004

128 3 0
                                    


3 R D
Sa kabilang banda, alalang-alala na si Minghao sa kaibigan niya. Ilang oras na rin kasi ang nakalipas magmula nang umalis si Mingyu sa hotel para hapain ito pero hanggang ngayon ay hindi pa nakakabalik.

"Oh, hindi pa nabalik si Mingyu? Maggagabi na." Biglang pumasok si Manager sa kwarto ni Minghao at Seokmin. Umiling naman si Seokmin na kanina ay busy sa pagsecellphone.

"Make sure makakabalik siya dito before 8 PM." He warned before exiting the room.

Minghao immediately texted his friend. Pero isang "ok" lang ang natanggap niya mula rito.

-

K I M

"Hindi ito 'yung papuntang hotel." Sabat ni Jinxia habang nakatingin sa labas ng kotse.

"Alam ko. May pupuntahan lang tayo." Hindi na sumagot pa si Jin at nanahimik nalang sa tabi ko. Gusto ko sanang itry 'yung sikat na restaurant dito sa Tokyo habang may oras pa ako, okay lang naman sa'kin na kasama siya.

Kahit ngayon lang.

Napanganga ako nang makita ang malaking restaurant na ito. Dapat pala sinama ko sila Seungkwan. Nakita ko naman ang reaksyon ni Jinxia kaya napatawa ako.

Napatingin naman siya sa akin. Bwisit, bigla tuloy umurong 'yung tawa ko.

"Tumatawa ka naman pala kapag kasama ako e."

"Ngayon lang, gutom na ako e. Tara na." Sumunod naman siya sa akin sa loob.

Hinayaan ko siyang pumili ng gusto niya bago ako umorder. Hindi ko nga alam kung naninibago ba siya sa kinikilos ko pero ewan, bahala na. Ang mahalaga, nakabawi ako sa lahat ng pagpapasakit na ginagawa ko sa kanila ni Minghao araw-araw.

We were waiting for the serving when Minghao's message came up. Damn, alas-sais na pero ang dami ko pang gustong puntahan.

"Mingyu." Jinxia suddenly called me kaya binitawan ko ang phone ko saglit. Tumingin ako sa kaniya.

"Thank you."

"Para saan?"

"For this. Alam kong bumabawi ka lang sa akin dahil sa nangyari kanina pero," Tumayo siya at lumapit sa tabi ko at yumakap. "Let me do this, even if this would be the first and last,"

Matapos niyang kumalas ay parang natulala ako.

I wished it took longer.

written • mingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon