Chapter 13

2K 48 1
                                    

Lahat kami nagulat sa sinabi nya. Kahit ako ay hindi makapaniwala, si Rein ang magtuturo samin sa Physics?! For real?!

Kahit hindi halata, totoong may utak ang isang 'to. Magtataka ka na nga lang kung bakit kasama sya lagi sa top 5 ng rankings sa batch namin dahil hindi naman halata na matalino ang mokong na 'to.

Napatingin sakin si Rein, he grinned at me like he was saying;

'yeah baby you heard it right, I will become your teacher in Physics so be ready'

"So let's start now?" Saad nya at nagsulat ng problem sa white board.

E=mc2 (squared po yung 2)

Yan yung nakasulat.

"Does anyone know this formula?" Tanong nya.

Walang sumagot samin, ang tahimik nga nila dahil natatakot siguro na tawagin ni Rein.

"No one?"tanong nya.

"Okay—"

"That is the formula for energy"sagot ko dahil mukhang walang balak sumagot ang mga kaklase ko.

Napatingin sakin si Rein at biglang napangiti, di ko din tuloy maiwasang mapangiti din. Ewan, nakakahawa eh.

"And what is the unit of energy?" Taas kilay nyang tanong na para bang sinusukat nya kung gaano kalaman ang utak ko.

Tinaasan ko din sya ng kilay. Sinusubukan nya ba ako?

"Joules"sagot ko.

Ngumisi sya at sinukatan ako ng tingin, aba nanghahamon ang lokong 'to.

"And what do you mean by 'c' in the formula?"tanong nya ulit.

"Speed of light"sagot ko.

"How about the formula of Gravitational potential energy?"may pang aasar sya ng ngiti sakin.

Bwisit 'to, ginigisa nya ba ako ha?

Huminga ako ng malalim bago makasagot. Medyo naiinis na ako sa mokong na'to.

"Mass x gravity x height"

"And what is exact measure of gravity?"

"9.8 m/s"

"How about the unit of GPE?"

"Also joules" sagot ko at sinimangutan na sya.

"Woohh! Galing ni Ruan!"

"Witweeww!! Idol! Idol" nagpalakpakan na ang mga kaklase ko dahil sa mga sagutan namin ni Rein.

Natawa naman si Rein ng mahina dahil napansin nya siguro na nabubwisit na ako sa kakatanong nya.

"Ang galing mo baby.." bumulong sya sakin tapos kinindatan pa ako.

Napawi agad ang inis ko dahil dun at nakaramdam ng pag iinit sa mukha. Alam kong kinikilig ako! Psh! Kainis 'to! Bakit ba ang dali lang sa kanya na pakiligin ako?

"Okay, I'll show you how to solve a problem using the formula of energy. And then magbibigay ako ng seatwork"

Nagturo na nga si Rein, actually hindi ko akalaing ibang iba si Rein sa harapan ko. Medyo strikto sya at seryoso kapag nagtuturo, tapos palagi pang may sinasaway na mga kaklase ko.

"Answer the 3 problems on the board for 30 minutes"

Agad akong nagsagot sa papel, mabuti nga at alam ko na ang pag solve nun dahil mahilig akong magbasa ay nakakapag advance ako sa lessons.

"Ruan.. help me naman oh.. hindi ko alam gagawin eh"tumabi sakin si Jett at nilagay ang papel nya sa desk ko.

Nakanguso pa sya at nagmamakaawa sakin. Haysss..

✔The Playboy S.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon