Chapter 34

1.3K 35 5
                                        


Ilang araw na simula nang matapos ang pag uusap namin ni Rein sa clinic. Simula ng araw na yun, iniiwasan ko ng makita sya. Syempre, paano ako makaka move on kung palagi ko syang nakikita diba?

Sa tuwing magkakasalubong kami, lumilihis agad ako at sa iba dumadaan. Kapag sinusundo nya si Tania sa room ay hindi nalang ako lumalabas.

Masakit sakin ang pag iwas ko pero anong magagawa ko? Yung nalang ang tanging tulong na maibibigay ko sa sarili ko.

"1 2 3! Step!1 2 3! Step!"

Sa ngayon ay kasalukuyan kaming nag p-practice ng sayaw sa gym ngayon. Ilang weeks pa naman bago ang Gala pero dahil cotillion ito ay ngayon palang pina practice agad namin.

Partner ko si Jin, taga ibang section sya kaya minsan lang kami mag usap dahil hindi naman talaga kami close.

Binigyan kami ng 30 minutes break para magpahinga. Si Jett ay busy sa kakatext habang si Min ay kumakain sa tabi nya.

"Ruan!" Napalingon ako ng tawagin ako ni Kyle.

Nginitian nya ako at inabot sakin ang isang paper bag.

"Sandwich" saad nya.

"Ruan Lacsa pala Kyle ah!!" Biglang naghiyawan ang mga kasama nya sa likod.

Palagi naman silang ganyan kapag may binibigay sakin si Kyle or kapag magkasama kami.

Anyway, mag eenroll dito sa Kyle next year, kinuha agad syang varsity sa basketball at pinapagtraining agad sya in advance kahit hindi pa sya enrolled. Kaya palagi ko na syang nakikita dito sa school kasama ng basketball team.

Inirapan ni Kyle ang mga kasama nya pero hindi parin sila maawat sa pang tutukso.

"Ruan, hindi pala kita masasabayan mamayang dismiss, hanggang 8:00 kasi kami dito dahil sa training ko" napakamot sya sa ulo nya.

Tumungo ako at nginitian sya.

"Ayos lang, kaya ko naman mag commute" sabi ko.

Palagi na kasi kaming magkasabay pumasok at umuwi since palagi na syang nasa school at magkapit-bahay lang kami.

Ngumiti naman sya ng malungkot at biglang ginulo ang buhok ko.

"Hey!" sinaway ko sya pero natawa lang sya sakin.

"Sige, una na ako. Bye!" Nag wave sya sakin bago sya umalis.

Napangiti naman ako at kumaway din sa kanya.

"Wow.. mukhang close talaga kayo ng Kyle na yun ah.. infairness ang gwapo din!" saad ni Min sakin.

Napangiti nalang ako at sinimulang kainin ang sandwich ko. Wala naman akong tutol sa sinabi nya, sa totoo lang kahit hindi pa enrolled si Kyle dito ay kilala na agad sya ng mga girls.

"Tsaka feeling ko gusto ka nya, kasi kahit sinasabi nya childhood friends kayo parang may kakaiba parin sa ngiti at mga tingin nya sayo. Parang... super special mo? Ayiiee.." sinundot nya ang tagiliran ko pero inirapan ko lang sya.

"May ibang tao akong mahal Min. Wag kang ganyan" saad ko nalang.

"Mag move kana kasi! Malay mo magkagusto ka kay Kyle ulit diba? Sabi mo noon naging crush mo sya? Start to entertain him!"

Umiling iling ako.

"Puppy love lang yung dati. Hindi pa yun seryoso. And I don't want to use him to move on. Ayokong paasahin sya, pano kung ayaw talagang maalis ng nararamdaman ko kay Rein?"

Napakibit balikat nalang si Min at tumingin kay Jett na kanina pa busy sa pag tetext. Napairap naman sa kanya si Min at umalis para bumili.

Sisilipin ko sana kung sino ka text nya pero bigla nyang nilayo ang phone nya at tinaasan ako ng kilay.

✔The Playboy S.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon