003

159 3 0
                                    

K I M

"KIM MINGYU! ANO 'TO HA?!" As soon as I entered the hotel room, it's Wong Jinxia again who welcomed me by throwing a pile of pitcures.

"'No yan?" Tipid kong tanong sa kaniya. It's not that I don't want to talk to her, pero parang ganoon na rin. Lahat na yata ng hindi ko gusto sa babae ay nasa kaniya na.

"Uso gamitin ang mata." She said. Aba, siya na nga 'tong nakasigaw, siya pa 'tong galit?

I picked one and it was me.

And Tzuyu.

"Lagot ka kay Manager kapag nalaman niya 'yan." Nag-init kaagad ang dugo ko nang marinig ang sinabi ni Jinxia. What the fuck, is she trying to say that, sasabihin niya kay manager, na may namamagitan sa amin ni Tzu?

"Saan mo nakuha 'yan?" I ignored her statement, keeping my head cool at the moment. Ayokong awayin siya dahil siya na naman ang magiging dahilan ng pag-aaway namin ni Hao. Damn, and I don't want to fight with him again. I've spent almost half of my life with Hao at ayokong masira 'yon dahil sa babae lang.

"She sent it, bahala ka sa buhay mo. Ayan, may sulat pa." Instead of giving the envelope to me in a nice and polite way, she just threw the brown envelope on my chest. Saka siya lumabas ng kwarto namin ni Junhui hyung.

I opened the envelope and read what's inside it.

To Kim Mingyu,

Mingyu. Happy anniversary! Alam kong nasa tour ka kaya naiintindihan ko kung bakit hindi mo ako ma-message. But promise me, babawi ka ha? Kailangan mo na akong ilibre ng bubble tea!

Sana nga lang ay hindi ka mapagod. Madami pa akong gustong gawin sa buhay kasama ka. I hope Mina's issue with your company won't affect what's going on between us.

Maybe one day, I'll tell the public about us. See you when you came back to Seoul, baby. I love you!

P.S. Akala mo stalker mo ako? Hindi ano! Nakuha ko lang 'yan sa camera ng fan ko. Hahaha!

Yours,
Tzuyu.

Matic na napangiti ako nang isara ko ang papel. Damn, Tzu. Why are you being like that?

Honestly, I don't know when and where I started building feelings for that Chou Tzuyu. Ang alam ko lang, pagakgising ko isang araw, gusto ko na siya and I'm happy that she felt the same for me.

Nobody knows about us, except for Jinxia dahil nalaman niya kanina. Even the members, and Twice, hindi nila alam 'yon. Even Wonwoo hyung.

Tzuyu and I are seeing each other secretly, dahil oras na malaman ng Manager ng Twice ang lahat ay malalagot kami. Kay Tzuyu ko nga lang nalaman na may gusto si Mina kay Wonwoo hyung e.

Dahil nga doon sa nangyari sa dalawa, we're prohibited to make contacts from their company, at kasama na doon ang pakikipag-collab sa mga grupong nasa ilalim nila.

Inayos ko na ang padala ni Tzuyu saka inilagay ito sa tagong parte ng maleta ko. Madalas itong buksan ni Hao pero hindi niya alam ang taguan ko dito, kaya doon ko nalang siguro itatago.

Putangina, alam kong masama ang magtago ng sikreto pero para naman 'yon sa ikabubuti namin ni Tzuyu. Para rin sa ikabubuti ng lahat.

"Gyu, what the fuck did you do again?" Galit na humahangos si Hao palapit sa akin. His eyes were shouting anger and jealousy.

"I didn't do anything, Hao." Nanliit naman ang mga mata niya sa sinabi ko.

"Then explain what happened to Jin! Tumakbo siya palabas ng hotel habang umiiyak! Mingyu, umuulan! Ni hindi siya nagdala ng payong!"

That Wong Jinxia really gives me such a headache.

But anyway, I will just act innocent.

"Anong kinalaman ko doon?" I asked. Nakita ko namang kinuyom niya ang palad niya.

"Sana nga ako nalang 'yung dahilan ng pag-iyak niya e. Kaso putangina, ikaw lang naman lagi ang rason ng pag-iyak niya ng ganon." Galit na sabi ni Hao. I sighed in defeat.

"Sige, hahanapin ko siya."

"Siguraduhin mo lang, Mingyu." Sabi niya bago umalis ng padabog sa kwarto.

-

Ilang oras na akong nasa labas ng hotel pero hindi ko pa rin makita si Jinxia. Gusto ko na ngang bumalik kaso sinabi na ni Hao kay Manager na may kailangan akong asikasuhin sa labas kaya magtataka 'yun kapag bumalik ako ng maaga.

Umuulan pa rin. Saan na ba nagpunta ang babaeng 'yon?

Wala akong alam sa mga gusto niyang puntahan dito o 'di kaya mga paborito niyang gawin. Lahat na yata ng shop sa downtown ay napuntahan ko na, kaya nga siguro nakaabot na ako dito sa isang liblib na park.

Madalang ang tao dito, and most of them were couples. Hindi naman siguro pupunta si Jinxia dito di'ba?

Agad kong binawi ang sinabi ko nang makita ko siya sa ilalim ng isang puno sa may gitna ng park. She really think her life is a music video, huh.

Tumakbo ako papalapit sa kaniya at pinayungan siya nang walang pasabi. She lifted her face and as expected, nanlaki ang mata niya nang makita ako.

"Tara na." Seryosong sabi ko habang inaaya siyang tumayo.

"M-mingyu.."

"Ano?"

"Ni minsan ba, hindi mo man lang ba ako nagustuhan?" Hindi ko rin alam kung bakit napatigil ako sa tanong niya.

Noon, Jin. Noon.

"Hindi. Kaya tumayo ka na diyan, babalik na tayo. Hinahanap ka na ni Minghao."

Sorry.

-

written • mingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon