029

86 3 0
                                        




3 R D

"Ate, wake up." Jinxia heard as soon as she opened her eyes. Bago niya tingnan kung sino ang nagsalita ay lumingon muna siya sa kama kung saan naroon si Mingyu. Umasa siyang gising na ito, pero nabigo lang siya.

"Ate, balik ka na daw sa kwarto mo sabi ni Tita. Aayusin lang daw 'yung discharge papers mo." Nakaramdam ng kaunting tuwa si Jinxia dahil ngayong araw ay laya na siya sa nakaka-suffocate na kwarto niya dito sa hospital. Sa ganoon, she could keep her eyes on Mingyu—only for him.

Nakakalakad na siya mag-isa, kaya iniwan na niya si Minseo sa kuya niya. Bago siya umalis ay hinawakan niya ang kamay ni Mingyu at nagpaalam dito.

"Nak, nakapag-paalam na ako sa eskwelahan mo. Pwede ka pa magstay rito, papayagan naman kita bantayan si Mingyu." Tumango nalang siya sa Mama niya at yumakap dito.

Nagpaalam na ang nanay niya pagkatapos siyang tulungang magbihis dahil nahihiya na raw ito kila Sehyeon na ilang araw nang nagbabantay sa restaurant niya. Wala naman itong kaso sa kanila, 'yun nga lang, maging doon ay dala nila ang mga bata kaya hindi na ito nakakapasok ng maayos.

The rest of the members went back to their tour dahil hindi pwedeng magulo ang schedule nila, if ever na ma-cancel ang mga concert nila because of what happened to Mingyu. Kahit naman ayaw nila ay kailangan nilang gawin 'yon dahil 'yon ang gusto ng nakakataas at wala silang magagawa.

Jinxia found herself in the elevator on her way to the ICU. She stared at her wrists, halata pa dito ang peklat na gawa ng dextrose. She also saw herself in the elevator walls, bakas pa rin talaga ang mga sugat na binigay sa kaniya ni Eunha.

Pinilit niyang alisin ang lahat ng naiisip niya at naglakad na palabas ng elevator nang bumukas ito. Naabutan niya si Mrs. Kim at Minseo sa labas ng ICU kaya napatakbo siya.

"Ate! Gising na si Kuya! Gising na si Kuya!"

Dali-dali siyang pumasok sa loob at naabutan ang ilang doktor na nagchecheck pa ng vital signs ni Mingyu. Nakangiti ito sa kanila at nang bumukas ang pinto ay napatingin sila kay Jin. Maging si Mingyu ay napatingin sa kaniya.

She didn't expected what happened next. Mingyu lifted his hands asking for her to come closer, at talagang ang bagal ng lakad niya habang lumalapit dito.

"You're awake." Agad napalo ni Jin ang braso nito kasabay ng pagpatak ng luha niya.

"Ang daya mo! Ayaw mo akong mahulog sa'yo pero ganito ginagawa mo! Sinabi ko bang magpakamatay ka sa akin ha?" She said while continuously hitting the elder's arms. Mukhang nakaramdam naman ang mga doktor at umalis nalang doon tutal naman ay tapos na sila sa kaniya-kaniya nilang gawain.

Tumawa si Mingyu bago hawakan ang kamay ni Jin na siyang nakapagpatigil dito. "Wala ng kaso sa akin."

"Alin?" Naguguluhang tanong ni Jin.

"Fall for me even more, Jin. Since you made me too." Mingyu said before he crashed his lips onto hers.

written • mingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon