Chapter 65

1.1K 29 16
                                    

Namamaga na naman ang mata ko pagpasok. Vacant time ngayon kaya pumunta ako sa garden para mapag isa.

I wonder how's Rein now. I haven't seen him a while ago. Si Tania hindi na talaga pumapasok since nung ruined engagement nila.

Tumunog bigla ang cellphone ko. Min is calling. Naalala ko na ngayon nga pala ang flight nya.

"Min!"

"Hey Ruan.."

"Malapit kana bang sumakay? 10:00 am pa ang flight mo diba?"

"Yup" ramdam ko ang lungkot nya mula sa kabilang linya.

"Oh c'mon, wag mong sabihin mag b-back out kana?"

Natahimik sya sa kabilang linya.

"Nakausap mo ba si Kyle? Tinatawagan ko sya para magpaalam pero hindi sya sumasagot."malungkot nyang sabi.

"Hindi eh. Don't worry! Ako ng bahala! I'll hung up for a while okay? Bye!" Agad kong binaba ang phone ko at tumakbo papuntang gym.

Nagp-practice ang team ng basketball pero hindi ko makita si Kyle.

"Excuse me? Asan si Kyle?"tanong ko sa isa sa mga member ng team.

"He's absent today actually, may hangover daw sya"

"Hangover? Damn it, nag inom sya"inis na bulong ko.

"Broken hearted ba yun? Sandali!!" Hindi ko sinagot ang tanong ng lalaki dahil kailangan ko ng magmadali.

Lumabas ako ng school at pumara ng tricycle para makarating agad sa bahay ni Kyle na katabi lang ng bahay ko.

Good thing, mabilis si manong magdrive kaya nakarating ako agad. Pumasok agad ako ng makarating sa bahay nya. Wala ng katok-katok dahil tambay naman ako dito dati.

"Kyle? Kyle!!"

Bukas ang tv pagdating ko. Nakita ko si Kyle sa sofa at natutulog. May mga bote ng alak sa mesa at sobrang kalat ng paligid.

Nagningkit ang mga mata ko sa kanya. Look at him, he looks like wasted!!

"Kyle!! Hoy Kyle!!" Nilapitan ko sya at inalog alog.

"Argh! I don't wanna go to school mom!!"

"Si Ruan 'to!! Hoy Kyle gumising ka!!"

Napadilat naman sya at natulala sakin. Halatang inaantok pa talaga sya.

"Min..." mahinang saad nya sakin.

Napakunot ang noo ko sa kanya habang sya ay titig na titig parin sakin. Is he dreaming right now?

"Min..." he touch ny cheek and I found him getting closer to my face.

Bago nya pa ituloy ang gagawin nya ay sinapak ko sya ng malakas sa mukha.

"ARAY!!"

Napahawak sya sa pisngi nyang namumula at inis na tinignan ako.

"Ano ba Min—Ruan?!"

"Oo ako nga! Tuleg ka ba gunggong?! Kung hinahanap mo si Min, puntahan mo sya sa airport ngayon din!!"

Lumungkot bigla ang mukha nya at napabuntong hininga.

"Bakit pa? Break na kami kahapon"nakasimangot nyang sabi.

Nang marinig ko yun ay kumirot bigla ang puso ko. Kahapon din kami nagbreak ni Rein at hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko parin ang sakit.

"Makipagbalikan ka!!" Hinampas ko sya sa inis.

"Aray! Masakit yun!" Nagulat sya sa inasta ko pero hindi ko sya pinansin at hinampas ulit sya.

✔The Playboy S.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon