016

110 1 0
                                        


3 R D

"XU MINGHAOOOO!"

Naalimpungatan si Minghao dahil sa isang nakakarinding sigaw.

"5 minutes!" Sigaw niya pabalik, without opening his eyes. Alam niyo 'yung ganoong pakiramdam? Yung hindi kayo makamulat dahil sa sobrang puyat? Ganon.

"Ah ganon, sige ganiyan ka Kermit." Matic siyang napabangon dahil sa tawag na iyon. Syempre maharot siya e. Kilalang-kilala niya ang boses ng babaeng 'yon.

Kermit.

Unang bumungad sa kaniya ang nakangiting Jin, na pipiliin niyang tingnan araw-araw.

"Good morning!" Bati nito sa kaniya, habang siya ay tulala pa dahil sa gulat. Hindi naman kasi ito nagsabi na babalik ito sa ga bansa kung nasaan sila nang ganitong araw.

"B-bakit ka nandito?" Jin pouted cutely kaya pakiramdam ni Minghao, namula ang pisngi niya.

"Ayaw mo? Sige uuwi nalang ulit ako ng Beijing." Sabi nito.

Natauhan naman si Minghao bago ngumiti. Hinila niya ang dalaga pahiga sa kama (eHEM WALANG ANO HA) saka ito niyakap.

"Namiss kita." Ngumiti ang dalaga sa inasal nito. "Bakit ang dami mong pera? Pabalik-balik ka nalang ah."

"Dito nalang ako titira muna kay Mama. Nagpalipat na din ako ng branch doon sa editor namin."

Yumakap pabalik si Jin sa kaniya, dahilan para tumibok na naman nang malakas ang puso niya. Nako, Minghao. Kaya mo pala kami pine-friendzone kasi may Jin ka na. Eh friendzone ka din naman.

Kung pwede lang sana lagi tayong ganito eh, kung pwede lang sana na wala kang Mingyu na bukambibig. Tangina.

Ayan. Ayan ang iniisip niya sa bawat araw na kasama niya si Jin. Hindi niya maiwasang mainggit kay Mingyu, na itinuring na niyang pinakamalapit na kaibigan maliban kay Junhui at Jin.

"Samahan mo 'ko gumala!" Aya ni Jin sa kaniya.

"Sige. Saan?"

Pumayag kaagad siya kahit na may schedule sila ngayon dito sa Hong Kong. Doon niya nalang dadalhin si Jin at magtatanong nalang sa kay Junhui hyung ng mga pwedeng galaan.

"Sa ExpoHall kami ngayon eh. Sama ka?"

"Papahuli ba ako?"

"Sabi ko nga. Pero teka lang, ligo lang ako." Paalam niya bago mabilis na pumasok sa banyo at inilock ang pinto.

"Kermit! Towel mo hoy!"

Sigaw ni Jin mula sa labas. Binuksan niya ng kaunti ang pinto at lumabas.

Napalunok si Jinxia dahil sa nakita. Hindi ito ang unang beses na nakita niyang topless ang isang Xu Minghao, pero ganoon nalang ang gulat niya dahil sa laki ng pinagbago nito. Sobrang payat kasi nito dati kaya hindi niya in-expect na ganoon na kaganda ang katawan nito ngayon.

"Labas labas pa ng banyo, sige. Sipunin ka sana."

"Sus. Ngayon ka lang nakakita ng abs eh."

"Jun hyung! Nasaa- ow. Sorry sa abala. Hehehe."

Dahil sa gulat ng dalawa, napatingin sila kay Mingyu na ngayon ay nanlalaki ang mata dahil sa nakita.

Mali. Mali ang nakita niya.

written • mingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon