3 R D。
"Mingyu."
"Mingyu."
"Ming---"
"Ano?!"
"I love you. Hehe."
Napairap nalang si Mingyu sa inaasta ng babaeng kaharap niya. Bestfriend ba talaga 'to ni Minghao? Hindi siya makapaniwala. Hindi siya makapaniwalang naging malapit ang masungit na si Minghao sa sobrang kulit na babaeng kaharap niya ngayon.
"Mingyu, kain ka na oh." Sabi ng babae saka inabot kay Mingyu ang isang bento box. Kakainin ko ba? Baka may lason eh.
"Luto mo ba 'to?" Mingyu asked. Nakita niya naman ang pagkinang ng mga mata nito habang nakatingin sa kaniya.
Pogi ko talaga.
"Hindi, binili ko lang 'yan."
Hindi na siya sumagot sa walang kwentang sagot. Hindi niya din naman siya kilala, bakit pa daw niya kakausapin di'ba?
Nakita naman ni Mingyu ang pagpasok ni Minghao sa practice room. Dumako ang tingin niya sa dalawa, saka siya ngumiti.
"Jinxia, why are you here again? I thought you flew back to China."
"Don't want to. I'm here for Mingyu." Napatingin si Mingyu sa dalawa. Naguguluhan na talaga siya sa pinag-uusapan nila, pero narinig niya ang pangalan niya mula sa babae kaya paniguradong siya ang pinag-uusapan ng mga ito.
"Go back. I'm mad at you."
"Ming, sorry okay? I will make it up to you after Mingyu." Ano ba kasing pinag-uusapan ng dalawang 'to.
"Chinese peoples, alis na nga kayo dito. Dudugo ilong ko ples lang." Ngayon ipinagpapasalamat nani Mingyu ang pagbuhay ni Lord kay Boo Seungkwan dahil sa galing niyang mag-intrude sa usapan ng may usapan. Kahit pa lagi siyang inaaway nito.
"Hao, saan ba natutong magkorean 'yang bestfriend mo? Tindi ah." Sabay ni Seoks kay Minghao. Nagtataka nga rin si Mingyu. Medyo halata lang nito na kakatuto palang nito magsalita dahil 'yung accent niya ay kagaya ng kay Minghao noong bagong dating palang ito sa Korea.
"Ah, nag-aral 'yan para kay Mingyu." Napanganga naman ang iba sa sinabi ni Minghao. Pero si Mingyu? Wala lang. Chill lang.
Honestly, he's not really close to girls except sa mga babaeng kaclose ng grupo nila. Or simply, his hyungs' girlfriends.
"Mingyu, alis na ko ha? May thesis nga pala kami! See you my loves!" Paalam ng babae sa kaniya na hindi naman niya alam ang pangalan.
"Naks, Mingyu."
"Humatak ng chix galing China."
"Hoy Mingyu, 'wag mong inaagaw ang babe ko." Sabi ni Junhui sa kaniya kaya sinamaan siya nito ng tingin.
"Hyung, hindi ako interesado sa kaniya. Sa'yo nalang."
Umalis na si Mingyu sa lugar na 'yon dahil alam niya, masama ang tingin ni Minghao sa kaniya ngayon.
Alam ko naman, Minghao.
BINABASA MO ANG
written • mingyu
Fanfiction❝even the last ink of my pen writes for you.❞ written ↷ k.mg ❀shuaniverse ; 2018