"6:30 pm ang out, Ruan. Okay?"Paalala sa'kin ng librarian na si Ms. Santisima pagkapasok ko palang ng library. As usual na busy na naman ito sa pagpapaganda sa kaniyang sarili sa harap ng bilog niyang salamin.
"Yes po," sagot ko at ibinaba ang aking bag sa isa sa mga wooden chair sa gilid. Itinali ko muna ang mahaba at brown kong buhok bago kunin ang tuyo at malinis na basahan mula sa maliit na kahong nagsisilbing lagayan nito.
Tuwing hapon, pagkatapos ng dismissal, dito ako dumederetso sa library upang maging S.A o student assistant ng librarian. Ako ang taga-linis, taga-arrange ng libro, taga-check ng invoices, at kung minsa'y key keeper narin sa tuwing naaatasan ni Ms. Santi pag busy siya sa love life.
Hindi rin madali ang ganitong trabaho, male-late ka kasi sa pag uwi. Nakakainggit man ang ibang studyante na umuuwi nang maaga, wala naman akong magagawa, I need to do this to earn an extra money.
"Aba ang blooming na naman ni Ma'am," patukso kong wika at nagsimulang magpunas ng mga shelf.
Bahagyang bumungisngis si Ms. Santi. "Ano ba, ako lang 'to" aniya at winasiwas pa ang kamay niya. "Okay lang ba ang make up ko ngayon, Ruan?" Nagpa-cute si Ms. Santi habang nakahawak sa kaniyang magkabilang pisngi. Napa-thumbs up ako at kumindat sa kaniya bilang pag approved.
Maganda naman talaga si ma'am kahit nasa mid 40's na siya. Isa pa, hiwalay na siya sa kaniyanng asawa, at wala naman siyang naging anak, kaya ngayon ay umaawra-awra nalang siya.
"Alright, alis muna ako, okay?" Aniya at kinuha ang kaniyang bag. "Ikaw na ang bahala dito, ang susi nasa drawer ng cabinet!"
"Ingat po!" kumaway lang si Ma'am at tuluyan ng umalis.
Now I am all alone, inilabas ko agad ang phone ko at nagpatugtog nang malakas. Wala narin namang tao sa library ng ganitong oras kaya pwede kong gawin ang kahit ano. Actually, mas gusto ko nga na maagang umaalis si ma'am, nailalabas ko kasi ang kabaliwan ko pag mag isa.
Kasalukuyan kong inaayos ang mga libro sa linya at ni-c-classify itong mabuti habang nakikinig sa kanta. Araw-araw kasi itong nagugulo ng mga studyante at nailalagay sa mga maling shelves, lalo na ang mga researcher students na aligaga kaya minsan nalilimutan na nila kung saan nila kinuha ang mga libro.
"Isasayaw... ka sa ulap..." Hawak ko ang isang libro at isinayaw 'yon sa hangin kasabay ng kanta, tila ito ang naging partner ko. Nakapikit ako at tila ini-imagine na may kasayaw ako habang umiikot-ikot. Kung sakaling may makakita sa akin dito, paniguradong pagkakamalan akong baliw, pero buti nalang uwian na, imposibleng may tao pa rito lalo na't karamihan ay atat ng umuwi.
"Ugh.. Rein.. ugh.." napadilat ako ng mata nang makarinig ng ungol mula sa kung saan man.
Napakunot ang aking noo ko habang tumingin tingin sa paligid. Napanganga ako nang mapansin ang dalawang studyanteng matinding naghahalikan sa pinakasulok ng library, halos higupin nila ang labi ng isa't isa at gigil na gigil sa paghahalikan. Para silang sumasabay sa kanta na lalong nagpa sexy sa scenario nilang dalawa.
Pero hindi 'yon ang kinababahala ko, nakadilat kasi ang lalaki at diretsong nakatingin sa akin habang nakikipaghalikan siya. Kahit busy ang labi niya sa pakikipaghalikan, kitang kita ko ang ngisi niyang namumutawi mula rito pati na sa kaniyang mga mata.
Napatakip ako ng bibig at tumalikod na para umalis. Hindi ko maatim makita ang ka sekswalan ng dalawang 'yon!
"Hey, wait," napatigil ako nang marinig ang pagtawag sa'kin ng lalaking 'yon. I turned to them biting my lower lip.
![](https://img.wattpad.com/cover/173437544-288-k732818.jpg)
BINABASA MO ANG
✔The Playboy S.A
Teen FictionRein Lucas Anderson is a handsome and hot chick-magnet playboy on their campus. Girls like him a lot; they would even throw themselves on him even without him doing anything, but things got twisted when a student assistant named Ruan Lacsa entered h...