3 R D。
"Welcome back, Jin! Libre naman diyan! Dahil successful ang libro mo." Sigaw ni Junhui kay Jinxia na kakalabas lang sa kwarto nila Minghao. Tinampal niya ito sa braso dahilan para magreklamo ang lalaki.
"Ang ingay mo! Pag narinig ka ni Mingyu..." Gigil na sabi nito saka umupo sa mahabang sofa.
"He's not interested. Wawa naman Jin." Dahil doon, sinapak niya ito. Hindi na sinabi ni Junhui na bumili si Mingyu ng libro nito, hahayaan nalang daw niya ang tadhanang magtrabaho para sa kanilang dalawa.
"Magbebreak din kayo ng Krista mo! Bwisit ka ha!" Nagbago naman ang ekspresyon ng mukha ni Junhui dahil sa narinig.
"Joke lang naman Jin. Bati tayo diba. Okay?" Tumawa na lamang si Jin dahil sa inasal nito.
Tago lamang ang relasyon ni Krista at Junhui. Sa pagkakaalam niya, koreana si Krista at nakilala lang ni Junhui sa isang restaurant. Silang tatlong tsino lang ang nakakaalam.
"Jinxia, nakabalik ka na pala." Napatayo naman si Jin nang marinig ang boses ni Sehyeon. Naging malapit sila nang magpunta siya sa Japan para sundan-- wag na daw nating alalahanin ang panahong iyon. Nagmu-move on daw siya.
Ngayon nalang din niya nakita ulit si Sehyeon matapos mag-missing in action nito ng ilang buwan.
"Ay hindi pa ate. Kaluluwa ko lang 'to." Dahil doon, nabatukan siya ng babae saka hinila sa kwarto nila ng kambal na anak ni Wonwoo.
"May iba ka pang libro, Jing? Ang ganda nitong libro mo."
Nagulat siya dahil alam pala ni Sehyeon ang tungkol sa libro. Siguro ay dahil na rin kay Minghao, o kaya kay Junhui.
"Binili mo yan Ate?" Umiling si Sehyeon sa tanong ni Jin.
"Bigay 'to ni Mingyu. Hala sige, sabi kasi niya maganda daw kaya tinanggap ko." Nanlaki ang mata niya dahil sa narinig.
"Alam ni Mingyu....na ako nagsulat niyan?" Tanong niya.
"Hindi, pero ako ang nakaalam. Book cover pa lang e. Ulaga lang talaga si Mingyu at hindi niya alam." Tatawa-tawang asal ni Sehyeon.
"Pero alam mo, Jing? Sabi niya kay Wonwoo, he's starting fall in love with the writer."
Mingyu? Falling in love with me?
I shrugged. He's inlove with the personality I introduced to him. He's inlove with Meizhen, not with Wong Jinxia.
-
Nalungkot si Jinxia nang hindi siya makasama kila Minghao sa ExpoHall dahil tumawag ang nanay niya. May problema pala sa restaurant na hinahandle nito, kaya pumunta siya doon para tulungan ito.
"Ma, ano ba kasing nangyari?" Alalang tanong niya. Umiiyak ang mama niya, habang hawak ang dibdib nito. Sobra talaga ang pag-aalala niya kapag ganitong may mabigat na sitwasyon sa pamilya, dahil na din siguro sa sakit sa puso ng mama niya.
"Si Feng...nandito siya kanina. Hinahanap ka." Hinawakan nito ang kamay niya. "'Wag kang babalik sa Beijing, anak. Sumama ka muna kay Minghao. Matutulungan ka niya."
"Mama," Tawag niya dito. Umangat naman ang tingin nito sa kaniya. "Bakit?"
"Nalaman niyang malaki ang kinita mo sa libro. Gusto niyang kunin 'yon. Ang kuya mo, nasa Seoul ngayon. Tumakas na din siya sa bahay." Her mother explained. Napabuntong-hininga nalang siya sa galit.
"Kung pera lang ang gusto niya, then fine! Idedeposit ko nalang sa account niya. Basta tigilan na niya tayo pati si gege." Galit na tugon niya.
"Anak...hindi lang naman 'yon ang gusto niya e." Tumulo na naman ang luha ni Mrs. Wong kaya nanlambot si Jin. "Si Kim Mingyu..layuan mo muna siya."
Napatawa siya ng mapait. "Bakit pati 'yon, Mama?"
"Siya na nga lang ang kasiyahan ko, babawiin pa."
BINABASA MO ANG
written • mingyu
Fiksi Penggemar❝even the last ink of my pen writes for you.❞ written ↷ k.mg ❀shuaniverse ; 2018