Chapter 5

2.4K 58 3
                                    

Pagpasok ko kinabukasan ay napansin ko ang patingin tingin sakin ng mga studyante. Para bang may ginawa akong kasalanan sa kanila at pinagtatapunan nila ako ng mga masasamang tingin.

"Sya ba yung nasa canteen? Yung bagong babae ni Rein?"

"Oo. Sya din yung S.A na kasama ni Rein. Psh"

"Masyado syang common. Hindi naman magugustuhan ni Rein ang mga katulad nya"

Binilisan ko ang lakad ko dahil naiinis ako sa mga naririnig ko galing sa kanila. At paano nila nasabing hindi kami bagay ni Rein?! Psh!

Dumaan ako sa hallway papasok sa room namin. Madadaanan ko ang room ni Bastos, hindi ko naman naiwasang mapasilip doon. Sadyang malinaw yata ang mga mata ko dahil nakita ko agad sya. Nakayuko sya sa mesa habang pinapalibutan ng mga babae nyang kaklase. May mga nakayakap sa kanya, yung iba sinusuklay ang buhok nya at yung iba naman nakakapit kung saan saan.

Nagngitngit ang mga ngipin ko sa napakapangit na view na nakita ko. Tignan mo ang lalaking 'to, ilang halik ang inagaw sakin kahapon tapos ang landi landi na naman!

Humalumbaba sya bigla sa mesa kaya napatago ako, sinilip ko ulit sya at nakita kong wala syang pake sa paligid. Medyo matamlay ang mukha nya at parang ang lamlam ng mata nya. It's like he didn't sleep last night, 'di kaya puyat 'to sa babae?

Nagtama bigla ang mata namin, napatalon ako at nagmadaling umalis doon. Psh! Baka kung ano pang isipan ng manyak na yon!!

"Aray!" Nagulat ako ng mabunggo ako sa matigas na pader. 

"Inii-stalk ako ni baby.." napaangat ang tingin ko kay Rein na nakasmirk na ngayon.

Pero sa kabila ng ngiti niya, pansin ko parin talaga ang pagkamalamlam ng mata nya. He looks pale, pero ang gwapo parin at ang hot--este mukha siyang mokong na baliw.

"P..papaano ka nakapunta dyan ng mabilis?"

"Of course dalawa yung pinto sa room namin, doon ako dumaan sa isa at sinalubong kita" hindi parin natatanggal ang ngisi sa labi niya ngayon. Alam ko ang iniisip ng lalaking 'to. Baka iniisip nya may gusto talaga ako sa kanya!!

"Why are you here baby? Miss me?hmm?" Nagtaas taas ang kilay nya sakin kaya agad na sumimangot ang mukha ko.

"Asa ka!" Nilagpasan ko na sya pero bigla nya akong hinila pabalik.

Ang init ng kamay nya bakit ganun? May sakit ba sya? 

My heart pounded when I felt something on my hair. May inipit sya sa buhok ko tapos bigla syang ngumiti.

"There.. you look prettier"

Napatingin ako sa bintana ng room nila para makita ang reflection ko. Nilagyan nya ako ng hairclip na color blue at may design na butterfly.
Nakaramdam ako ng pamumula kaya yumuko ako.

"Hmph!" Tumalikod na ako agad at tumakbo para makaalis na dun. Pero habang tumatakbo ay napansin kong nakangiti ako.

Argh! Bakit ako nakangiti?! Sinampal ko ang sarili ko para bumalik sa kamalayan.

*

Nang mag break ay bumili ako sa canteen kasama ng ilang classmates ko.  Marami ang nakapila kaya nagmamadali silang makisingit. Nakasunod naman ako sa kanila nang bigla akong harangan ng apat na babae.

Magaganda sila aaminin ko at talaga namang may ipagmamalaking boobs. Napatingin tuloy ako sa dibdib ko. Psh, poor me.

"Ruan Lacsa tama ba?" Taas kilay na sabi ng isa. May blonde hair sya na mahaba na bumabagay sa maputi nyang kulay.

✔The Playboy S.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon