Chapter 66

1.2K 36 4
                                    

I become emotional as Min confirmed that I am pregnant. Tumulo bigla ang luha ko sa hindi ko alam na dahilan.

"Ruan.."Min tap my back. Napaupo ako ng hindi nakasayad sa tiles.

Bakit? Bakit kung kailan wala na kami tsaka pa 'to nangyari?

"Ruan.. Rein need to know about this-"

"Ikakasal na sya bukas Min.."saad ko.

"Pero kailangan nyang malaman 'to!"

"Paano? Bukas na ang kasal nya.."emosyonal kong saad.

"Kailangan natin magplano para sirain ang kasal nila ni Tania"seryosong saad ni Min at dinala ako sa sala.

Kinuha nya agad ang phone nya at may tinawagan.

"Sinong tatawagan mo?"

"Si Jett, we need his help. Kailangan nyang kontakin si Alex kung saan at anong oras magaganap ang kasal ni Rein"

"S..sigurado ka ba sa sinasabi mo?"

"Ruan... Ilang sakripisyo na ang ginawa ni Rein para sayo.. ngayon ito na ang pagkakataon mo para lumaban para sa kanya at sa magiging anak nyo"

Napaisip ako sa sinabi nya. Pero hindi pa kaya huli ang lahat para ipaglaban ko ulit sya?

"P..pero mapapahamak kayo, I want to protect all of you guys from his dad.."

"His dad blackmailed you?"

I nod.

"Kailangan na talagang malagay sa tahimik ang manyak na yun! Ah basta! We need to plan everything"inis na sabi ni Min at tumawag.

"Hello Kyle?"

"Pupunta ako sa bahay mo. Mag uusap tayo-a..ano? W..wala! Wala tayong gagawin dun! Psh! Basta bilisan mo na! Bye.. I..I love you too"medyo humina ang boses nya ng sabihin ang mga huling salita nya tsaka tumingin sakin.

I just look away and pretended that I heard nothing.

Asus.

Pumunta kami sa bahay ni Kyle which is nasa tabi lang naman namin. Pati si Jett ay tinawagan din ni Min at pinapunta sa bahay ni Kyle.

"So.. what is this gathering all about?"takang tanong ni Jett.

Nasa sala kami, katabi ko si Min habang katapat naman namin ang dalawa.

"Pipigilan natin ang kasal ni Rein bukas"

"What?!" Sabay nilang sabi.

"Dahil buntis si Ruan"

"What?!"they said simultaneously again.

Napatingin sila sakin pareho pero tinaasan ko lang sila ng kilay.

"Sabagay.. bakit ba hindi sumagi sa isip ko na gagawin nyo na ang bagay na yun? Eh si Rein Lucas Anderson nga pala yun"sabi ni Kyle at nagkibit balikat.

"Manahimik ka nga! Hindi na importante kung may nagawa na silang milagro o hindi! Psh!"

"Jagiya ko ang sungit sungit.."Kyle pouted but Min just roll her eyes.

"So anong gagawin natin dun? Susugod nalang bigla sa simbahan at sasabihin na tumututol tayong apat?"Jett said.

"I don't think that will do. Kung ganun ang mangyayari, nandoon ang daddy ni Rein para kumontra"sagot ni Kyle.

"He's really the big problem here.. sya dapat ang unahin nating iligpit"sabi ni Jett at umiling iling.

Grabe.. iligpit talaga? Hindi ako pwedeng maging kriminal.

✔The Playboy S.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon