3 R D。
"Mingyu, hindi mo alam bahay ni Ate Karissa?" Tanong ni Jin habang akay ang lasing na si Karissa. Kanina pa ito nag-iingay at nagsisisigaw ng "walang forever" habang pabalik sila sa bahay.
Umiling naman si Mingyu, "Hindi e. 'Yung bahay lang na tinirhan niya sa Seoul ang alam ko." Inirapan naman niya ito.
"Nasa Seoul ba tayo ha?" Tumawa ito bago buksan ang gate ng tinutuluyan nilang bahay. Buti na nga lang at madilim na kaya wala ng tao sa kanto.
Ilang miyembro nalang ang natira sa bansa dahil nakaalis na ang iba. Sila Chaejin ay nauna na umuwi sa Korea kasama ang mga bata dahil may mga pasok pa rin ang mga ito, at tanging ang mga miyembrong nagpaiwan nalang ang natitira.
Naiwan sa Hong Kong si Junhui at Minghao dahil may personal silang schedule doon, maging si Seungkwan at Hansol ay naiwan din. 'Wag na nating alamin kung bakit kasi baka date lang naman nila ang rason.
"Tulog na silang lahat, saan kwarto mo? Doon nalang sana si Ate Karissa." She stated before shifting her gaze to Mingyu.
"Ah, doon yata sa taas. Nauna ka gumising sa akin kaya hindi ko alam. Teka, baka gising pa si Jun hyung itatanong ko muna." Ilalabas na sana ni Mingyu ang cellphone niya nang sumulpot si Junhui na galing sa kusina at may dala pang baso ng gatas.
Baby ka ghorl?
"Sino yan? At bakit kayo nandito? Hindi pa kayo discharge ah." Tanong nito bago uminom ng gatas.
"Jun-ge, kakadischarge lang naming dalawa. Binayaran na ni mama at ni Mrs. Kim ang bills namin kanina. Si ate Karissa 'to, kaibigan ni Mingyu." Tumingin muli si Junhui sa babaeng akay ng dalawa at nagbigay ng makahulugang tingin. Binatukan naman siya ni Jin.
"Hoy gege, may girlfriend ka na tigilan mo 'yan." She said in chinese kaya alam niyang hindi maintindihan ni Mingyu iyon. Sikreto lang iyon ng dalawa, maging si Minghao.
"Fine. Ilagay niyo siya doon sa bakanteng kwarto sa taas, kwarto mo 'yon, Mingyu. Ikaw Jin, doon ka na lang din kung gusto mo. Tatabi nalang kami kay Seungkwan at Minghao." Utos ni Jun bago buhatin ng bridal style si Karissa. Umalis na si Jun kaya naiwan silang dalawa sa may gilid ng hagdan.
"Anong meron?"
"Gago 'yan si hyung. Feeling close kay Karissa." Hinawakan niya ang kamay ni Jin bago ito tingnan sa mata. "Doon ka tutulog?"
"Bakit? Gusto mo 'ko katabi?" Ngumisi siya bago tawanan ang nakangangang si Mingyu.
"Matulog ka na nga! Tatabi na ako kay Vernon." Napanguso naman si Jinxia nang tumalikod na si Mingyu. Wala na siyang nagawa kaya tumalikod na rin siya. Hahakbang na sana siya paakyat pero hinila siya pababa ni Mingyu at hinalikan ito sa noo.
"Good night, baobei." Agad namula ang pisngi ni Jin dahil sa tinawag nito sa kaniya.
"Don't ask me how, naririnig ko lang 'yan minsan kay Jun hyung." Ngumiti ito at pinisil ang pisngi ni Jin. "I love you."
-
shutA ang corny
BINABASA MO ANG
written • mingyu
Fanfiction❝even the last ink of my pen writes for you.❞ written ↷ k.mg ❀shuaniverse ; 2018