Chapter 15

1.9K 39 0
                                    


Para akong timang na nakangiti dito sa desk, pano kasi gumawa ako ng cookies na may mga emoji expressions.

Excited na akong ibigay 'to kay Rein bilang peace offering! Wala kaming physical science ngayon araw since 4 times a week lang ang mga subject namin. Anyway, magkikita naman kami mamaya kaya di bale na!

Nag mag ring ang bell ng mag lunch ay lumabas na ako ng room. Tinext ko kanina si Rein na sa garden nalang kami mag usap, pagdating ko naman dun ay nandoon na sya.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang papalapit ako sa kanya. Gusto ko tuloy syang yakapin! Pero syempre hindi ko gagawin yun.

"Psst! Rein!!" Nakangiti kong tawag pero nung paglingon nya tinaasan nya ako ng kilay.

"What's with that smile? Bati na ba tayo ha?" Mataray nyang sabi kay napasimangot tuloy ako.

"Edi hindi! Hmph!" Sabi ko at umirap.

"Sige na, anong sasabihin mo?"tanong nya.

Napatigil naman ako, sa totoo lang hindi ko alam ang sasabihin ko. Ano bang sasabihin ko sa kanya at gusto kong makipag usap?

Na mali yung sinabi ko nung nakaraan? Na meron talagang kami?

"Uh.. ano kase nung nakaraan-"

"REIN HONEY!!"

Nagulat ako ng may tumakbo kay Rein at niyakap sya sa leeg. Kahit si Rein ay nabigla sa biglaang pagsulpot nya.

"W..who are you?!" Halos ilayo na ni Rein ng todo ang mukha nya sa babae pero sadyang makapit ang pugitang 'to sa leeg nya.

Hoy!! Magiging boyfriend ko na yan!!

"Nicole, honey? Don't you remember me?"malandi nitong tugon.

Kinakagat nya pa ang labi nya para mukhang kaakit akit pero hindi nya alam na mukha syang pugita!!

"I don't know you! Let go of me!"iritang sabi ni Rein pero masyadong makapit ang pugitang 'to!!

For sure yan yung isa sa mga babae nya dati! Sa dami nila hindi na nya matandaan ang pangalan!!

"You don't? Well if I do this baka maalala mo"

Nanlaki ang mata ko ng halikan nya si Rein sa HARAP KO! Isang smack na nagtagal ng halos 3 seconds.

"Remember it honey?"malanding saad nito.

Nanlalaki ang mata ni Rein at napatingin sakin pero sinamaan ko lang sya ng tingin at binato sa mukha nya yung bags of cookies na gawa ko.

"Playboy!!" Inis na sabi ko at tumalikod na para umalis.

"Ruan!! Wait!!"

Hindi nya ako nahabol dahil dun sa malanding pugitang nakakapit sa kanya.

Bakit ko ba kasi nakalimutan?! Playboy sya Ruan! Anong pumasok sa kokote mo at nagkagusto ka pa sa Playboy na yun?!

Pumunta ako sa cr at doon naglabas ng sama ng loob. Napaiyak pa tuloy ako dahil sa nangyari kanina.

Kung ikukumpara, walang wala ang katawan ko sa babaeng pugitang yun, mas sexy sya pero MAS MAGANDA ako kasi mukha syang pugita!!

"Kainis!!-Aray!" Nasipa ko tuloy yung pader sa inis pero ako parin yung nasaktan.

"Aww...aw.. kaka sprain mo lang Ruan bakit pader pa ang sinipa mo?"inis na sabi ko sa sarili.

Nang mag dismissal ay pumasok na ako sa duty sa library. Pero hindi ko inaasahan na mas mauuna pa sakin si Rein. Napatingin sya sakin pero hindi ko sya pinansin.

✔The Playboy S.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon