filler ; iv

101 2 0
                                        



Pumasok muli si Mingyu sa warehouse. Inilagay niya muna ang baril ng Papa niya sa likod ng pantalon at nagtago sa pinakamalapit na kwarto.

Nakarinig si Mingyu ng mga yabag, kaya sumilip ito. Nanlaki ang mata niya nang makitang tatlo na sila. Si Kihyun, si Eunha, at ang isa ay hindi niya kilala. Matandang lalaki iyon, that's why I'm confused. Anong pakialam niya sa buhay ng kapatid ko at ni Jin?

"Fuck, natakasan tayo." Kihyun cursed. Galit namang napatingin sa kaniya ang matanda bago niya ito suntukin.

"Ang tanga mo! Oh ngayon, nasaan na ang pera? Wala tayong kinita!" He heard Eunha. Napatingin naman siya sa suitcase na nasa likod niya. Buti na nga lang at sakto ang balik niya dahil kanina pa niya iniwan ang suitcase na iyon sa kwarto. Laman noon ang perang nawithdraw niya sa bangko, to the point na naubos ang laman ng black card niya.

Napaatras si Mingyu nang mag-umpisang maglakad si Eunha palapit sa kwarto kung nasaan siya.

Pero isang ingay ang nagawa noon.

"May tao dito."

He took a deep breath bago kunin ang baril sa likod niya. Papasok pa sana si Eunha sa kwarto pero pinalo na niya ito ng baril sa ulo, causing her to become unconscious.

Nagulat naman ang mga nasa labas. Kihyun and the unfamiliar man. Agad nagkasa ng baril ang mga ito. Lumabas naman ng kwarto si Mingyu, while pointing his gun to the both of them. Napangisi si Kihyun, nang makita ang dati niyang kaibigan.

"Ganiyan ka na pala katapang ngayon, Mingyu." Sabi nito bago tumawa ng malakas. Parang baliw ito, pero hindi nakaramdam ng takot si Mingyu.

"Feisty. Hindi ko inakalang ganito pala katapang ang kasintahan ng anak ko," Agad nagtaka si Mingyu sa sinabi ng matanda. Nakatapat pa rin ang baril ng mga ito sa kaniya, at ganoon din naman siya. Hindi niya kasi alam kung sino ang tinutukoy nitong anak, wala naman kasi siyang girlfriend.

"But sadly, I need to kill you before Jinxia finds out," Walang nagawa si Mingyu nang tutukan siya ng baril ng matandang lalaki, who turns out to be Jinxia's father. Ano na namang kinalaman nito dito? Bakit niya ipinakidnap ang sarili niyang anak?

Isa pang baril ang nasa sintido ni Mingyu ngayon. Ang baril ni Kihyun.

"Ang sama mo, Kihyun." Mingyu commented despite of the fact that he starts to feel anxious. Hindi niya nga alam kung makakabalik pa siya ng buhay.

He's risking his life now for his sister and for, Jinxia.

"Sinabi mo lang 'yan kasi ginalaw ko 'yung girlfriend mo, di'ba?" Kihyun said cockily. Nagulat naman si Mingyu nang alisin ni Mr. Wong ang baril sa sintido niya at itinapat ito kay Kihyun.

"What the fuck did you say, young bastard?"

"Ginalaw ko 'yung anak niyo, bakit?" Hindi na hinintay pa ni Mr. Wong na gumawa ng kung ano si Kihyun at binaril na ito sa tagiliran. Nagulat siya dahil sa inasta nito, nang malaman ang nangyari sa anak.

"That is not part of the plan!" Galit na tugon nito, habang pinapanuod ng dalawa ang pangluhod ni Kihyun dahil sa sakit. Napatingin naman si Mingyu kay Mr. Wong na nakatingin na din sa kaniya.

"Where's my daughter?" Mr. Wong asked him. Kung kanina ay puno ng kasakiman ang mata nito, ngayon naman ay puno ng pag-aalala.

"Nasa hospital—shit!" Nagulat silang dalawa nang biglang barilin ni Kihyun si Mr. Wong, at tinamaan rin siya.

Sa tagiliran ito tumama, dahilan para mapahiga ang dalawa. Sakto namang dumating ang mga pulis at nakita ang nangyari. Agad nilang isinakay ang tatlo sa ambulansya pero nasa sasakyan pa lang, binawian na ng buhay si Kihyun.

Naghahabol ng hininga si Mingyu. Para bang walang-wala ang magdamagang practice nila kapag comeback ngayong nabaril siya. Hindi niya alam ang gagawin niya. Hindi niya alam kung anong iisipin niya.

Nasusuka siya. Napaubo siya ng kaunti at alam niyang dugo iyon. Masakit na ang lalamunan niya.

"K-kim Mingyu..." The man beside him said. It was Mr. Wong. Kahit nahihirapan siya ay tumingin siya doon.

Kapit lang, Mingyu...

"Live." Sabi nito bago mawalan ng malay. Even if he seems to see everything in a blurry picture, the image of Mr. Wong's failed revival was vivid in his mind.

Napaubo siya sa huling pagkakataon.

Hindi na niya kaya.

Bago siya pumikit ay naisip niya si Jinxia.

Kakapit ako. Jin, hintayin mo ako.

-
happy one year to this story!!!

written • mingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon