontak mo pag pinindot mo ang one, kung hindi ang grupo. Maski si Raven, so eventho one of them didn't answer may iba pa sasagot.

Nag ring ang phone ni Jeremiah at pasimpleng kinuha niya 'to habang hindi pa din naaalis ang tingin sa paligid.

When he checked it it's Keith at narealize niyang hindi talaga biro ang nararamdaman nila ngayon.

Sinagot niya din ito, sinagot din ng iba except kay Raven na hinahanap pa din sa kotse niya kung saan nanggagaling ang tunog.

"Hello, this is Keith. Something's strange here outside. Nasaan ang mga Montefiore?" Tanong ni Keith sa mga kasamahan.

"Nasa mga kwarto nila ngayon, except for the Archer, Seira, Alexander, Veoli at Arabella, nasa restaurant sila ngayon." Sagot naman ni Anton.

"Teka! Ano bang nangyayari Keith?" Tanong ni Carly.

"Hindi namin alam pero iba pakiramdam namin ni Keith ngayon dito sa labas, parang ang daming nagbabantay" This time si Jeremiah na ang sumagot.

"Baka naman paranoid lang kayo, kasama niyo ba ang ibang MIB mag ikot?" Tanong ni Jaime.

At doon nagkatinginan sila Keith at Jeremiah, they realize na kaya pala weird dahil hindi din nila makita ang mga MIB na kasama nila kanina. Imposibleng nauna na silang pumasok dahil wala pa yung isang grupo na papalit sa kanila sa pag rounds.

"Huy! Okay lang ba kayo? Sumagot nga kayo! Nasaan ba kayo ngayon?" Tanong naman ni Caesar

"H-hindi namin kasama ang ibang MIB, Wala kaming makitang first batch dito. Nasa may east side kami ni Keith ngayon." Sagot ulit ni Jeremiah.

Nakarinig sila ng kaluskos sa may kaliwa kaya hinugot nila ang mga baril nila, maya-maya naman ay nakarinig din sila sa kanang bahagi. Medyo madilim sa parte ng hotel na 'to dahil kalulubog lang din ng araw at liwanag na lang ng buwan ang nagsisilbing liwanag nila.

Nagulat sila ng biglang nasa sampung lalaki ang bumungad sa kanila at may mga hawak ito'ng armas. Baseball bats, arnis, club weapon, maces, latigo.

'Tangina, yung totoo? Bakit ganito mga hawak ng mga 'to' sa isip ni Keith

"Red" Pagkatapos sabihin ni Keith 'to ay namatay ang tawag.

Protecting The CEO's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon