3 R D。"Hao, gising na siya."
Minghao quickly went to the hospital nang marinig niya iyon. Wala siyang maintindihan sa mga ingay sa paligid niya, kahit na napakalakas pa ng sigaw ni Seokmin at Soonyoung at pinapabalik siya sa loob ng bahay na nirentahan ng mga Kim. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa sila makaalis sa Hong Kong dahil sa nangyari, kahit pa halos isang buwan na silang nandoon.
He felt a sting on his heart after seeing Jin. Hindi niya alam kung papaano niya pa pipigilan ang galit na kanina niya pa nararamdaman, para sa taong binaboy ang taong mahal niya. Alam niyang hindi na siya ang nakaganti kay Kihyun, dahil hindi na ito nakasurvive sa pagbaril ni Mr. Wong dito.
Jin never noticed him entering the room. Or should I say she did. Hindi niya lang pinansin. Wala lang siguro siya sa ulirat para sumagot pa sa mga taong nakapligid sa kaniya.
"Jin. Feeling better?" He asked. Umangat ang tingin ni Jin sa kaniya. Umiling ito bago pumatak ulit ang mga luha niya.
"Si Mingyu?" Ayan na naman. Muling kumirot ang puso ni Minghao nang marinig iyon sa kaniya. Halata naman niyang iniiwasan lang ng dalaga ang tanong nito, but he decided not to repeat the same question dahil alam naman niyang hindi ito okay.
"Si Mingyu?" She repeated. Hindi alam ni Minghao kung ano ang isasagot niya. Kung sasabihin niya ba ang totoo na may nagbago.
At may nawala.
"Minghao! Nasaan si Mingyu?" Hindi na kinaya ni Minghao ang pressure na nararamdaman niya kaya't nagdesisyon siyang lumabas nalang ng kwarto. Nakita niya ang pag-aalala sa mata ni Mrs. Wong, ang nanay ni Jinxia. Hinayaan niya itong pumasok sa kwarto at para pakalmahin si Jin.
Nagwawala na naman siya.
She's out of her sanity.
Minghao punched the wall in confusion. Hindi niya na kaya. Pero hindi rin niya kayang sumuko. Para kay Jin.
Para kay Mingyu.
"Hao, I am in pain seeing you like this."
"Ma.."
Napahagulgol nalang si Minghao sa balikat ng nanay niya. Niyakap siya nito pabalik habang hinahagod ang likod nito. Lumipad pa mula China ang ina niya para kamustahin siya at si Jin.
"Hao, your friend. Where is he?"
Napabuntong-hininga si Minghao nang marinig ang tanong ng ina. Kilala kasi nito si Mingyu lalo pa't ito ang tumulong sa kaniya para mahanap si Minghao sa Seoul noong lumayas ito para makapagtraining lamang sa Korea.
Hindi siya makagalaw. Hindi niya kayang makita si Mingyu sa mga oras na iyon. Sobra-sobra na ang lungkot na nasa loob niya.
"Mam, nandoon po siya sa may ICU. Ako nalang po sasama sa inyo." Good thing Seokmin offered Hao's mother to take her to Mingyu. Agad namang pumayag si Mrs. Xu at naglakad paalis kasama si Seokmin. Bago pa man sila lumiko sa may alley ay tumingin si Seokmin kay Minghao at ngumiti.
-
Mrs. Kim was there. Agad itong niyakap ni Mrs. Xu as a sign of sympathy. Katatapos lang nitong umiyak base sa itsura nito. The latter can't help but to feel awful. Ang daming nakakabit kay Mingyu. Halata rito ang panghihina. Hindi rin stable ang vital signs nito.
Mrs. Kim offered her a seat. Umalis naman doon si Seokmin para hayaan ang dalawang ginang. Maski kasi siya ay hindi maatim na titigan ng matagal ang katawan ni Mingyu.
"Mingyu's a great son. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala pa siya." Mrs. Kim blurted out. Hindi nagsalita si Mrs. Xu at hinayaan lamang ito magsalita. "I never taught him to do chores. He always learn things by himself. That's why I'm so proud of him. I never expected that this would be the path he'd take, pero alam kong masaya siya dito sa pag-aartista niya. He can make people happy, he can make everyone love him." Sabi nito bago hawakan ang kamay ni Mingyu. Ngumiti naman si Mrs. Xu bago hawakan ang kabilang kamay ng binata.
"Mingyu, marami ka pang mararating. Don't give up right here. You're strong. Maraming tao ang naghihintay sa pagbabalik mo." Nagulat ang dalawang ginang nang biglang may pumisil sa kamay nila. Mrs. Kim's tears started to fall, as if she noticed na nagreresponse na si Mingyu sa kanila.
"Mingyu...my son. Wake up, please? Umiiyak na 'yung mga fangirls mo." Totoo naman ang sinabi ng ginang. About three weeks ago, inilabas ng Pledis ang statement regarding Mingyu's condition. Everyone went histerical to the point that almost millions of letters were sent to Pledis' address every day.
-
"That's a good sign. Sooner or later he'll wake up. Let's just hope for the best."
-
BINABASA MO ANG
written • mingyu
Fanfiction❝even the last ink of my pen writes for you.❞ written ↷ k.mg ❀shuaniverse ; 2018