Chapter 50

3.2K 75 14
                                    


Naransanan niyo na bang makaramdam ng pagiging mag isa kahit ang dami namang tao na naka paligid sayo? Eh yung sakit na para ka ng pinapatay ng paunti-unti? Yung tipong wala ka magawa, wala ka makapitan, lahat ng taong nakapaligid sayo ay hinuhusgahan ka, yung mga taong inaasahan mong maiintindihan at makikinig sayo ay tinalikuran ka? Sobrang sakit. Yan ang nararamdaman ni Raven habang natutulog siya kanina, para siyang pinapatay, binabangungot, mga salitang hindi niya akalain na masasabi sa kanya ng lalaking pinakamamahal niya.

Umagang-umaga pero kita mo sa mga mata ni Raven ang luhang nagbabagsakan mula sa mga mata niya at ang lungkot.

'You're a murderer' Ang mga katagang ito ang tumatak sa isip niya, Napapikit siya ng mariin. Isang mamamatay tao yan ang tingin sa kaniya ng lalaking pinakamamahal niya.

Parang bigla na lang siyang natauhan sa lahat ng nangyari, trabaho dapat ang inaatupag niya at hindi ang ganitong bahay, love has no place in her job. Maraming mapapahamak, at naging silbing aral sa kanya ang nangyari sa matalik niyang kaibigan na si Kate. Tama na ang nangyari makalipas ng ilang taon, ayaw na niyang may ibang tao pa mapahamak.

She decided to got up and go straight inside the bathroom to clean herself, this is going to be a long day for her, she will keep aside all her own personal problems and finish what she needs to do. Which is to protect the Four Montefiore.

She finished taking a bath and she looks herself in the mirror inside her bathroom, she can see her reflection, her dark orbs that turns emotionless again, her pale but beautiful face. Halos wala ka ng makikita kahit isang emosyon sa muka ni Raven, para siyang isang robot pero siya din mismo ang kumokontrol sa sarili niya.

She went outside of her bathroom and wear her favorite army pants,  black razorbacks and a pair of combat shoes. She blow dry her long brown hair that already reach her waist and tie it in a ponytail style. Kahit wala siyang make up at maangas ang suot nito ay hindi pa din nasasapawan ang taglay nitong ganda. 

Kinuha niya ang itim na jacket at ang susi ng kotse niya. Bumaba siya sa lobby ng hotel para mag almusal, pagpasok niya sa Italian restaurant ay nakita niya ang buong grupo niya, Seira, her family and Montefiores. Napangisi na lang siya sa sarili niya ng makita ang mga itong nakatingin sa kanya.

Nakita niya ang mga pares ng mata na halos pinapatay na siya but she didn't mind, masakit sa kanya sobra pero wala naman siyang magagawa, ayaw niyang ipagpilitan ang sarili sa lalaking ayaw naman sa kanya at kinasusuklaman siya. She went straight to the buffet and get her food, may kailangan siyang puntahan ngayong araw kaya nagmamadali din siya.

Iiwasan na sana niya ang mesa kung nasaan nakaupo ang mga ito but her mom called her and making her to sit with them. Napapikit siya ng mariin at sumunod na lang sa nanay niya. Maingat siyang umupo at nag umpisang kumain.

"Good morning Raven" Ngiting bati sa kanya ni Alexander, tumango siya dito at bumati pabalik pero walang kangiti-ngiti.

Silence engulfed them again hindi na nangulit pa si Alexander dahil alam niyang wala sa mood ang dalaga. Halos tunog ng kubyertos lang na tumatama sa babasaging pinggan ang maririnig pati ang landian ng dalawang tao.

"Babe try this" Maarteng sabi ni Seira kay Archer at minuwestra pa nito ang kamay na may hawak na tinidor sa bibig ng kasintahan.

Nakita niya sa gilid ng mata niya na kinain ito ni Archer at ngumiti dito bago magpasalamat kay Seira, nararamdaman nanaman niya ang sakit.

Naagaw naman ang kaniyang atensyon ng marinig na magsalita si Madame Montefiore

"You're going out Raven?" Malumanay na tanong nito. She look at the old age woman who's looking at her with a smile on her face. Hindi ba dapat ay galit ito sa kanya dahil sa nalaman kagabi? Ang mga apo nga nito maliban kay Alexander ay galit sa kanya, even Bella is mad at her but Veoli is just smiling at her whenever their gaze is meeting.

Tumango naman siya bago sumagot.

"Yes Madame" sagot niya. Akala niya ay hindi na masusundan pa ang tanong ngunit si Gavin naman ang nagtanong sa kanya.

"Where are you going?" Malamig na tanong sa kanya ni Gavin, Gavin knows her very well. Wala pa man siyang nasasabi dito ay alam na kaagad nito kung anong gagawin niya.

Ayaw naman niyang may makarinig sa usapan nila at ayaw naman niya maging bastos dahil kumakain sila.

"Later Gavin we'll talk, and also Anton, Jem, Caezar, Jaime, Carly and Keith. Meet me at the parking lot" Pinunasan niya ang bibig niya. Halos natigilan ang lahat sa lamig at tigas ng boses nito. Tumayo na siya at, nagpaalam sa mga magulang at kay Madame Montefiore.


Mabilis siyang pumunta sa parking lot habang nagta type sa cellphone niya. Naramdaman niyang may mga yabag na nakasunod na sa kanya. Sumandal siya sa kanyang Mazda MX-5 Miata.

"Captain" tawag sa kanya ni Caezar kaya tinanguan niya ito.

"Look, hindi na ko magpapaligoy ligoy pa. I'm going back to Manila today, may kailangan lang akong asikasuhin gusto kong bantayan niyo ang lahat most specially ang mga Montefiore, nararamdaman kong nasa paligid lang sila at magpapakilala na sila. I'll be back as soon as I can. I'm counting on you guys, You're not going to be in alpha and special force team if you're guys are nothing. Ingatan niyo sila." Malamig na utos nito sa buong grupo. Halos gulat sila dahil nakikita nila ang captain nila na hindi nila akalain na babalik pa. Ang captain nilang sobrang lamig kung magsalita at walang makikitang emosyon sa buong muka nito.

"And Gavin, send me the files that we're talking about yesterday I'll expect that in my laptop in just 5 minutes. I'll be needing those." Sabi niya at tatalikod na sana ng pigilan siya ni Gavin.

"Damn! What are you trying to do Raven? I'll come with you if you really want to do this! I'm not going to let you do this alone!" Sabi ni Gavin na halos napipikon na.

"No Gavin, I'm the captain and I need to do this. Don't try to pursue what you want because I will not let you. Let me do this alone, I'll be back complete." Sabi niya at hindi na hinintay pa na sumagot si Gavin at usok na lang ang tinira nito sa grupo.



"Pota! Usok!" Sigaw ni Keith ng malanghap niya 'to at umubo ng umubo. Hindi lang naman siya pati yung iba.

"Grabe si captain, nakikita ko ngayon na nasasaktan siya kahit wala nanaman akong mabasang kahit ano sa maganda niyang muka." Sabi ni Anton.

Tama si Anton, kilala nila ang leader nila. Hindi man nito aminin pero alam ng mga itong nasasaktan ito.

"Grabe naman kasi itong mga Montefiore kung manghusga, hindi nga nila alam pinagdaanan ni captain para husgahan agad." Sabi naman ni Carly.

"Atleast alam natin ang totoo, walang kinalaman at hindi ginusto ni Raven ang nangyari sa grupo natin noon lalo na kay Kate." Sagot naman ni Jem.

"Tanginang Archer yan! Sarap ibitin patiwarik at hampasin ng latigo dahil sa ginawa kay Raven eh!" Napupuyos naman sa galit na sabi ni Caezar.

Sang ayon naman silang lahat hanggang sa magtanong si Jaime kay Gavin.

"Gavin? What are the both of you talking about at alam mo ba kung saan siya pupunta?" Tanong naman ni Jaime dito.

Si Gavin naman ay nakatingin lang ng diretso sa dinaanan ng kotse ng dalaga at huminga ng malalim bago magsalita.

Napanganga sila sa sinabi nito at halos gusto nilang habulin ang dalaga pero ayaw pa nilang mamatay pag sinuway nila ito. They're just going to follow her order and pray hopefully she will comeback alive and complete.























"She's going to meet Hugo Maximilian the Mafia boss of the Empire City"

Protecting The CEO's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon