Chapter 26

1.5K 35 2
                                    


PS: this is a third person's point of view kaya wag malito.

"Rein please don't leave me here.."pakiusap ni Tania ng dalhin sya ni Rein sa clinic.

"I need to go back for Ruan. You are with your families right? Tatawagin ko sila—"

"No. I actually lied to you"saad ni Tania at bahagyang napakagat sa labi.

"Ang totoo sumunod ako dito para sana makasama ka, but I didn't expect na kasama mo pala si Ruan.."

"Of course she's my girlfriend" sagot ni Rein.

Napalunok naman si Tania, she's looks upset and disappointed.

"Babalik na ako—"

"No please! Ayoko mag isa dito. Please Rein.. samahan mo muna ako. Please..." saad ni Tania at kumapit sa braso nya.

"Kahit ngayon lang magpakita ka naman ng care Rein, samahan mo ako dito please.. kahit hanggang sa dumating yung nurse" nagpapaawang sabi nito.

Alam nyang double meaning ang sinabi ni Tania. Parang tagos sa puso ang sinabi nito dahil naaalala nya ang pag iwan sa dalaga noon. Napabuntong hininga naman si Rein at umupo sa upuan.

"Fine"

"Thank you" napangiti si Tania.

Nakatulog si Rein habang naghihintay, hindi na nya namalayan ang oras at nagising nalang sya ng maramdaman ang banayad na haplos sa mukha nya.

"T..Tania? Dumating na ba yung nurse?" kunot noong tanong nya.

"Oo, hindi na kita ginising kasi ang lalim ng tulog mo" sabi nito at ngumiti.

"Why you didn't wake me up?! Pupuntahan ko na si Ruan"

Tumalikod na si Rein pero hinila ulit sya ni Tania at pinaupo sa kama. Agad namang syang umupo sa lap ni Rein at pinalibot ang kamay nya sa leeg nito para hindi sya makawala.

"You don't need to be in hurry Rein.." saad ni Tania.

"Tania, get off me" seryosong saad ni Rein.

"What? Don't you want this?" Tania started to sniff his neck pero pumiglas si Rein at nainis.

"Tania stop! What are you doing?!" Rein raised his voice pero pinipilit niya parin ang inis na namumuo sa kaniya.

"I love you" biglang saad ni Tania.

Rein frowned at her.

"What are you saying? Tania get yourself outta me kung ayaw mong ako mismo ang tatanggal sayo sa katawan ko" nawawalan na ng pasensya si Rein at gusto na nyang makaalis. Kahit inis na ay nagpipigil parin sya, hanggat maaari ay ayaw nya paring manakit ng babae.

"Rein.. minahal kita noon and until now I still love you..."

"Let go Tania, I need to find Ruan!" saad ni Rein.

"Rein.. please.. alam kong gusto mo ako noon. Nagseselos ka noon kapag kasama ko ang mga kaibigan mo. Rein, I knew it.. please.." Tania started to feel emotional. Nagsisimula naring mamuo ang luha sa mga mata nya.

"That's before Tania. At mababaw lang ang pagkagusto ko sayo noon."

"Pero may chance parin na lumalim yun diba? Please.. be with me"

"I have Ruan now, I'm sorry"

Pilit na inalis ni Rein si Tania pero pinigilan sya ni Tania at mas kumapit pa sa kanya.

✔The Playboy S.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon