"W..what are you all doing here?"
Natawa naman ang isa. Pero ang tawang yun ay mukhang fake.
"To see you, of course!" Nakangising sabi ng blonde. "Hindi ka ba masaya?"
"It's been 3 years Rein... And you look more handsome. Marami ka na naman sigurong nabingwit na babae" sabi naman ng morenong lalaki.
Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila, ang mga ngisi nila sa isa't isa at ang mga masasamang tingin nila ka Rein. May mali, teka akala ko ba may reunion sila? Bakit kakaiba ang atmosphere?
"Anyway.. thanks for bringing him Ruan. "saad ng isa na may piercing at kinindatan pa ako.
Hindi ko nagawang mag react sa kanya. Naguguluhan parin ako.
"You just got a cute and nice girl Rein. Ganyan na ba ang mga type mo ngayon?"saad naman ng isa.
Napatingin sakin si Rein. Ang mga kinang sa mata nya ay napalitan ng pag aalala. Napalunok ako at nagsimulang kabahan sa sitwasyon.
"You know what will happen next Rein, do you want her to witness it?"tanong ni blonde.
"Don't dare to escape at mas lalo kang masasaktan"banta nung lalaking may pierce.
"Isn't it better if Ruan is here? Hindi papalag ang gagong yan pustahan"saad ng isang may itim na itim ang buhok.
"Yeah. Keep her, she's my type actually" nakangising sagot ng maputing may brown na buhok.
Unti unti akong kinabahan sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan ni Rein. Lalo na sa isang lalaking may brown na buhok, kakaiba ang tingin nya sakin.
Kumindat pa sya sakin bigla kay napaiwas ako ng tingin. Bakit ganun? Kanina ang babait nila sakin? Bakit nag iba ang ihip ng hangin?
"No. Just let Ruan away. Kung magsumbong man sya, alam na nya ang susunod na mangyayari"malalim na sagot ng lalaking nakapiercing at seryosong tumingin sakin.
"Ruan. Go away" saad ni Rein.
"H..huh?" Halos pumiyok ako ng sabihin nya yun.
"Umalis kana"seryosong sabi nya.
"B..but-"
"I said go!!"may pagkainis na sa mukha nya.
"Please Ruan..." nakikita ko ang pag aalala sa mukha nya.
Pero hindi ko sya pwedeng iwan, baka may mangyaring masama.
"Umalis kana!!" Umiling iling ako bilang pagkontra sa kanya pero napairap sya at napasabunot sa buhok ko.
"H..hindi kita iiwan dito!" Pagmamatigas ko.
"I SAID LEAVE! GET YOURSELF OUTTA HERE!! NOW!!" Nagtaas na sya ng boses na ikinagulat ko. Medyo napaatras ako dahil sa pagsigaw nya sakin.
Sa unang beses ay natakot ako kay Rein, dahil sa seryosong mukha nya. Kahit mukha syang galit ay nakikita ko parin nakikiusap sya kaya napakagat ako ng labi at humakbang papalayo.
"Just go Ruan.. sundin mo ang playboy"nakangising sabi ni blonde.
Sa totoo lang sya yata ang pinaka nakakasar ngayon na mukha. Akala ko pa naman mabait sya.
"Go!" muling saad ni Rein kaya kahit labag sa loob ko ay tumalikod ako at tumakbo palayo.
"Aaahh!!" Pero napatigil ako at napalingon ulit ng makita kong nasa sahig na si Rein na namimilipit sa sakit.
"Rein!!" Agad akong tumakbo para lapitan sya pero hinawakan ako ng lalaking may brown na buhok at pinigilan.
"Ano ba! Bitawan mo ako!!" Inis na sabi ko at pinipilit kumawala sa mga kapit nya.
BINABASA MO ANG
✔The Playboy S.A
Teen FictionRein Lucas Anderson is a handsome and hot chick-magnet playboy on their campus. Girls like him a lot; they would even throw themselves on him even without him doing anything, but things got twisted when a student assistant named Ruan Lacsa entered h...