Life was easy before until Rein started to ruin my day everyday. Hindi ko alam kung anong sumanib na elemento sa kaniya at ginugulo niya ang buhay kong nananahimik sa isang tabi. I was just trying to live my life to the fullest, pero sinisira niya!Today, nasa canteen ako at nag t-take ng lunch, mag isa lang ako ngayon dahil busy sa group report ang kaibigan kong si Min. Fifteen minutes nalang bago matapos ang break, and here I am, multitasking with my food while doing an assignment for my next class. Procrastination talaga ang isa sa mga talent ng studyanteng tulad ko.
Inabot ko ang lata ng coke sa mesa at nilagok 'yon nang hindi pinuputol ang pag so-solve ko sa math problem sa notebook. Aksidenteng nadako ang mata ko sa ibang table, at bigla muntik na akong masamid nang makita si Rein na inaamoy ang leeg ng babaeng katabi nya sa kabilang row ng mga table. Yung babae naman ay enjoy na enjoy sa ginagawa ni Rein, base sa mahinang pagtawa at pag ngiti nito.
Napangiwi ako at nagngitngit ang mga ngipin ko habang pinagmamasdan sila.
Napakalandi talaga ng lalaking 'to! Hindi ba sila nahihiya? Nasa canteen sila tapos bulgar na bulgar ang pda nila dito!
Sa kasamaang palad ay nadako ang tingin nya sakin, nahuli niya akong nakatingin, bigla syang ngumiti at kinindatan pa ako kaya lalo akong nainis. Ang landi nya talaga!
"Oh my god kinindatan ako ni Papa Rein!"
"Loka! Ako yung kinindatan nya!"
"Ako kaya!"
"Bobo ako nga!"
Napatingin ako sa dalawang babae sa likod ko at umiling iling. Seriously? Pinagtatalunan nila ang walang kwentang bagay? Pero sabagay, si Rein Anderson nga pala 'to, ang pinaka malanding lalaki na nakilala ko. Kindat palang niya, parang maiihi na ang mga babaeng 'to sa kilig. Tch, nakakaawang mga babae.
"Ruan, baby!" Nagulat ako ng biglang sumigaw si Rein ng pagkalakas-lakas at kinawayan ako.
Nagsilingunan tuloy sa akin ang mga tao sa canteen. Kinilabutan ako sa mga nag aalab nilang mga mata. Palagay ko ay mamamatay ako ng maaga dahil sa Anderson na 'to!
Inirapan ko nalang siya sabay iwas ng aking mata. Narinig ko ang pagtawa niya pero hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa pag solve nitong mga equation sa notebook ko. Chill, Ruan. Iwasan mo lang ang mokong na 'yan at mabubuhay ka nang matiwasay.
"Honey.. where are you going?"
Pasimple na naman akong napasulyap ng marinig ang babaeng katabi ni Rein, nakatayo na si Rein at pinipigilan siya ng babaeng umalis.
"Lilipat ako sa baby ko"
Malakas ang pag uusap nila kaya't lahat ng tao sa canteen ay nakasubabay sa kanilang eksena.
"Pero pano kami, Sweetheart?"
"Uhm... Maybe let's just catch up later?" kibit-balikat niya. "Or maybe next time, okay?" He winked and started to walked away from them.
Pinagmasdan siya ng lahat habang magiliw na naglakad sa hallway papalapit sa.... sa direksyon ko! Wtf?! Seryoso?! Gusto nya bang mamatay ako ng maaga?!
Nagpanic agad ako at mabilis na isinalampak ang mga gamit ko sa bag. Kahit gulo-gulo na 'yon ay hinayaan ko nalang dahil sa sobrang taranta ko. Kinakabahan ang dibdib ko, pakiramdam ko kasi lalapitan ako ng zombie! Nang maisara ang bag ko ay tumayo agad ako at tatakbo na sana ng bigla nya akong harangan! Mariin akong napapikit dahil sa inis at panghihinayang sa pagkakataon na makaalis.
Argh! Why are you doing this Rein Anderson?!
"Baby, where are you going?" nakangiti sya sakin habang nakahawak pa sa buhok nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/173437544-288-k732818.jpg)
BINABASA MO ANG
✔The Playboy S.A
Novela JuvenilRein Lucas Anderson is a handsome and hot chick-magnet playboy on their campus. Girls like him a lot; they would even throw themselves on him even without him doing anything, but things got twisted when a student assistant named Ruan Lacsa entered h...