Chapter 32

1.3K 38 6
                                    

It's been one week since Rein was gone for America. Noong una ay madalas kaming mag tawagan at mag skype pero ng mga sumunod na araw hindi ko na sya makausap.

Nagsisimula na akong mag alala. Minu-minuto chine-check ko ang phone ko kung may text o tawag na sya pero wala.

"Mamaya na yan. Practice muna" sabi sakin ni Min.

As of now ay nag p-practice kami para sa cotillion. Ilang weeks nalang bago ang Gala ng school at medyo busy na agad ang mga tao dahil may iba't ibang matataas na tao ang imbitado sa Gala.

"Did you just get thin?"taas kilay na tanong sakin ni Jett.

Sya ngayon ang partner ko dahil nag switch ng partners.

"Eh?"

"You're getting thinner. Hindi ka ba pinapakain ni Anderson?" ngumiwi sya sakin.

"Hindi pa sya umuuwi, nasa america sya ngayon" malungkot nyang sabi.

"Oh.. kaya pala hindi ko sya nakikita"

Nang matapos ang practice namin ay sabay kaming tatlo kumain nina Min at Jett, kaya palagi namin kasama si Jett ay sya ang partner ni Min sa sayaw.

"Hindi parin ba nagpaparamdam ang fafa Rein mo?" tanong ni Min.

Umiling iling ako. Sa totoo lang, nababahala na ako. Ano na kayang nangyari sa kanya?

"Baka nagkaproblema lang sya ng maliit kaya hindi kami makapag usap. Hihintayin ko nalang syang umuwi" saad ko.

"Why don't you just ask Alexa?"Jett said.

"Alexa?"tanong ni Min.

"Rein's cousin" tipid na sagot ni Jett.

"Si Alexa! Oo nga no? Kaso wala akong number nya" sabi ko.

"I have" nilabas naman agad ni Jett ang phone nya.

"Great! Ikaw ah.. may number ka ni Alexa!" panunukso ko.

"Stop teasing. I just got her number dahil sa isang incident no! Psh!" Nailing nitong sabi.

Napatingin naman ako kay Min na nakatingin kay Jett ngayon, she's smiling in a weird way, para bang pilit.

"Tawagan mo na dali" utos ni Jett.

"Ah oo" Tinawagan ko naman si Alexa pero kahit sya ay walang balita sa pinsan nya. Na disappoint tuloy ako.

Rein what happen to you now?

Pauwi na ako ng bahay ng madaanan ko si Kyle na nag g-garden sa harap ng bahay nya.

"Ruan!!" Kinawayan naman nya ako agad.

Ngumiti ako at kinawayan din sya. Alam kong may awkward atmosphere parin sa amin but we try to maintain what we have kahit pa nag confess sya sakin.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad akong sumalampak sa kama at napatingin sa singsing ko. I tap it again and again.

Sana naman makarating sayo na miss na miss na kita Rein. One week na... hindi ka pa ba uuwi?

*

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Gumawa pa ako ng sandwich para bigyan din sina Min at Jett mamaya. Naalala ko tuloy yung sandwich at soymilk na binibigay sakin ni Rein kapag nasa school kami.

Pagpasok ko ay pansin ko ang napakaraming nakatingin sakin. Ewan ko ba, ang weird lang nila.

"Sabi na eh, hindi sya se-seryosohin ni Rein"

"See? She's just a rebound. Hindi talaga sya nagustuhan ni Rein"

Napayukom ang palad ko ng marinig ko ang usapan nila. Lalapit sana ako ng may humila sa akin bigla.

✔The Playboy S.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon