K I M。
"Mingyu!"
"Ano? Jinxia, busy ako. Doon ka na kay Minghao." Malamig kong sagot. Pilit niya 'kong sinusundan, eh puta may alaga pa nga akong mga bata e.
Nasa Japan na kami't lahat, ako pa rin nag-aalaga. Ako ba ina ng mga anak ni Wonwoo hyung? Oh my gad! Hindi ko nga alam kung saang lupalop ng hotel nagpunta si hyung!
Pero malamang sa malamang ay kasama na naman niya ang tanging minamahal niya, si Sehyeon noona. Tsk, kung pwede nga lang makasama 'yung akin e.
At nasa Japan na kami't lahat, sinusundan pa rin ako nitong babaeng tsino! Naiirita na ako sa totoo lang.
"Busy rin si Ming! Sayo nalang ako. Hehe." Sabi niya saka umupo sa tabi ko. Tiningnan naman ako ni Jiwoo, 'yung babaeng anak ni Wonwoo hyung, ng may pagtataka.
"Tito Gyu, is she your girlfriend?" Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko. Okay sana kung si Hana pa 'to e, kaso si Jinxia!
"No, Ji."
"Yes."
"Ano po ba talaga?" Tanong niya. Eto naman kasing babaeng 'to, sabay ng sabay sa'kin. Tsk.
"In your dreams."
Eh hindi naman totoo 'yung sinasabi niya.
"Jin, you're here again." Laking pasasalamat ko nang dumating si Hao at pumasok sa suite na tinutuluyan namin.
Language barrier at its finest, eh?
"Hao, let me stay. Mingyu's here." She said, holding Minghao's hand. I saw how he flinched by that move. Too obvious, Hao.
"Jin. When will you stop following Mingyu?"
"Hanggang maging kami! Hihi!" Sigaw niya kaya napatalon sa gulat si Jiwoo, na ngayon ay kinakalong ko.
Lumapit sa tenga ko ang mukha ni Jiwoo saka bumulong.
"Tito Gyu, she's loud." Natawa ako sa narinig. Wonwoo's kids, really got their father's traits. Ayaw nila sa maingay. Ang tanging maingay lang na hindi nila nirereklamo ay sila Seungkwan, syempre. May kasamang suhol 'yung pag-iingay nila e.
"Asa ka, Jinxia." Sagot ko. Wala akong pakialam sa mararamdaman niya.
Dahil mas may pakialam ako sa mararamdaman ni Minghao.
Ayokong makasira sa pagkakaibigan nila, at mas ayokong masira ang pagkakaibigan namin ni Minghao.
Gusto niya 'yan e.
BINABASA MO ANG
written • mingyu
Fanfiction❝even the last ink of my pen writes for you.❞ written ↷ k.mg ❀shuaniverse ; 2018