Pagpasok ko kinabukasan ay hindi ko inaasahan si Rein na nasa parking ng ng mga bike. Naka sandal sya sa pader habang nakapamulsa dun sa mismong laging kong pinag p-park-an ng bike ko.Natanaw niya ako at binigyan agad ako ng ngiti. Nako mukhang gaganahan akong pumasok araw araw. Haha!
"Good morning baby" bati nya ng makapark ako.
"Morning" sabi ko at ginantihan sya ng ngiti.
"May kasalanan ka sakin kahapon" sabi nya at medyo ngumuso.
Napataas agad ako ng kilay.
"At ano naman yun aber?"
Lumapit sya bigla at mabilis akong hinalikan sa labi. Nagulat pa nga ako at tumingin agad sa paligid dahil baka may makakita sa amin.
"You forgot my goobye kiss yesterday" he grinned.
"Rein nasa parking tayo. You don't just kiss me-" hindi pa ako tapos ay hinalikan nya ulit ako. Pero smack lang din.
"And that's a morning kiss. Let's go, I'll walk you to your room"sabi nya at hinila na ako.
Hawak nya ang kamay ko habang naglalakad kami. Kaya hindi maiwasan na pagtinginan kami ng mga studyante. Nakakailang tuloy. Mukhang kailangan ko ng masanay sa ganito, popular si Rein at normal lang na makahakot siya ng atensyon.
Nang makarating sa room ko tsaka nya lang binitawan ang kamay ko. Nadisappoint tuloy ako. Feel na feel ko na ng yung holding hands namin eh.
"Ay may paghatid?! Pero totoo na ba yan?" Narinig ko ang boses ni Min sa pinto.
Nakangisi sya samin.
"What do you think?" Tanong naman ni Rein na nakangisi din.
"Hmm.. kung may kiss baka maniwala na ako" pilyang saad nya at tumawa.
"Did you hear that baby? Kiss daw"tinaas taas nya pa ang kilay nya kaya napairap ako.
"Pumasok kana! Magtuturo ka pa diba?"
Ngumuso naman sya at sumimangot. Haha! Ang cute nya! He always did that childish face, kala mo palaging inaagawan ng candy eh.
"C'mmon Ruan! Parang kiss lang"ani ni Min kaya sinamaan ko din sya ng tingin.
"Oo nga baby" Rein seconded.
"Kanina ka pa sa kiss dyan" bulong ko at kinurot sya ng mahina.
"Ouch! Oo na nga! ang damot mo"nakasimangot nyang sabi kaya ako naman ang napangisi.
"Sige na, b-bye!"sabi ko at tinulak tulak sya.
"Lagot ka sakin mamaya" bulong nya sakin at nag evil smile pa. "Bye baby!" Umalis na sya habang ako naman ay pumasok na sa room.
"Aba ang ganda yata ng araw mo ngayon? Parang may mga anghel na umaawit sa paligid at ang mga ngiting namumutawi sa iyong mga labi ay sadyang napakatamis na parang katas ng mga bulaklak na galing pa sa hardin" nag ala makata si Min habang inaasar akong sa upuan.
"Magtigil ka nga" natatawa kong sabi.
Pano kasi may pa-gesture gesture pa syang nalalaman kaya nakakatawa ang itsura nya.
"Aminin mo na! Kayo na no?"sinundot sundot nya ang tagiliran ko. Nakiliti naman ako at pinigilang matawa.
"Oo"tipid kong sabi.
"OMG-" bago pa sumigaw sa ka OA-yan si Min ay tinakpan ko na ang bibig ko.
"Wag ka ng sumigaw. Mas gusto kong maging tahimik lang ang relasyon namin ni Rein"
BINABASA MO ANG
✔The Playboy S.A
Teen FictionRein Lucas Anderson is a handsome and hot chick-magnet playboy on their campus. Girls like him a lot; they would even throw themselves on him even without him doing anything, but things got twisted when a student assistant named Ruan Lacsa entered h...