W O N G。"Kumain ka na," He said on the line. Tiningnan ko siya sa may bintana at hindi ako nagkamali. Nandoon nga siya. Kumaway siya sa akin. I smiled.
"Hindi ako marunong magluto." Buti na nga lang at nakabalik kami ng Seoul bago maglockdown ang buong Incheon kundi mai-stuck kami sa Hong Kong ng isang buwan. Dalawang linggo na rin simula noong nagkaroon ng quarantine, at sobra-sobrang boredom na ang naipon ko.
Isang malakas na tawa lang ni Mingyu ang narinig ko mula sa kabilang linya kaya naman nainis ako sa kaniya. Kahit naman kasi gustuhin ni Mingyu na pumunta sa tapat-bahay ng dorm nila ay hindi pwede dahil iyon ang utos ng management. Bahay ito ng tatay ni Sehyeon eonni at walang nakatira kaya dito muna ako pinatigil pansamantala, kasama 'yung kambal at si Ate, syempre.
"Sige bwisit tumawa ka lang."
"HAHAHAHA sige bao, mamaya nalang ulit, lunch na e. Bye. I love you. Isusumbong kita sa Mama mo, hindi ka pala marunong magluto!" Sabi nya bago ibaba ang tawag. Sige, Kim Mingyu. Babaan pala ng tawag ha. Hinawi ko ulit ang kurtina at nakitang wala na siya sa bintana. Dumiretso naman ako sa kusina para subukang magluto, nakakahiya kasi kung gigisingin ko pa si Ate para paglutuin siya.
Kumuha ako ng itlog mula sa pantry saka binuhusan ng mantika 'yung pan na kanina pa mainit. Itatry ko lang naman talaga magluto ng itlog e, jusko Jinxia, may dumpling restaurant si Mama pero 'di ka marunong magluto?
Binasag ko ang itlog diretso sa pan kaso nagulat ako dahil nagtatalsikan 'yung mantika. Tumakbo ako para kumuha ng payong pantakip para hindi ako malagyan ng mantika. Nakakatakot pala 'to.
"HAHAHAHAHA." Naihagis ko ang spatula nang marinig ang tawa ni Mingyu galing sa kung saan.
"Bao, anong itsura 'yan?" Sabi niya habang pinupulot ang spatulang lumanding sa sahig. Ayan, madumi na huhu.
Inilapag niya sa lamesa ang dala niyang paper bag bago ilagay sa lababo ang spatula. Sinamaan ko siya ng tingin bago ibalik ang tingin sa itlog na niluluto ko.
'Di pa pala luto yung ibabaw.
"You're too adorable." He said bago ipulupot sa bewang ko ang kamay niya, at ipatong sa balikat ko ang ulo niya.
"Adorable amputa. Shuta ka, kung tinutulungan mo nalang ako dito."
Hinarap niya ako sa kanya saka ngumiti sa akin ng malapad.
"No need. May dala akong lunch, tumakas lang ako sa cctv sa may gate. Kahit naman hindi ka marunong magluto e, ako naman magluluto para sa'ting dalawa."
I smiled then leaned to give him a peck on his lips.
"YUNG ITLOG MINGYU!"
"Sunog na!"
"OO PARANG IKAW!"
"INAAWAY MO NA NAMAN AKO!"
"SINISIGAWAN MO KO KIM MINGYU?!"
"I LOVE YOU HEHE."
"PASALAMAT KA MAHAL DIN KITA!"
-
end 011919 HIHIHIHIHI
revised na super cringe af 03282020
BINABASA MO ANG
written • mingyu
Fiksi Penggemar❝even the last ink of my pen writes for you.❞ written ↷ k.mg ❀shuaniverse ; 2018